You are on page 1of 15

10

FILIPINO
Ikatlong Markahan-Modyul 8:
Pagsusuri sa Excerpt ng isang
Isinapelikulang Nobela

May-akda: Marites F. Clement


Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

Ang modyul na ito ay binubuo lamang ng isang aralin.


Aralin – Pagsusuri sa Excerpt ng Isinapelikulang Nobela

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang


sumusunod:
A. nasasagot ang mga tanong sa pinakinggang diyalogo;
B. naiisa-isa ang mga katangian ng bawat teoryang pampanitikan;
C. nasusuri ang pinanood na excerpt ng isang isinapelikulang nobela;
D. nailalapat nang may kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ng mga
talata gamit ang mga pang-ugnay sa pagasasagawa ng panunuring
pampelikula; at
E. nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon tungkol sa
magagandang katangin ng bansang Africa at Persia

Subukin

Bago tayo magpatuloy sa ating aralin ay isagawa mo ang unang


gawain.Lagyan ng tsek (/)ang wastong pagpapakahulugan sa nobela at ekis (×)
naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_____ 1. Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan.


______2.Naglalahad ito ng mga pangyayaring pinaghahabi sa isang mahusay
na pagbabalangkas.
_____ 3. Ito ay binubuo ng mga kabanata.
______4. Isang masining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring
magkasunod at magkakaugnay.
_____ 5. Pawang mga hayop ang tauhan sa istorya.

Pagsusuri sa Excerpt
Aralin ng Isinapelikulang Nobela
Sa araling ito ay pag-aaralan mo ang pagsusuri sa pinanood na excerpt ng
isang isinapelikulang nobela. Upang ito ay malinang, kailangan mong gawin nang
matapat ang lahat ng gawain.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1
Balikan

Magbalik-aral tayo tungkol sa talumpati ni Nelson Mandela na


naunang naitalakay.Magbanggit ng tatlong mahahalagang bagay na
kaniyang sinabi sa kaniyang talumpati. 2 puntos bawat isa.
1.________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2.________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3.________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Tuklasin

A. Panimula

Scrambled Letter, Gawing Better


Ayusin ang mga letra sa bawat bilang upang makilala ang
isinisimbolo ng mga bagay na tanyag sa bansang Africa. Gamiting gabay
ang nakasulat sa kahon. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.

Paggamit ng Tambol para Sinasamba ang mga


tawagin ang nasasakupan di nakikita

1. KMOUINAKYSNO 4. EPSRIUTI

Nagdadasal gamit ang


Larawan ng katutubong
rosario
Aprikana

2. P G A L L I I W N G A A 5. T A R D I S O Y N

Kinakarga ng ina ang


kaniyang sanggol

3. I N G N N- BYANA

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2
B. Pagbasa

Basahin at unawain ang halimbawa ng akda. Sagutin ang


talasalitaan at mga tanong sa bahaging “Pag-unawa sa Binasa.”

Paglisan (Buod)
Things Fall Apart ni Chinua Achebe
Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera

Si Okonkwo, isang matapang at respetadong mandirigma,


nagmula sa lahi ng mga Umuofia, isang hindi gaanong kilala at hindi
kalakihang tribo sa Nigeria.
Labingwalong taong gulang noon si Okonkwo nang matalo niya
sa isang labanan si Amalinze, ang Pusa. Dahil dito kinilala ang
katapangan ni Okonkwo mula Umuofia hanggang Mbaino. Sa maraming
pagkakataon, ipinamalas ni Okonkwo ang kaniyang katapangan upang
mapagtakpan ang laman ng kaniyang dibdib laban sa kaniyang ama, si
Unoka na sa kaniyang tingin ay mahina at talunan. Walang nagawang
mahusay ang kaniyang amang si Unoka dahil sa kaniyang katamaran. Sa
halip, puro kahihiyan ang iniwan nito sa kanilang pamilya sapagkat nag-
iwan pa ito ng maraming utang sa mga kanayon bukod pa sa pinabayaan
niya ang kaniyang pamilya. Ang naging buhay na ito ni Unoka ay laban
kay Okonkwo. Kaya pinatunayan niyang naiiba siya sa kaniyang ama.
Para patunayan ang kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinamahalaan
niya ang siyam na nayon. At siya ay nagtagumpay. Tatlo ang kaniyang
naging asawa, nakapundar ng mga ari-arian na nagpapatunay lamang ng
kaniyang pagiging masipag. Naging matapang na mandirigma at
makapangyarihan siya sa buong nayon. Dahil dito, siya ay kinilalang lider
ng kanilang tribo.
Dahil sa kaniyang kakayahan sa pamumuno, pinili si Okonkwo
ng mga kanayon upang ipagtanggol si Ikemefuna, ang lalaking kinuha
bilang tanda ng pakikipagkasundo sa kapayapaan sa pagitan ng Umuofia
at isang nayon pagkatapos mapatay ng tatay ni Ikemefuna ang isang
babaeng Umuofian. Tumira ang batang lalaki kina Okonkwo. Naging
magiliw at magkasundo naman ang dalawa. Itinuring ng bata si Okonkwo
bilang pangalawang magulang.
Isang araw, lihim na ipinaalam ni Ogbuefi Ezeudu, isa sa
matatandang tagaUmuofia, ang planong pagpatay kay Ikemefuna.
Binalaan ni Ezeudo na huwag makialam sa planong ito si Okonkwo.
“Hindi ka dapat makialam sa isasagawang iyon ng kalalakihan ng
Umuofia sapagkat isang ama na ang turing ni Ikemefuna sa iyo,” wika ni
Ogbuefi Ezeudu kay Okonkwo. Dahil dito, gumawa ng paraan si Okonkwo.
PInaniwala niyang ihahatid na si Ikemefuna sa kaniyang tunay na ina.
Naglakbay ang bata kasama ang ilang kalalakihan ng Umuofia. Sa gitna
ng kanilang paglalakbay, sinugod ng mga kasamang lalaki si Ikemefuna
upang patayin ngunit nakatakas ang bata. Nagpasaklolo ito sa kaniyang
ama-amahan. Noon ay nasa harapan ng mga katribo si Okonkwo upang
mapanatili ang ipinakitang katapangan, tinaga niya ang bata sa harapan
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3
nila sa kabila ng paghingi ng awa sa itinuring na ama. Nakalimutan ni
Okonkwo ang naging usapan nila ni Ogbuefi Ezeudu. Umuwi si Okonkwo
na mag-isa. Wala na ang batang tumulong at gumabay sa kaniya. Naging
simula naman iyon ng malaking pagbabago kay Okonkwo. Hindi na siya
makakain, hindi na makatulog, hindi na rin makapag-isip nang maayos.
Ramdam niya sa kaniyang sarili ang depresyong siya rin naman ang may
pagkakamali kaya’t upang maibsan ang kapighatian at huwag matulad sa
kaniyang ama na isang sawi ay nagtungo siya sa kaniyang kaibigang si
Obierika. Humingi siya ng payo rito at nakaramdam naman siya ng
kaunting gaan ng loob. Nagkasakit naman noon si Ezinma, anak na babae
ni Okonkwo, ngunit gumaling din sa tulong ng mga halamang gamot na
ipinanlunas ng kaniyang ama.
Lumipas ang panahon, nabalitaan ni Okonkwo na namatay si
Ogbuefi Ezeudu. Nakaramdam ng konsensiya si Okonkwo sapagkat nang
huling makausap niya ito ay noong bigyan siya nito ng babala tungkol sa
pagkonsulta sa orakulo na papatayin si Ikemefuna. Pinuno ng malalakas
na tunog ng tambol na sinasabayan ng alingawngaw ng malakas na putok
ng baril ang maririnig sa paligid habang nakaburol si Ogbuefi Ezeudu.
Kagimbal-gimbal na trahedya ang bumulaga sa lahat ng mga naroroon
