You are on page 1of 8

Interdisiplinaryo ;

Magamit ang wikang Filipino


sa iba’t ibang larangan at sa
pananaliksik ;
Maituro ang Filipino bilang
hiwalay na Asignatura ;
 Kasanayan sa paggamit ng iba’t ibang
tradisyonal at modernong midya na
makabuluhan sa kontekstong Pilipino sa
iba’t ibang antas at larangan;
 Praktikal na kursong nagpapalawak at
nagpapalalim sa kontekstwalisadong
komunikasyon sa wikang Filipino ng mga
mamamayang Pilipino sa kani-kanilang
mga komunidad.
 KOMFIL (Kontektstwalisadong
Komunikasyon sa Filipino);
 FILDIS (Filipino sa Iba't Ibang Disiplina);
 DALUMATFIL (Dalumat ng/sa Filipino);
 SOSLIT (Sosyedad at Literatura/
Panitikang Panlipunan) at;
 SINESOS (SineSosyedad/Pelikulang
Panlipunan).
 Ang FILDIS ay isang praktikal na kursong
nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa
malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at
pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang
larangan, sa konteksto ng kontemporaryong
sitwasyon at mga pangangailangan ng bansa at
ng mga mamamayang Pilipino. Nakatuon ang
kursong ito sa makrong kasanayan pagbasa at
pagsulat.
 Gamit ang mga makabuluhang interdisiplinaryong
pananaliksik sa wikang Filipino, bilang lunsaran ng
pagsasagawa ng pananaliksik na ito (mula sa
pangangalap ng datos at pagsulat ng borador ng
pananaliksik hanggang sa publikasyon at/o
presentasyon nito) na nakaugat sa mga suliranin at
realidad ng mga komunidad ng mga mamamayan sa
bansa at maging sa komunidad ng mga Pilipino sa iba
pang bansa. Saklaw rin ng kursong ito ang paglinang
sa kasanayang pagsasalita, partikular sa presentasyon
ng interdisiplinaryong pananaliksik sa iba’t ibang
porma at venue.”
 Filipino Bilang Larangan at Filipino sa
Iba’t Ibang Larangan
(Pokus nito ang pasaklaw na pagtalakay
sa naabot na at sa possible pang
direksyon o ekspansyon ng unique na
diskurso sa Filipino bilang larangan at
sa Filipino sa iba’t ibang larangan)
 Filipino sa Humanidades, Agham Panlipunan at Iba
Pang Kaugnay na Larangan
(Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa
Humanidades, Agham Panlipunan at iba pang kaugnay
na larangan, bilang lunsaran ng paglinang sa kasanayan
sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa iba’t ibang
larangan. Ang lahat ng estudyante – kahit ang mga NON-
HUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na
makipagdiskurso sa Filipino sa Humanidades, Agham
Panlipunan at iba pang kaugnay na larangan, alinsunod
na rin sa layunin ng kompleto o holistikong General
Education/GE.)
 Filipino sa Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya,
Matematika At Iba Pang Kaugnay na Larangan
(Pokus nito ang pagbasa ng piling tekstong Filipino sa
Siyensya, Teknolohiya, Inhenyeriya, Matematika at iba
pang kaugnay na larangan, bilang lunsaran ng paglinang
sa kasanayan sa pagsulat ng pananaliksik sa Filipino sa
iba’t ibang larangan. Ang lahat ng estudyante – kahit ang
mga HUSOCOM ang kurso – ay kailangang masanay na
makipagdiskurso sa Filipino sa Siyensya, Teknolohiya,
Inhenyeriya, Matematika at iba pang kaugnay na
larangan, alinsunod na rin sa layunin ng kompleto o
holistikong General Education/GE.)

You might also like