You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VII, Central Visayas
Division of Cebu Province
Sudlon, Lahug, Cebu City
HAGNAYA INTEGRATED SCHOOL
Hagnaya, San Remigio, Cebu

PERIODIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN 10


QUARTER 1
S.Y. 2022 – 2023

Name: ____________________________ Grade & Section: ____________ Date: ________Score: ______

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag.

Piliin at salungguhitan ang tamang sagot mula sa pagpipilian.

1. Isang malakas na hanging kumikilos ng paikot, na madalas ay may

kasamang malakas at matagal na pag-ulan.

A. Baha B. Bagyo C. Lindol D. Daluyong bagyo

2. Pagtaas ng tubig nang higit sa kapasidad ng ilog at ibang daluyan na ang resulta ay
pag-apaw nito sa kapatagan

A. Baha B. Bagyo C.Daluyong Bagyo D. Pagguho ng lupa

3. Rumaragasang agos ng tubig na may kasamang putik, bato, kahoy at iba pa.

A. Baha B. Daluyong Bagyo C. Pagguho ng Lupa D. Lindol

4. Isang abnormal na pagtaas ng tubig sa dalampasigan sanhi ng low pressure sa


panahon na nagdulot ng malalakas na hangin at pag-ulan na maaaring mabuo bilang
bagyo

A. Bagyo B. Daluyong bagyo C. Lindol D. Pagguho ng Lupa

5. Ito ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiya na nanggagaling sa ilalim ng


lupa

A. Baha B. Bagyo C. Daluyong bagyo D. Lindol

6. Anong batas ang ipinapatupad upang magkaroon ng legal na batayan ang iba’t ibang
desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?

A. Republic Act 7586 C. Republic Act 8742

B. Republic Act 7942 D. Republic Act 9003


7. Ang pagbaha, lindol, bagyo, pagsabog ng bulkan, La Niña, El Niño at pagguho ng lupa
ay epekto ng

A. Climate Change C. Polusyon

B. Overpopulation D. Suliranin sa Solid waste

8. Ang kagubatan ng bansa ay unti-unti nang nakakalbo dahil sa

A. Illegal logging C. Kaingin system

B. Fuel wood harvesting D. Lahat ng nabanggit

9. Ang suliranin sa solid waste ay maagapan kapag may

A. Batas C. May lalagyan ng basura

B. Disiplina D. May lugar tambakan

10. Ang mga plastik na basura na hindi nalilinis ay isa sa mga dahilan ng

A. Pagbabaha C. Pagdadala ng sakit

B. Pagkabara ng kanal D. Lahat ng nabanggit

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at salungguhitan


ang tamang sagot mula sa pagpipilian.

1. Ang pinakamalaking bahagdan na pinagmumulan ng solid waste sa bansa ay mula sa

A. Pabrika B. Pagawaan C. Tahanan D. Tindahan

2. Alin sa apat na salik ng produksyon ang tumutukoy sa likas na yaman?

A. Entreprenyur B. Kapital C. Lakas paggawa D. Lupa

3. Ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 o Republic Act 9003 ay
naglalayon na mabigyan ng pamamaraan para mabawasan ang basura sa pamamagitan
ng

A. Reduce, Reuse, Recycle C. Reduce, Renew, Reuse

B. Reduce, Recycle, Renew D. Reduce, Reuse, Renew

4. Ang mga sumusunod ay maituring na sanhi ng climate change maliban sa

A. Air pollution C. Suliranin sa solid waste

B. Reforestation D. water pollution

5. Lumabas sa pag-aaral nina Domingo at mga kasama na nararanasan

na sa Pilipinas ang epekto ng climate change. Alin ang hindi kabilang?