nang pumutok ang baril ni Okonkwo at tamaan ang labing-anim na taong
gulang na anak ng yumao. Dahil dito, kailangang pagbayaran ni Okonkwo
ang nagawang kasalanan laban sa kaniyang kaangkan. Isang malaking
pagkakasala sa diyosa ng Lupa ang pumatay at makapatay ng kauri.
Hinakot lahat ni Okonkwo ang kaniyang mga ariarian at mahahalagang
kagamitan at nagtungo sa Mbanta, lugar ng kapanganakan ng kaniyang
ina dala ang kaniyang buong pamilya. Sinunog ang mga natirang hayop,
kubo, at mga naiwang pag-aari ni Okonkwo tanda ng paglilinis sa buong
pamayanan sa kasalanan nito. Malugod naman silang tinanggap ng mga
kaanak higit lalo ang tiyuhin nitong si Uchendu. Tinulungan nila sina
Okonkwo na makapagpatayo ng kanilang munting pamayanan at
pinahiram ng mga butil na pagsisimulan ng kanilang munting kabukiran.
Malagim at mahirap man ang sinapit ni Okonkwo, pinilit niyang tanggapin
ang lahat at muling magbalik sa kung saan siya nagmula.
Dumaan ang dalawang taon ng pagkakapatapon kina Okonkwo.
Sa mga taong iyon matiyagang kinukuha at inaani ni Obierika ang mga
pananim ni Okonkwo sa dating lugar. Ibinebenta niya ito at ibinibigay ang
pinagbilihan kay Okonkwo. Buong sipag niya itong ginagawa hanggang sa
makabalik na si Okonkwo sa Umuofia. Isang masamang balita naman
noon ang ipinabatid ni Obierika nang minsang nagdala siya ng
pinagbilhan kay Okonkwo. Winasak daw ng mga puti ang Abame, isa ding
pamayanan ng mga Umuofia.
Hindi naglaon, may mga dumating na misyonero sa Mbanta. Sa
tulong ng isang interpreter na si G. Kiaga, kinausap ni G. Brown, lider ng
mga misyonero ang mga taga-Mbanta. Ayon sa kanila, ang pagsamba sa
mga diyos-diyosan ay isang malaking kasalanan at hindi katanggap-
tanggap sa simbahan. Lalong hindi maunawaan ng mga taga-Mbanta
kung paanong ang Tatlong Persona ay naging iisang Diyos katulad ng
ipinaliliwanag ng mga misyonero tungkol sa dapat na pagsamba sa iisa
lamang na Panginoon. Layunin ng mga misyonero na dalhin ang
Kristiyanismo sa Mbanta at hindi ang tuligsain sila. Nagkasakit si G.
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4
Brown at pinalitan ni Rev. James Smith, isang malupit at bugnuting
misyonero. Nagkaroon ng relihiyon ang mga taga-Mbanta. Habang
isinasagawa ang taunang seremonya para sa pagsamba sa Bathala ng
Lupa hinablot ni Enoch ang takip sa mukha ng isang Egwugwu,
katumbas ng pagkitil sa espiritu ng mga ninuno. Kinabukasan, sinunog
ng Egwugwu ang tahanan ni Enoch at ang simbahang itinayo nina Rev.
Smith.
Ikinapanlumo ng Komisyoner ng distrito ang naganap na
panununog sa kanilang simbahan. Dahil dito humiling siya ng
pakikipagpulong sa pinuno ng mga Umuofia. Sa pulong, pinosasan ang
mga dumalong pinuno ng mga Umuofia at ikinulong. Nakatikim ng
pandudusta, masasakit na salita at pang-aabuso ang mga pinuno ng
Umuofia.
Pagkatapos mapalaya ang mga bilanggo, agad silang nagpulong
at napagkasunduang tumiwalag. Inakala ni Okonkwo na nais ng mga
kaangkan na maghimagsik kung kaya’t gamit ang machete pinatay niya
ang pinuno ng mga mensaherong lumapit sa mga kaangkan niya.
Hinayaan naman ng tao na makatakas ang iba pang mensahero at doon
napagtanto ni Okonkwo na hindi handa ang kaniyang mga kaangkan sa
isang giyera.
Dumating sa lugar ni Okonkwo ang Komisyoner ng Distrito
upang imbitahan siya sa isang pagdinig sa korte subalit natagpuan na
lamang niyang nakabitin si Okonkwo. Nagpatiwakal si Okonkwo. Ibinaba
nina Obierika ang katawan ni Okonkwo. Gumimbal sa buong nayon ang
nangyaring ito sapagkat kinikilala nila na ang pagpapatiwakal ay isang
malaking kasalanan at bukod dito si Okonkwo ay nakilala sa pagiging
matapang at malakas. “Ang taong iyan ay kilala at tanyag sa buong nayon,
dahil sa kaniyang ginawang pagpapatiwakal, matutulad lamang siya sa
isang inilibing na aso.” Sabi ni Obierika, ang kaniyang kaibigan.

- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

C. Paglinang sa Talasalitaan

Piliin sa pares ng salita sa bawat bilang ang angkop na kahulugan


ng salita. Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Isulat sa hiwalay na
papel ang sagot.

1. PALAMUTI ABUBOT, DEKORASYON


2. IPINABATID IPINAALAM, ISINASANGGUNI
3. NAPAGWAGIHAN NAPAGTAGUMPAYAN, NALAMPASAN
4. MAGPATIRINTAS NAGPASALAPID, NAGPAPUSOD
5. KAGIMBAL-BIMBAL KAGULAT-GULAT, KATAKA-TAKA

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5
D. Pag-unawa sa binasa
Sagutin nang pasalita ang mga gabay na tanong.

1. Ilarawan mo si Okonkwo batay sa iyong binasang buod.


2. Ano-anong mukha ng kahinaan ang iniiwasan ni Okonkwo? Ano
ang sinisimbolo ng pagkakaroon ng asal-babae ng kalalakihan para
kay Okonkwo?
3. Makatuwiran ba ang ginawa ni Okonkwo kay Ikemefuna?
Patunayan.
4. Batay sa mga ipinakita ni Okonkwo karapat-dapat ba siyang
kilalaning isang magiting na mandirigma? Bakit?
5. Paanong ipinakita ni Okonkwo ang kaniyang katatagan sa kaniyang
paniniwala at paninindigan?
6. Sa paanong paraan ipinakita sa akda ang pagtanggap ni Okonkwo
sa kaniyang pagkatalo at muling magbalik sa kaniyang pinagmulan?
7. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng nobela? Pangatuwiranan ang
sagot.
8. Kung isasapelikula ang nasabing nobela, ano-anong bahagi ang
iyong bibigyang kulay? Bakit?

