You are on page 1of 36

Pagmamahal sa Bayan

EsP - Aralin 11
“Kaya ko silang tularan, magiging
bayani rin ako tulad nila! Makikilala
ako bilang makabagong Jose Rizal
o Andres Bonifacio! Ako ang susi sa
minimithing pagbabago ng bansa,
ang pagmamahal ko sa bayan ang
magdadala upang isakatuparan ang
pangarap na ito.”
Sa pagtatapos ng • Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng
araling ito, pagmamahal sa bayan (Patriyotismo);
inaasahang:

• Natutukoy ang mga paglabag sa pagmamahal


sa bayan (Patriyotismo) na umiiral sa lipunan

• Napangangatwiranan na nakaugat ang


pagkakakilanlan ng tao sa pagmamahal sa
bayan;

• Nakagagawa ng angkop na kilos upang


maipamalas ang pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo)
Paunang Pagtataya
Gawain 1: Halika at Umawit Tayo!

Panuto: Basahin at unawain ang liriko


ng awiting pinasikat ni Noel Cabangon
na may pamagat na “Ako’y Isang
Mabuting Pilipino”.
Paunang Pagtataya
Nasiyahan ka ba sa himig ng awit? Ngayon naman, sagutin mo ang sumusunod na
tanong, isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

1. Ano-anong mensahe ang gustong iparating ng awitin?


2. Napapanahon ba ang mga mensaheng ito?
a. Oo, bakit? Ipaliwanag.
b. Hindi, bakit? Ipaliwanag.
3. Mahirap bang isabuhay ang mensaheng gustong iparating ng awitin?
a. Oo, bakit? Ipaliwanag.
b. Hindi, bakit? Ipaliwanag.
4. Makatutulong ba ang mensahe ng awitin sa pagsasabuhay ng pagmamahal sa
bayan? Pangatuwiranan ang sagot.
Kailangan mong ibuwis ang
iyong buhay tulad ng ating
mga bayani upang masabing
mahal mo ang iyong bayan?
Ang pagmamahal sa bayan ay ang
pagkilala sa papel na dapat gampanan ng
bawat mamamayang bumubuo rito.
ANO BA ANG PAGMAMAHAL SA BAYAN? Tinatawag din itong patriyotismo, mula sa
salitang pater na ang ibig sabihin ay ama
na karaniwang iniuugnay sa salitang
pinagmulan o pinanggalingan. Ang literal
na kahulugan nito ay pagmamahal sa
bayang sinilangan (native land).
Ang patriyotismo ay isinasaalang-alang nito
ang kalikasan ng tao. Kasama rin dito ang
pagkakaiba sa wika, kultura, at relihiyon na
kung saan tuwiran nitong binibigyang-
kahulugan ang kabutihang panlahat.
Ang sumusunod ay ilan lamang sa mga halimbawa ng patriyotismo:

1.Panunumpa ng katapatan sa watawat ng Pilipinas.


2.Pagpapakita ng wastong pag uugali sa tuwing maririnig ang
pagtugtog ng pambansang awit ng Pilipinas o ang Lupang Hinirang.
3.Pagbibigay-pugay sa mga sundalong naglingkod at patuloy na
naglilingkod sa bayan upang itaguyod ang seguridad ng bansa.
4.Pagkilala sa mga karapatang pantao ng bawat isa kabilang na ang
kalayaan sa pagpapahayag, relihiyon, at pagbabalita.
5.Pagsasabuhay ng ating core democratic values:
pagkakapantaypantay, katotohanan, kalayaaan, kabutihan ng
nakararami, at pangkalahatang soberanya.
Mahalaga ba ang pagmamahal
sa bayan?
Para maunawaan mo kung gaano
kahalaga ang pagmamahal, gawin
nating halimbawa ang sumusunod:
Una, ano ang mangyayari sa isang
pamilya kung hindi kinakikitaan ng
pagmamahal ang bawat miyembro
nito?
Ikalawa, ano ang mangyayari sa
grupo ng manlalaro kung hindi nila
ipinamalas ang pagmamahal sa
kapuwa manlalaro nila sa kanilang
koponan? Maipapanalo ba nila ang
grupo?
Saan unang naituro ang
pagmamahal?
sense of pride at mataas na tingin sa
sarili

unang paaralan ng
pagmamahal
Ang kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan

Ito ang nagiging daan upang makamit ang layunin

Pinagbubuklod nito ang mga tao sa lipunan.

