You are on page 1of 2

1. Isulat ang pangunahing suliranin tinutugunan ng pananaliksik.

(JOSEPH)

Ang pangunahing suliranin na tinutugunan ng pananaliksik ay ang paglimot ng taong bayan sa


kultura, pagkatao, at sining ngayon.

2. Isulat ang teoryang pampananaliksik na ginamit sa pag-aaral. Ipaliwanag ang kaangkupan nito.
(JOSEPH)

Ang teoryang pananaliksik na ginamit sa pag-aaral ay Marxismo at Globalisasyon, Nasyonalismo.


Ipinapakita dito na ang tabaho ay maaring maging dahilan ng pagkalimot sa iyong Nasyonalismo.
Tinatalakay sa pag-aaral na ang “corporate world” ay siyang nagiging dahilan ng pagkalimot natin sa
ating sariling lenggwahe at kultura. At nang dahil sa neoliberalismo at globalisasyon nalilimitahan ang
paglikha ng sining.

3. Tukuyin at ilarawan ang metodolohiya at disenyong ginamit sa pananaliksik. Ipaliwanag ang


kaangkupan nito sa pag-aaral. (RAMOS)

Kwalitatibo ang metodolohiyang ginamit at deskriptibo o palarawan naman ang ginamit para sa
disenyo ng pananaliksik. Sa pamamagitan ng metodolohiya at disenyo ng pananaliksik na ginamit naging
malinaw para sa mga mananaliksik na ipahayag o ilarawan ang layunin na nais iparating ng paksa na
kanilang ginamit. Sa tulong din ng metodolohiya at disenyo ng pananaliksik na ginamit ay naibigay ng
mga mga mananaliksik ang kanilang mga naging respondante, ang metodo na kanilang ginamit para
maisakaturapan ang pananaliksik, ang mga ginawa nilang pagsusuri at ang mga angkop na kasagutan o
rason sa kung ano nga ang naging sanhi para sa pagkalimot ng isang empleyado o trabahador sa kanyang
sarili, pangarap, sining, kultura at iba pa.

4. Tukuyin at ilarawan ang 1. Tagatugon/pinagkunan ng datos 2. Pinagganapan ng pag-aaral 3. Panahon


ng pag-aaral. (PERFECTO)

1. Ang mga respondente ay yaong mga indibidwal na kumukumpleto ng isang sarbey o panayam
para sa mananaliksik; o kung sino ang nagbibigay ng data na susuriin para sa pananaliksik na
pag-aaral. Ang mga tumugon ay maaaring maging anumang edad, ngunit tinutukoy ng saklaw ng
pag-aaral, at dapat sumang-ayon sa may-kaalamang pahintulot na lumahok. Ang respondente sa
pananaliksik ay ang may-akda mismo; naranasan niya habang inilalarawan niya ang sitwasyon
bilang isang manggagawa o isang artist, kung saan ang mga manggagawa sa Pilipinas ay
nagsusumikap para sa pananalapi habang sila ay nagdurusa sa gutom. Ang pinagmumulan ng
data na ginamit sa pananaliksik ay higit sa lahat ay isang self-experience journal; inilalarawan ng
may-akda ang karanasan bilang isang manggagawa sa Pilipinas
2. Pagganap ng pag-aaral
Layunin ng pananaliksik na ipakita ang kakulangan ng mga benepisyong pinansyal bilang isang
manggagawang Pilipino. Habang ipinakita ng mananaliksik ang kanyang karanasan habang
isinusulat ang kanyang datos sa isang journal, nalaman niya ang ilang dahilan kung bakit mahina
ang memorya ng mga manggagawang Pilipino; mula sa mga eksperto at ang karanasan sa
kabuuan ng kanyang research paper. Ayon sa kanya, napatunayan ang mga sinabi niyang dahilan
kung bakit may mga taong mahina ang memorya kaya naaapektuhan ang kanilang trabaho.

3. Panahon ng pag-aaral ay nakabatay noong 1963

5. Tukuyin at ilarawan ang instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos. (GUTIEREZZ)

Ang instrumenting ginamit sa pangangalap ng datos ay Tekstwal analisis at Etnograpiya,


sapagkat ang pananaliksik ay direktang naka ayon sa obserbasyon at may layunin na nagtatala ng mga
kultural na gawi at panlipunang pag-uugali, mga desisyon at mga pagkilos ng iba't-ibang grupo ng tao.
Naglalarawan ito sa detalye ng kasaysayan, kaugalian, tradisyon, mitolohiya, paniniwala, wika,
talaangkanan, kasanayan,kultura o mamamayan ng mundo.

6. Isa-isahin ang mga pangunahing hakbang na ginawa ng mananaliksik sa pagkalap ng datos hanggang
sa paglalapat/pagtratong estadistikal. (LOPEZ) (JOSEPH)

Ang mananaliksik ay kumuha ng datos mula sa iba’t ibang aklat, dokumento at sanaysay. Sa
pagpoproseso ng mga datos, ginagamit ng mananaliksik ang mga ito upang mas mapatunayan at
mabigyang linaw ang suliranin sa pananaliksik. Maaaring ipagpalagay na ang datos ng pananaliksik na ito
ay isinulat dahil ito ay may kaugnayan sa nakalimbag na dokumento. Kabilang dito ang mga libro,
pelikula at iba pang publikasyon.

Kapansin pansin din na sa unang pag-aaral ng pananaliksik na ito ay tumatalakay sa intelektwal


sumunod ay historical at naiugnay ito sa isa pang pag-aaral sa pamamagitan ng ka katanungan at
pagbibigay ng isang kongretong kasagutan. Nakasaad dito ang ilang pagbabago sa kultura ng isang tao
kabilang dito ang mga nasa “corporate world” sa pamamagitan ng mga pag-aaral na nakalap sa iba’t-
ibang batis ay nagkaroon ang pananaliksik ng kabuuang kongklusyon.

You might also like