Suriin

Batis ng Impormasyon Ito ay mga pinagmumulan ng kaalaman na


nakukuha sa pamamagitan ng pagbabasa, panonod o pakikinig. May
tatlong uri ang batis ng impormasyon. Primarya, sekundarya at tersyarya.
Ang primarya o pangunahing batis ay mula mismo sa sangkot sa
pangyayari tulad ng biktima, salarin, at saksi. Ang batayan ng
pangunahing impormasyon ay ang orihinalidad. Tinatawag din itong first
hand information. Kabilang din dito ang talaarawan o diary, dyornal,
liham, sariling tambuhay, fossil, buto at relikya. Sekondaryang
impormasyon ang naisulat hinggil sa pangunahing batis. Hindi na ito
orihinal at batay lamang sa mga impormasyong nalathala sa pangunahing
batis. Ang mga halimbawa nito ay aklat, diksyunaryo, ensiklopidya,
artikulo at mga taong pinagkuwentuha.
Ang tersyaryang batis ay ginagamit upang organisahin at
hanapin ang pangunahin at sekundaryang batis. Halimbawa nito ang
index at database. Ang index ay bahagi ng aklat na naglalaman ng mga
salita at pariralang ginamit sa aklat habang ang database ay koleksyon ng
data.
Teoryang pampanitikan Ito ay “Isang sistema ng mga kaisipan at
kahalagahan ng pag-aaral na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan,
kabilang ang sa layunin ng may-akda sa pagsulat at layunin ng tekstong
panitikan na ating binbasa.” (quizlet.com) Ilan sa mga halimbawa nito ay
realismo, humanismo, eksistensiyalismo, peminismo, imahismo,
naturalismo, romantisismo, klasisismo at imahismo. Narito pa ang ilang
karagdagang impormasyon ukol sa mapanuring pagbasa. Maaaring iba-iba

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
6
ang reaksiyon ng mambabasa o ng mga kritiko sa isang akda. Ang isang
matalinong mambabasa ay maraming mabubuong tanong sa kanyang
isipan patungkol sa akda. Katibayan ito ng matamang pagsusuri at
malalim na pag-unawa ng kathang binabasa. Ito ang pahayag sa
artikulong “Ang Panunuring Pampanitikan” ni Nenita Papa. Ayon pa rin sa
kanya, “walang tiyak o takdang pamantayan upang masabing ang isang
kathang pampanitikan ay dakila at di-mapapantayan.” Dagdag pa niya,
ang isang kritiko ay dapat na may lubos na kaalaman sa paksa ng
kathang sinusuri, sa pagkakabuo ng akda at sa estilo ng may-akda.
Makatutulong din kung may kaalaman siya sa buhay ng sumulat upang
maunawaan ang karanasan, damdamin at pagpapahalagang nakapaloob
sa akda. Ang pagbibigay ng hatol ng manunuri ay dapat na kapani-
paniwala. Magagawa ito sa paghahayag ng mga paliwanag sa mga tinuran
at naaayon sa itinakdang pamantayan. Malaking tulong ang paggamit ng
mabisang pagpapahayag sa pagbuo ng isang pagsusuring pampanitikan.
Masasabing mabisa ang pagpapahayag kung ito ay naging malinaw at
epektibo ang pagkakagamit ng mga salita upang mahikayat ang
mambabasa na basahin o pakinggan ang iyong pagsusuri. Tandaan, para
maging epektibo ang pagpapahayag ay kailangang gumamit ng mga
angkop at nauunawang salita sa pagpapahayag.
Ang panunuri ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at
diwa sa isang likhang-sining? Hindi lamang ito nagsusuri o nagbibigay-
kahulugan kundi ito’y isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao-ang
kaniyang anyo, ugali, kilos, paraan ng pagsasalita at maging ang kaniyang
pakikipag-ugnayan sa kaniyang kapuwa at sa lipunang kinabibilangan
niya.
Halimbawa sa panunuri ng maikling kuwento,dapat suriin ang mga
elementong taglay nito: tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, simbolo,
pahiwatig, magagandang kaisipan o pahayag at maging ang paraan kung
paano ito nagsimula at nagwakas. Samantala sa nobela, karaniwan na
inaalam ang mga katangiang pampanitikang napapaloob sa akda (tulad ng
elemento ng maikling kuwento); inaalam din ang aspektong panlipunan,
pampolitikal, pangkabuhayan, at pangkultural na nakapaloob sa nobela at
paggamit ng angkop na teoryang gagamitin sa pagsusuri. Panunuri o
Suring Basa Ang suring basa ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu ng
binasang teksto o akda tulad ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay,
o iba pang gawa/uri ng panitikan. Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam
sa nilalaman (content), kahalagahan (importance) at ang estilo ng awtor o
may-akda (author’s writing style).
Sa pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang balangkas o
format ng suring- basa tulad ng sumusunod:
I. Pamagat, may-akda, genre,
II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang Ginamit

