You are on page 1of 2

Unang Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10

Ikatlong Markahan
Pangalan: _____________________________ Iskor: ___________
Baitang: _______________________ Petsa: __________
Panuto I: Basahin at unawain ang bawat pahayag, sitwasyon, o tanong. Piliin ang letra tamang kasagutan.

______1. Alin sa sumusunod na pangungusap ang higit na nagpapaliwanag sa pagkakaiba ng sex at gender?
A. Ang gender ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samantalang ang sex ay role o gampanin ng babae at lalaki ayon sa
itinakda ng lipunan.
B. Ang sex ay sikolohiyang katangian ng lalaki at babae, samantalang ang gender ay inaasahang role o gampanin ng babae at
lalaki sa lipunan.
C. Ang gender ay biyolohikal na katangian ng lalaki at babae, samantalang ang sex ay ang inaasahang role o gampanin ng babae
at lalaki ayon sa itinakda ng lipunan.
D. Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian ng babae at lalaki, ang gender naman ay ang inaasahang role
o gampanin ng babae at lalaki ayon sa itinakda ng lipunan
______2. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kakayahan na magkaroon ng atraksyong pisikal, kung siya ay lalaki o babae o
pareho.
A. heterosexual B. oryentasyong seksuwal C. homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian
______3. Mayroong iba’t ibang anyo ang kasarian, alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa malalim na damdamin at personal
na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak.
A. heterosexual B. oryentasyong seksuwal C . homosexual D. pagkakakilanlang pangkasarian
______4. Si Alena ay parehas na nakakaramdam ng atraksyon sa kanyang kaibigan na si Rupert at kaklase na si Cindy. Anong
oryentasyon seksuwal mayroon si Alena?
A. Bisexual B. Queer C. Lesbian D. Transgender
______5. Ano ang ibig sabihin ng akronim na “LGBTQIA+”?
A. Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual, Agender
B. Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Questioning, Intersex, Asexual, Ally
C. Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual, Androgynous
D. Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, Queer, Intersex, Asexual, Abrosexual
______6. Ano sa tingin mo ang maaaring maging papel na gagampanan ng mga kalalakihan sa pagsulong ng pagkapantay-pantay
sa kasarian sa kasalukuyan?
A. Pagsuporta sa mga kababaihan sa napiling karera ng pag-unlad
B. Pagsunod sa mga patakaran na nagtataguyod ng pagkakapantay pantay
C. Pagsulong sa pagtanggal sa stereotype tungkol sa kakayahan at tungkulin ng mga babae at lalaki
D. Lahat ng nabanggit
______7. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang ipakita ang pagpapahalaga sa iba’t ibang kasarian sa. Alin ang hindi
kabilang?
A. Tutulan ng iba’t ibang uri ng diskriminasyon sa kasarian.
B. Limitahan ang paggamit ng mga lenggwahe na inklusibo at may paggalang
C. Palawakin ang kaalaman tungkol sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang kasarian
D. Pagbukas ng isipan sa mga anyo ng
______8. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit
maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki. Ano ang
ipinahihiwatig nito?
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae.
B. Ang babae ay maaari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay maaaring magkaroon ng maraming asawa.
D. Mas malawak ang karapatang tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan
______9. Sa panahong ito nagkaroon ng pagbabago sa mga gampanin ng kababaihan sa lipunan gaya ng paglahok sa pagboto at
karapatang makapag-aral.
A. Panahon ng Amerikano B. Panahon ng Hapones C. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre-Kolonyal
______10. Sa anong makasaysayang panahon nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang
mundong kanilang ginagalawan
A. Panahon ng Amerikano B. Panahon ng Hapones C. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre-Kolonyal
