Ang DAGLI ayon sa katuturang ibinigay ni Arrogante
(2007) ay mga sitwasyong may mga nasasangkot natauhan ngunit walang aksyong umuunlad, gahol sa banghay, mga paglalarawan lamang. Ang Dagli ay napagkakamlang katumbas ng FLASH FICTION O SUDDEN FICTION sa ingles. Ngunit ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa PILIPINAS (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Ayon kay BIENVENIDO LUMBERA, Pambansang Alagad ng Sining “Ang Dagli sa panulat ni Eros Atalia ay may Aiba ibang anyo at pakay. Nagpapatawa, nanggugulat, nakasusugat, parang bato bato sa langit, ang tamaan ay lhim na iginagakit. Ayon kay Atalia, walang isang pamantayan kung gaano kahaba nag isang dagli. Nagbigay ng mga mungkahing paraan si Atalia sa pagsusulta ng Dagli: 1. Magbigay tuon lamang sa isa:tauhan, banghay, tunggalian, diyalogo, paglalarawan ng matinding damdamin o tagpo. 2. Magsimula lagi sa aksyon 3. Sikaping magkaroon ng twist o punchline sa dulo 4. Magpakita ng kuwento, huwag ikuwento ang kuwento 5. Gawing double blade ang pamagat.