You are on page 1of 7

PAGBASA AT

PAGSULAT
NG MGA PILING
DALUMAT SA
FILIPINO TUNGO SA
PANANALIKSIK
DESKRIPSYON NG KURSO
Ang DALUMATFIL ay isang maagwat na kursong
nagpapalawak at nagpapalalim sa kasanayan sa
malalim at mapanuring pagbasa, pagsulat, at
pananaliksik sa wikang Filipino sa iba’t ibang larangan,,
konteksto ng kontemporaryong sitwasyon at mga
pangangailangan ng bansa at ng mga mamayang
Pilipino. Partikular na nakatuon ang kursong ito sa
makrokasanayang pagbasa a pagsulat, gamit ang mga
makabuluhang pananaliksik sa wikang Filipino, bilang
lunsaran ng pagpapalawak at pagpapalalim sa
kasanayan, kakayahan at kamalayan ng mga
estudyante na malikhain at mapanuring
makapagdalumat oo “makapag-teorya” sa wikang
Filipino, batay sa mga piling lokal at dayuhang konsepto
at teorya na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
INAASAHANG MATUTUTUHAN
Sa pagtatapos ng kurso, inaasahang matututuhan
ng mga mag—aaral ang mga sumusunod:

KAALAMAN
•Maipaliwanag ang kahalagahan ng wikang Filipino sa
pagdadalumat o pagteteorya

•Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan


at kapaki-pakinabang na sanggunian sa
pagdadalumat at pananaliksik.

•Malikhain at mapoanuring makapag-ambag sa


pagpapaliwanag at pagpapalawak ng piling
makabuluhang konsepto at teoryang lokat at dayuhan
na akma sa konteksto ng komunidad at bansa.
KASANAYAN
•Maisapraktika at mapaunlad pa ang mga batayang
kasanayan sa pananaliksik

•Makapagbasa at makapagbuod ng impomasyong,


estadistika, datos atbp. mula sa mga babasahing
nakasulat sa Filipino sa iba’t ibang larangan.

•Makapagsalin ng mga artikulo, pananaliksik atbp. na


makapag-aambag sa patuloy na intelektwalisasyon ng
wikang Pilipino.

•Makapagpahayag ng mga makabuluhang kaisipan sa


pamamagitan ng tradisyonal at modernong midyang
akma sa kontekstong Pilipino
•Makagawa ng mga malikhain at mapanghikayat na
presentasyon ng impormasyon at analisis na akma sa
iba’t ibang konteksto

•Malinang ang Filipino bilang daluyan ng


inter/multidisiplinaring pagdadalumat at pananaliksik na
nakaugat sa mga realidad ng lipunang Pilipino.

•Makabuo ng isang sanaysay hinggil sa isang


mungkahing rebisyon o ekspansyon ng isang umiiral na
konsepto o teorya, o kaya’y isang mungkahing bagong
konsepto o teorya na akam sa mga realidad ng
lipunang Pilipino.
HALAGAHAN
•Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling teorya ng
mga Pilipino sa iba’t ibang larangan.

•Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong


panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik

•Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng teorya


at praktika sa pananaliksik

•Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino


bilang daluyan ng makabuluhan at mataas na antas ng
diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino,
bilang wika ng pananaliksik ng nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.
KINAKAILANGANG ORAS AT ARAW

You might also like