______11. Sa panahong ito, parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
A. Panahon ng Amerikano B. Panahon ng Hapon C. Panahon ng Espanyol D. Panahong Pre-Kolonyal
______12. Ang mga sumusunod ay manipestasyon na hindi na umiiral ang patriyarkal na lipunan sa Pilipinas, maliban sa isa;
A. Pagkakaroon ng mga babaeng lider ng bansa kagaya nina Corazon Aquino at Gloria Macapagal Arroyo
B. Pagkakaroon ng mga propesyonal na trabaho ng mga kababaihan gaya ng guro, nars at abogado
C. Pagbibigay ng perang kinita ng asawang lalaki sa kanyang maybahay upang hindi na magtrabaho pa
D. Pagbibigay ng oportunidad sa kababaihan na makilahok sa mga Gawain na noon ay pawang sa kalalakihan lamang
______13. Alin sa sumusunod na pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea na ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat?
A. Arapesh B. Mundugumor C. Bribri D. Tchambuli
______14. Ang sumusunod ay mga gampanin ng babae at lalaki sa panahon ng pre-kolonyal maliban sa isa.
A. Tungkulin ng kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinita sa paghahanapbuhay.
B. Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala siyang makukuhang ari-arian.
C. Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring timawa sa kanilang lipunan ay
pagmamayari pa din sila ng mga lalaki.
D. Ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit maaring patawan ng parusang kamatayan ang
asawang babae sa sandaling makita niya itong may kasamang ibang lalaki.
______15. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa ng FGM?
A. upang maging malinis ang mga kababaihan
B. upang hindi mag-asawa ang mga kababaihan
C. upang makasunod sa kanilang kultura at paniniwala
D. upang mapanatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal
______16. Bakit may mga pagkakataong napipigilang maglakbay ang mga kababaihan sa ilang bansa?
A. Nakatali sila sa kanilang obligasyon sa tahanan.
B. Mas may karapatang maglakbay ang mga kalalakihan.
C. Maaaring sila ay maharap sa banta ng pang-aabusong seksuwal o pisikal.
D. Hindi sila maaaring maglakbay kung walang pahintulot mula sa kamaganak na lalaki.
______17. Sa mga bansa sa South Africa ay may mga insidente ng gang rape sa mga lesbian, ano ang sanhi ng karahasang ito?
A. Sila ay maituturing na babae rin.
B. Ito ay bahagi ng kanilang panlipunang kultural.
C. Mababa ang pagtingin sa kanilang lipunan sa mga lesbian.
D. Pinaniniwalaang mababago ang kanilang oryentasyon matapos gahasain.
______18. Alin sa sumusunod na pangkulturang pangkat sa Papua New Guinea na ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang,
agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa kanilang pangkat?
A. Arapesh B. Mundugumor C. Bribri D. Tchambuli
______19. Sa Tchambuli, ang mga babae at lalaki ay may magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Alin sa mga sumusunod ang
naglalarawan ng tungkulin ng mga kababaihan sa pangkat na ito?
A. Ang mga babae ang nakahihigit kaysa sa mga lalaki sapagkat sila nag naghahanap ng makakain ng pamilya
B. Ang mga babae ay abala sa mga gawaing sa loob at labas ng tahanan
C. Ang mga babae ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili
D. Ang mga babae ay naging libangan ang kwento
______20. Alin sa mga sumusunod ang maaaring gamiting stratehiya o pamamaraan upang tuluyang matigil ang Female Genital
Mutilation?
A. Pagbibigay ng mga alternatibong seremonya sa paniniwala sa tungkulin at inaasahan sa mga kababaihan
B. Pagbibigay ng edukasyon at pagbubukas ng kamalayan sa mga masasamang epekto ng FGM
C. Pagpapatupad ng batas para gawing illegal ang FGM
D. Lahat ng nabanggit

Panuto II: Iguhit ang simbolo ng mga sumusunod na halimbawa ng oryentasyong seksuwal at pagkakalinlang pangkasarian

21-22. Heterosexual

23-24. Transgender

25-26. Gay

27-28. Lesbian

29-30. Queer

You might also like