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
7
Ang buod ay maaaring isulat sa lima hanggang anim na
mahahalagang pangungusap (lalo na kung maikling kuwento).
Matapos basahin ang teksto, balikan isa-isa ang mahahalagang
pangyayari, pagdugtung-dugtungin ito at mabubuo ang buod. Kung
pelikula o kaya naman maikling kuwento, magsimula sa pangunahing
tauhan at sabihin ang mahahalagang nangyari sa kanya mula simula
hanggang wakas.
Sa pagsusuri o pagbibigay ng ebalwasyon sa isang iskrip may mga
bagay tayong dapat bigyan ng pansin? Ayon kay Ricky Lee sa kaniyang
aklat na Trip To Quiapo Scriptwriting Manual, una, kailangang maging
malinaw muna ang konseptong pinag-uusapan. Ikalawa, malaman ang
major concepts ng materyal. Ikatlo, dapat konektado ang lahat ng gustong
sabihin ng sumulat ang kung tungkol saan ba talaga ang istorya.
Kailangang masagot ang anomang mga tanong tungkol dito. Kailangang
ang bawat bahagi ay magkakaugnay. Makakamit naman ang maayos na
paghahanda ng iskrip kung masusing bibigyang-tuon hindi lamang ang
pagkakaugnay ng mga pangyayari kundi sa pagbuo ng mga diyalogo.
Malaki ang maitutulong ng mga pang-ugnay sa pagbuo ng mga diyalogong
ito.
Sa pagsusuri naman ng isang pelikula, bumubuo ka ng
pagpapaliwanag sa mga detalyeng nais na bigyan ng pansin. Maaaring
pagpapaliwanag sa magandang nakita sa iskrip at o sa pelikulang
pinanood gayundin naman sa pagpapaliwanag ng mga naging kahinaan ng
iskrip at/o ng pelikulang pinanood. Ayon sa aklat na Gramatikang
Pedagohikal ng Wikang Filipino ni Vilma M. Resuma, maipaliliwanag ang
isang argumento o punto sa tatlong paraan: (1) pagpapalawak at/o
pagpapaliwanag ng kahulugan, (2) pagbibigay ng mas tiyak, detalyado, at
higit na maliwanag na deskripsiyon, kabilang na sa puntong ito ang mga
paggamit ng pangugnay, pagtutulad at pag-iiba-iba, at (3) pagbibigay ng
halimbawa. Makatutulong nang malaki ang paggamit ng mga pang-ugnay
upang maging mabisa ang pagpapaliwanag. Ilan sa mga ito ay ang mga
pang-angkop na ginagamit bilang pang-ugnay upang mapadulas ang
pagbigkas ng salita.
Ang pang-angkop na na, ng, g. Ginagamit ang na kapag ang
salitang aangkupan ay nagtatapos sa katinig, ang g naman ay ginagamit
sa mga salitang nagtatapos sa n at ginagamit naman ang ng sa mga
salitang aangkupan na nagtatapos sa patinig. Maliban dito, ang mga
pangatnig na bagamat, upang, at, tulad ng, kapag, kung, at iba pa
ay magagamit din sa mahusay na pagpapaliwanag.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8
Pagyamanin

Ngayon naman ay palawakin natin ang iyong kaalaman sa konseptong


natutunan sa pamamagitan ng pagsusuri ng pinanood na excerpt ng isang
isinapelikulang nobela. Gamiting gabay ang pormat sa pagsusuri ng excerpt.

Iskrip: Basahin at Suriin

Narito ang bahagi ng iskrip ng “Sarah, Ang Munting Prinsesa” na isinulat ni


Shaira MellaSalvador sa Direksiyon ni Romy V. Suzara. Gamit ang pormat na
kasunod, suriin ang bahagi ng iskrip.

