You are on page 1of 15

MGA PARAAN SA PAGTALAKAY SA

PANUNURING PAMPANITIKAN

Ulat ni: Bb. Cathlyn Jane L. Lorenzo


MAED-Filipino

1
Dimensyon sa Pagtalakay sa
mga Akdang Pampanitikan

 Panlipunan
 Pangkaisipan

 Pangmoral
 Pang-anyo
 Pang-arketipa
Panlipunan
 Dito’y matamang sinusuri ng mambabasa lalo
na ng mga mag-aaral ng panitikan ang
interaksyon ng tao sa tao, ng tao sa lipunan,
sinusuri rin ang interaksyon ng tao sa
kaniyang kapaligiran. Susuriin din dito ang
mga suliraning panlipunang may malaking
kaugnayan sa kanyang tagumpay o
pagkabigo.
Panlipunan

Halimbawa: Kawalan ng hustisya sa mga


mahihirap, pagpanig ng batas sa mayayaman,
pag-agaw ng pribadong korporasyon sa lupain
ng mahihirap.
Pangkaisipan
 Dito’y binibigyang-diin ang pakikipaglaban ng
tauhan sa sariling kaisipan. Iniisip niya kung
tama ba o mali ang kaniyang desisyon, ang
kanyang gagawin o ginagawa. Kung minsan,
pag di naging matagumpay ang kanyang
ginawa, pinipilit niyang sabihin sa sariling
tama naman ang kanyang ginawa.
Pangkaisipan
Halimbawa: Pakikipaglaban sa mga taong
yumuyurak sa karapatan.
Pangmoral
 Ito ay pagtalakay na pampanitikan na ang
isinasaalang-alang ay ang aral, ugali, kilos at
panahon. Subalit di lahat ng inaasal ng
nakararami ay sasabihin na nating wasto.
Pangmoral
Halimbawa, kung noon ay di natin
tinatanggap na nasa moral natin ang pre-
marital seks, o live in bago kasal, kahit na
karaniwan na lamang ang mga ito sa ngayon,
di pa rin ito katanggap-tanggap sa batas-moral
lalo na sa batas ng Diyos, ito ay mali at
kasalanan.
Pangmoral
 Subalit may mga pagbabago rin namang di
lumilinang sa bata ng moralidad kaya nga’t
masasabing may kinalaman ang panahon sa
pagtalakay ng pampanitikang ito.
Pangmoral
Halimbawa, noon bago makuha ang pag-ibig
ng isang dalaga, dumaraan sa maraming
pagsubok ang kalalakihan. Bumibilang siya ng
taon bago makamit ang matamis na oo ng
dalagang nililigawan.
Ngayon, ay iba na, wala na ang panunuyo at
di na rin nahihirapan ang binatang pasagutin ng
oo ang kadalagahan. Iba noon at ngayon.
Pang-anyo
 Malimit na ginagamit ito ng mga guro ng
panitikan bilang paraan ng pagpapahalaga
sa anomang akdang kanilang nais na
talakayin. Maaaring ito ay tula, kuwento,
nobela at iba pa.
Pang-anyo
 Sa pagtalakay ng tula, kung ito ay
tradisyunal, pinag-uusapan ang sukat, tugma,
talinghaga at sining o kariktan. At kung ito ay
makabago, nasusulat sa malayang taludturan
at karaniwan ay wala ring tugma, kakaunti
ang tayutay sapagkat salita ang kadalasang
ginagamit.
Pang-anyo
 Kung maikling kuwento o nobela,
mapapansing ang mga pangyayari ay sunod-
sunod kung ang anyo’y tradisyunal. Kung
makabago ang pamamaraan, sinisimulan
kaagad sa malapit ng kasukdulan at
pagkatapos ay gumagamit ng mga
pagbabalik o flashback.
Pang-arketipa
 Ito ang paraan ng pagtalakay sa anumang
akdang pampanitikian na kasisinagan ng
mga tauhan sa Bibliya, gayundin sa mga
tauhan ng mga klasikong akda ng mga
Griyego at Romano at sa mga akdang
popular tulad ng Florante at Laura na akda ni
Francisco Baltazar: ng Sisa, Salome at Elias,
Basilio at Crispin sa akda ni Rizal sa Noli Me
Tangere at iba pa.
Salamat sa
Pakikinig!

You might also like