A. El Niño B. Kalbong kagubatan C. Lindol D. Malakas na bagyo

6. Alin sa mga sumusunod ang maari pang maranasan ng bansa dulot ng epekto ng
climate change?

A. Pinangangambahan na malubog sa tubig ang ilang mababang lugar

sa Pilipinas dahil sa patuloy na pagtaas ng sea level bunga ng

pagkatunaw ng mga iceberg sa Antartic

B. Panganib sa food security dahil pangunahing mapinsala ng

malalakas na bagyo ang sektor ng agrikultura

C. Magiging mataas din ang bilang ng mga magiging biktima ng sakit

tulad ng dengue, cholera, malaria dahil sa pabago bagong panahon

at matinding init

D. Lahat ng nabanggit ay wasto

7. Ang global warming ay bunga ng gawain ng tao. Alin ang HINDI nabibilang.

A. Usok mula sa pabrika C. Usok sa mga industriya

B. Usok ng sinaing D. Usok sa pagsunog ng basura

8. Ano ang higit na epekto kung patuloy na nasisira ang mga likas na yaman?

A. Magkakasakit C. Pagkawala ng buhay

B. Magugutom D. Walang trabaho

9. Alin sa sumusunod ang WALANG kinalaman sa pagkasira ng kagubatan bilang isa sa


mahalagang likas na yaman

A. Kaingin system C. Pagtatapon ng basura

B. Pagpuputol ng kahoy D. Pagtatayo ng parke at gusali

10. Alin ang higit na hindi kanais nais na ginawa ng tao sa likas na yaman.

A. Deforestation C.Pagtatapon ng basura

B. Mapang-abusong paggamit D.Pagsasagawa ng kaingin

11. Ang sektor ng agrikultura ay labis na maapektuhan ng climate change dahil

A. Magigiba ang mga tulay at iba pang mga daanan

B. Masisira ang mga patubig sa palayan

C. Mawawasak ang mga palaisdaan

D. Lahat ng nabanggit ay tama


12. May nakapaskil na babala na “ Huwag magtapon ng basura dito”. Nakita mo ang
iyong kapitbahay na nakakatanda sa iyo na nagtapon ng isang supot na basura. Ano
ang gagawin mo?

A. Hindi ko papansinin baka magalit sa akin

B. Kukunin ko ang supot at ako ang magtapon sa tamang lalagyan

C. Lalapitan ko at ituro sa kanya ang nakalagay na paskil

D. Pagsabihan ko siya tungkol sa babala sa mahinahon na tinig

13. Nagpapatawag ng pulong ang inyong punong barangay para sa

gagawing paglilinis sa paligid. Ano ang iyong gagawin?

A. Hindi ako sasali dahil may ginagawa akong takdang aralin

B. Sasali ako upang magkaroon ng pagkakataon na makakasama ang

aking mga kaibigan

C. Sasali ako upang makapag-ambag sa maliit na kakayahan na

makakatulong sa paglilinis

D. Sasali ako sa paglilinis para makita ng aking mga kapitbahay na

matulungin ako

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong bilang 14 -15.

TWO LGUs IN CEBU TO COMPETE FOR NATIONAL SEARCH ON MODEL BARANGAYS

Posted on February 19, 2018

The Department of Environment and Natural Resources (DENR) 7 through its Environmental Management

Bureau (EMB) named two regional nominees for the cleanest and greenest local government unit search

for Model Barangay on Ecological Solid Waste Management (ESWM) nationwide.

The two regional nominees for Central Visayas are barangays Mayana in Naga City and Esperanza in San

Francisco, Camotes Island, all in Cebu Province.

“The two barangays were initially chosen according to the provided guidelines in accordance to RA 9003

or the Ecological Solid Waste Management Act, our regional validation team will conduct the final validation

and site visit to verify and confirm the best practices for endorsement to the Central Office for official

nomination,” said EMB 7 Regional Director Engr. William P. Cuñado.

Pinagkukunan https://r7.emb.gov.ph/two-lgus-in-cebu-to-compete-for-the-national-search-on-model-barangays/
14. Ang Barangay Mayana at Esperanza ay nominado dahil sa

A. Masugid na pagpapatupad ng programa ng solid waste management

B. Pagiging mahusay sa buong rehiyon

C. Pagiging magiliw sa mga kasapi ng lupon ng tagapagpatunay

D. Mabisang pagtugon sa suliraning pangkapaligiran na kinakahaharap ng lahat

15. Ang layunin ng bawat programa ng pamahalaan ay nakatuon sa ikauunlad at


ikabubuti ng lahat ng mamamayan MALIBAN sa

A. Epektibong pamumuno ng mga namamahala sa pagtupad ng

kanilang sinumpaang posisyon sa pamahalaan

B. Pagpapalakas ng pakikilahok sa bawat kasapi ng barangay

C. Pagpapatupad ng mga programa sa barangay na nakatuon sa

kalamangan ng iilan lamang

D. Pagtutulungan ng lahat na mamamayan anuman ang kanilang

pampulitikang pagkakaugnay

PANUTO: Unawain nang mabuti ang bawat tanong. Isulat sa patlang ang

MALAKING TITIK ng tamang sagot.

____1. Alin sa mga sumusunod ang pinakapangunahing hakbang sa paghahanda sa


anumang kalamidad?

A. mabilis na paglikas

B. pagbibigay impormasyon sa mga kinauukulan

C. paghahanda ng first aid kit

D. pagkukumpuni ng mga sirang gamit

____2. Alin sa mga sumusunod ang higit na kinakailangan sa pagkakaroon ng


komprehensibo at maayos na mga programa tungo sa paghahanda para sa pagharap sa
mga kalamidad?