I. Pamagat
II. Mga Tauhan
III. Buod ng Pelikula
IV. Banghay ng mga Pangyayari (story grammar)
a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas
ng Suliranin
f. Mga Ibinunga V. Paksa o Tema
VI. Mga Aspektong Teknikal
a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual Effects
d. Set Design

VII. Kabuoang Mensahe ng Pelikula

Adaptasyon mula sa nobelang A Little Princess. Matapos mamatay


ang ina ni Sarah (Camille Pratts) ay napilitan siyang iwanan ng kaniyang
amang si Capt. Ralph Crewe (Matt Ranillo III) sa isang boarding house.
Nang ibalita ni Mr. Barrow na patay na si Mr. Crewe ay ayaw panatilihin si
Sarah sa boarding house ng head mistress na si Miss Minchin (Jean
Garcia). Ipinagtatanggol siya ng kapatid ni Miss Minchin na si Miss Amelia
(Rio Locsin).
SEQ. 19-A. INT. HALLWAY OUTSIDE MISS MINCHIN’S OFFICE. DAY. Sarah
hurries down the stairs. Bitbit niya si Emily (doll). Hustong nakalabas na
ng office ni Miss Minchin si Mr. Barrow. He walks towards the main
entrance. Sarah sees him.
SARAH : Papa! Papa!
Mr. Barrow does not look back. Tuloy-tuloy ito sa paglakad. Sarah runs
after him. Finally, when Mr. Barrow nears the school entrance, he turns
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
9
around to look at her. Show the surprise and the disappointment on
Sarah’s face. Mr. Barrow shakes his head sadly and walks away.
SEQ. 19-B INT. MINSHIN’S OFFICE. SAME DAY
Back in the office, Miss Minchin and Miss Amelia discuss the issue. Miss
Amelia is depressed about Sarah’s situation.
MISS AMELIA: (naiiyak) Kawawa naman si Sarah… kailangang tulungan
natin siya Ate.
MISS MINCHIN: (sharply) Anong kawawa? Mas kawawa tayo! Hindi tayo
bahay ampunan, baka akala mo.
MISS AMELIA: Saan siya pupunta, Ate? Narinig mo ang sinabi ni Mr.
Barrow… walang ibang kukupkop kay Sarah.
MISS MINCHIN: Hindi ko na problema iyon…
MISS AMELIA: Alangan namang itaboy natin ang bata?
MISS MINCHIN: Alam mo namang nakasangla sa banko ang eskwelahang
ito… baon na baon na tayo sa utang kay Mr. Crisford…nasaan na ang utak
mo, Amelia?
MISS AMELIA: Nasaan ang kunsensiya mo, Ate?
MISS MINCHIN: (raises her voice) Bakit kasalanan ko ba kung bakit
namatay ang ama ni Sarah?
Because of their heated discussion, the two women failed to take notice of
Sarah’s presence. Sarah is standing outside Miss Minchin’s door, crying
softly. Miss Amelia sees her. MISS MINCHIN: Sarah… Miss Minchin looks
over her shoulder at Sarah. The little girl quietly walks away, clutching
Emily close to her.

Isaisip

Bakit kaya mahalaga ang pagsusuri sa isang pinanood? Paano mo susuriin


ang iyong pinanood batay sa pinag-aralan?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Isagawa
Ilapat natin sa tunay na buhay ang natutuhan mo sa ating aralin.
Lagyan ng angkop na pang-ugnay ang mga patlang upang mabuo ang
talata.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
10
Sa nobelang isinulat ni Chinua Achebe matagumpay na nailahad ang
kagiliw-giliw 1. ________ tradisyon ng mga taga-Africa. 2._______ sa simula
ay negatibo ang ipinamalas na paraan ni Okonkwo, lumilitaw naman na
sa kabuuan ng nobela, siya ang protagonista. 3._______ susuriing mabuti,
kapansin-pansin ang isa pang kultura na mababanaag sa mga taga-
Umuofia. Akala ng mga Kanluranin, ang mga tagaAfrica ay likas na
tahimik 4._______ malinaw na ipinakita ni Achebe ang kabalintunaan nito
sa ugaling taglay ng Umuofia na sila ay may komplikadong wika, punong-
puno ng talinhaga 5.______ may masining na paraan ng pamamahayag.
Kapansinpansin din ang pagbabalik loob ni Okonkwo sa kaniyang
pinagmulan, pagkilala sa kaniyang pagkagapi, at pagtanggap sa mga
parusang ipinataw sa kaniya sa kabila ng imahe ng katapangan na siya
niyang ipinamumukha sa kaniyang mga katribo.

Tayahin
Ngayong naunawaan mo na ang ating aralin, susukatin natin ang
iyong natutuhan.

I. Magbigay ng limang uri ng teoryang pampanitikan at ilarawan ang bawat


isa.
1________________________________________________________________________
2._______________________________________________________________________
3._______________________________________________________________________
4._______________________________________________________________________
5._______________________________________________________________________

II. Isagawa ang pagsusuring -basa sa nobelang Paglisan (Things Fall Apart)
ni Chinua Achebe. Isinalin sa Filipino ni Julieta U. Rivera. Sundin ang
balangkas o format ng suring- basa:

A.Pamagat, may-akda, genre,


B.Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
C.Paksa
D.Bisa (sa isip, sa damdamin)
E. Mensahe
F.Teoryang Ginamit

III. Sumulat ng isang talata na naglalarawan sa bansang Africa o Persia.


Gumamit ng mga pang-ugnay. Guhitan ang lahat ng pang-ugnay na
iyong ginamit.

Narito ang dalawa pang gawaing magpapahusay sa iyong kasanayan.


Pumili lamang ng isa at isagawa ito.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
11
1. Lumikha ng isang iskrip patungkol sa paborito mong pelikula.
Gumamit ng mga salitang pang-ugnay. Isulat ito sa hiwalay na papel.
Sundin ang pamantayan sa pagmamarka sa Iskrip na isinulat.

Pamantayan Puntos

1. Nilalaman ng iskrip 50

2. Aspektong teknikal 25

3. Wastong paggamit ng mga pang-ugnay 25

KABUOAN 100

2. Panoorin ang pelikula at gawan ito ng pagsusuri. Puntahan ang link na


ito. Sundin ang tamang pormat sa pagsusuri ng pelikula.

Magnifico Alternate Trailer - Bantilan, Y31


I. Pamagat

II. Mga Tauhan

III. Buod ng Pelikula

IV. Mahahalagang Pangyayari (story grammar)


a. Tagpuan
b. Protagonista
c. Antagonista
d. Suliranin
e. Mga Kaugnay na Pangyayari o Mga Pagsubok sa Paglutas ng
Suliranin
f. Mga Ibinunga V. Paksa o Tema

V. Mga Aspektong Teknikal


a. Sinematograpiya
b. Musika
c. Visual Effects
d. Set Design

VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula

Natutuwa ako sa iyong ipinakitang kagalingan sa pag-aaral. Binabati


kita! Sige, hanggang sa muli!

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
12
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Filipino 10 Panitikang Pandaigdig, Unang Edisyon 2015, pp. 296, 315.

Magnifico Alternate Trailer - Bantilan, Y31

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
13
Bumubuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marites F. Clement (Guro, MNHS)


Mga Editor: Ma. Grace Z. Cristi (Guro, THS)
Kimberly M. Capuno (Guro, MHS)
Adelwisa P. Mendoza (Guro, CISSL)
Tagasuri Panloob: Galcoso C. Alburo (EPS, Filipino)
Tagasuri Panlabas:
Tagaguhit: Paolo N. Tardecilla (Guro, KNHS)

Tagalapat:
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang
Tagapamanihala

Galcoso C. Alburo
Superbisor sa Filipino

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management Section

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like