A. koordinasyon at ugnayan ng iba’t ibang sector

B. pagsunod sa mga pamantayan ng NDRRMC

C. pagsasaliksik ng mga dalubhasa

D. pagkakaroon ng malaking pondo


Para sa bilang 3-10. Piliin ang pinaka-angkop na tugon sa bawat sitwasyon ng bawat
bilang.

____3.Ikaw ay nasa isang malaking gusali habang nagaganap ang paglindol.

A. gawin ang duck, cover at hold

B. kumaripas ng takbo palabas

C. maghanda ng mga kakailanganing kagamitan

D. sumigaw ng tulong

____4.Nagbigay ng utos ang opisyal ng barangay sa agarang paglikas dahil sa posibleng


pagragasa ng lahar.

A. antabayanan ang mga susunod na balita mula sa radyo o telebisyon

B. mabilis na tumungo sa ligtas na lugar o evacuation center

C. magmasid sa paligid at siguraduhing bantayan ang mga ari-arian

D. ipagbigay alam sa mga kinauukulan ang sitwasyon sa inyong lugar _

___5. Nasusunog ang bahay 10 metro lamang ang layo mula sa inyo.

A. kunin ang pinakamahahalagang dokumento, tumawag sa fire hotline at agad


na lumabas ng bahay

B. humingi ng tulong

C. maging kalmado at alamin kaagad ang dahilan ng sunog

D. pumunta sa lokasyon ng sunog at suriin ang sitwasyon

____6. Narinig mo sa balita sa radyo na may paparating na isang napakalakas na bagyo


at maaaring tumama sa inyong lugar.

A. maghanda ng first aid kit, mga pagkain, at iba pang kakailanganing gamit kung
sakaling kakailanganin ang paglikas

B. humingi ng tulong sa mga kamag-anak at mga kinauukulan

C. ibalita kaagad sa lahat na mga kapitbahay

D. pumunta kaagad sa bangko at mag withdraw ng maraming pera

____7. May banta ng landslide o pagguho ng lupa dulot ng malakas na buhos ng ulan.

A. umiwas sa mga mababang lugar na maaaring matabunan

B. lumikas sa mga bundok o pangpang

C. maghanda ng sapat na pagkain at tubig

D. alamin ang pagbibigay ng pangunahing lunas sa sakit


____8. Matapos ang malakas na bagyo, nagbigay na ng payo ang mga opisyal na maaari
ng magsibalik sa inyong mga tahanan.

A. bumalik kaagad sa naiwang trabaho sa opisina at gawin ang mga kailangan

B. ipagbigay alam ang kabuuang danyos ng mga napinsalang ariarian

C. mag-imbak ng mga pagkain, tubig at isaayos ang mga kagamitan sa bahay

D. siguraduhing matibay ang pundasyon ng bahay bago muling pumasok

_____9. Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa inyong municipalidad

A. antabayanan ang takbo ng sitwasyon at suriin ang kaganapan

B. magbabad sa social media tulad ng facebook upang makapaglibang

C. magsagawa ng masusing pagsasaliksik ukol sa naturang virus

D. sundin ang mga safety protocols na ibinigay ng mga awtoridad

____10. Pinagbawalan ang lahat ng mga minor de edad na hindi lumabas ng bahay dahil
sa kinakaharap na krisis pangkalusugan dulot ng COVID-19.

A. igugol ang lahat ng oras at panahon sa mga bagay na nais gawin

B. magbahagi ng mga komento ukol sa mga ipinapatupad na patakaran sa


kaligtasan gamit ang social media

C. maghanap ng iba’t ibang mga pagkakalibangan

D. sumunod sa mga pamantayan, makinig sa mga balita, maging produktibo sa


loob ng bahay at tumulong sa mga magulang

Unawain nang mabuti ang artikulo upang masagot ng wasto ang tanong sa bilang
11-15.
____11. Ano ang pangunahing dahilan ng pagguho ng lupa?

A. kawalan ng kahandaan ng DRRM

B. kakulangan ng koordinasyon ng mga awtoridad

C. sunod-sunod na pag-ulan

D. pagmimina at pagkakalbo ng kabundukan

____12. Batay sa isinagawang pang-ekonomikong gawain malapit sa lugar kung saan


naganap ang pagguho ng lupa, anong salik ang nasa likod ng patuloy na pagkasira ng
ating kabundukan?

A. kawalan ng kamalayang panlipunan sa kalagayan ng kapaligiran

B. kakulangan ng maayos na urban at rural planning

C. kakulangan ng mga batas na nagbibigay proteksyon sa kapaligiran

D. pagtatamo ng malaking kita mula sa pagmimina

Ipaliwanag ang sagot nang buong husay. 3 puntos 13-15. Makatuwiran ba ang na ang
itinuturong dahilan ng pagguho ng lupa ay ang natural phenomenon at hindi dulot ng
pagmimina?
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
___________________________

You might also like