Naiingatan at napahahalagahan nito ang karapatan


at dignidad ng tao.
Napahahalagahan nito ang kultura, paniniwala
at pagkakakilanlan.
Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay pagsasabuhay ng
pagkamamamayan.

• isang indibidwal na ibinabahagi ang talino


sa iba,
• pinangangalagaan ang integridad ng
pagkatao,
• pinahahalagahan ang karangalan ng
pamilya
• ang pagmamahal ay likas bilang taong may
malasakit
para sa adhikaing mapabuti ang lahat

Ang pagmamahal na ito ay nakaugat sa kaniyang pagkakakilanlan bilang


taong may pagmamahal sa bayan na iniingatan ang karapatan at dignidad.
Ang isang mamamayan na may
pagmamahal sa bayan ay may
pagpapahalaga sa kultura,
tradisyon, at pagkakakilanlan ng
kaniyang bayan.
Dimensiyon ng Tao
pangkaisipan
panlipunan
moral
ispirituwal
pampolitikal
pangkatawan
pang-ekonomiya
Pitong dimensiyon ng tao sa nakalahad sa Batayang Konseptuwal
ng Edukasyon sa Pagpapakatao.
Ang sumusunod ay mga pagpapahalagang dapat linangin ng bawat Pilipino upang maisabuhay ang
pagmamahal sa bayan. Nakapaloob ang mga ito sa Panimula (Preamble) ng 1987 Konstitusyon ng
Pilipinas

1. Pagpapahalaga sa buhay (Pangkatawan)


Ito ay isang moral na obligasyon sa Diyos ng bawat isa dahil ang
buhay ay mula sa Kaniya at walang sinuman ang may karapatang
bumawi o kumuha rito kung hindi Siya.

2. Katotohanan (Pangkaisipan)
Hindi kailanman matatawaran ang integridad at hindi mapagkunwari,
tumatanggi sa anumang bagay na di ayon sa katotohanan. Ang integridad
ay pinangangalagaan sa lahat ng oras at pagkakataon
3. Pagmamahal at pagmamamlasakit sa kapwa (Moral)
Ang pagpapakita ng malasakit sa kapwa na walang hinihintay na
kapalit.
4. Pananampalataya (Ispiritwal)
Ang pagtitiwala at pagmamahal sa Diyos.

5. Paggalang (Panlipunan)
Naipapakita kapag ang karapatan ng sang tao ay hindi natatapakan at
naiisabuhay ayon sa tamang gamit nito at napapangalagaan ang dignidad
niya bilang tao.

6. Katarungan (Panlipunan)
Sinesegurado na ang paggalang sa karapatan ng bawat isa ay naisasabuhay,
naibibigay sa isang tao kung ano ang para sa kaniya at para sa iba, hindi
nagmamalabis o nandaraya sa kapuwa.
7. Kapayapaan (Panlipunan)
Ang resulta ng pagkakaroon ng katahimikan, kapanatagan at kawalan
ng kaguluhan. Ito ang indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang
panlahat.

8. Kaayusan (Panlipunan)
Ang pagiging organisado na may layuning mapabuti ang ugnayan sa
kapwa. Ang pagiging disiplinado sa lahat ng pagkakataon.

9. Pagkalinga sa pamilya at salinlahi (Panlipunan)


Ang pangingibabaw ng papel ng pamilya bilang pangunahing institusyon ng
lipunan na siyang tutugon sa pag-unlad na inaasam sa ikabubuti ng lahat.
10. Kasipagan (Pang-ekonomiya)
Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gawain nang
buong husay at may pagmamahal. Ginagamit ang talento at kahusayan
sa pamamaraang nakatutulong sa kapwa nang buong kagalakan.

11. Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran (Pang-ekonomiya)


Ang pagsasabuhay sa responsibilidad bilang tagapangalaga ng
kalikasan at ng mga bagay na nilikha ng Diyos laban sa anumang uri ng
pang-aabuso at pagkawasak.

12. Pagkakaisa (Pampolitikal)


Ang pakikipagtulungan ng bawat isa na mapag-isa ang naisin at saloobin
para sa iisang layunin.
13. Kabayanihan (Pampolitikal)
Sinasagot nito ang tanong na: Ano ang magagawa ko para sa bayan at
as kapwa ko?

14. Kalayaan (Pampolitikal)


Ang pagiging malaya na gumawa ng mabuti, katanggap-tanggap na
kilos na ayon sa batas na ipinatupad bilang pagsasabuhay ng tungkulin
ng isang taong may dignidad.

15. Pagsunod sa batas (Pampolitikal)


Ang pagkilala at pakikibahagi sa pagsasabuhay ng mga ipinasang batas na
mangangalaga sa karapatan ng bawat isa. Isa ito sa mga pangunahing susi
sa pag-unlad ng bansa bilang pagsasabuhay ng makataong lipunan.
16. Pagsulong sa kabutihang panlahat (Lahat ng
dimensiyon)
Ang sama-samang pagkilos upang mahikayat ang lahat ng
lumahok sa mga pagkakataong kinakailangan para sa
ikabubuti hindi lamang sa sarili, pamilya kundi ng lahat.
Mga Pagpapahalaga na Indikasyon ng Pagmamahal sa Bayan

“Ang dignidad ng persona ng tao ay kasama sa


kaniyang karapatan na maging bahagi sa
aktibong pakikilahok sa lipunan upang
makapag-ambag sa kabutihan panlahat.”
- San Juan Pablo XXIII
Mga simpleng bagay na maaaring isabuhay upang makatulong sa bansa ayon
kay Alex Lacson:
Ang pagmamahal na ito ay nakaugat sa
kaniyang pagkakakilanlan bilang taong
may pagmamahal sa bayan na iniingatan
ang karapatan at dignidad.
MGA PAGLABAG SA PAGSASABUHAY NG
PAGMAMAHAL SA BAYAN
1. Kung ang mahalaga lang sa iyo ay ang iyong pamilya at hindi ang iyong
kapuwa: Masaya ka ba? Matututo ka ba? Uunlad ka ba? Magiging ganap ka ba?
Kaya mo ba, kung ikaw o kayo lang?

2. Nag-aral ka ba nang mabuti? Naisagawa mo ba ang trabahong nakaatang sa


iyo? Kung ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang naisagawa mo na upang
masabing ipinagmamalaki kang mamamayan ng bansa? Ilang beses mo na bang
ipinahiya ang bansa sa iyong mga makasariling mithiin? Ilang beses mo na bang
ikinahiya o itinagong ikaw ay Pilipino?
MGA PAGLABAG SA PAGSASABUHAY NG
PAGMAMAHAL SA BAYAN
3. Bakit ayaw mong tumulong sa iba? Bakit ayaw mong sumunod sa kanila bilang
iyong pinuno? Bakit ayaw mong makilahok at makialam sa mga pagkakataong
kailangan ka? Bakit nagkikibit-balikat ka lang?

4. May nakita kang nangyaring krimen, sasabihin mo ba ang nakita mo kahit na


may banta sa iyong buhay?
MGA PAGLABAG SA PAGSASABUHAY NG
PAGMAMAHAL SA BAYAN
5. Ano na ang nagawa mo para sa bansa? Ilang pirasong pinagbalatan na ng candy ang iyong pasimpleng
itinapon sa kung saan-saan? Ilang pampublikong pag-aari na ba ang iyong sinulatan na kahit walang
pahintulot (Vandalism)? Kailan ka pa naging miyembro ng demolition team ng inyong munisipalidad
upang sirain at wasakin ang mga ari-ariang mula sa buwis ng taong bayan? May pagkakataon na ba, na
naging inspirasyon ka sa iba upang gumawa ng tama at mabuti?

6. Kailan ka huling nagdasal? Ipinagdasal mo ba ang buong miyembro ng pamilya? Ang iyong
kapitbahay? Ang iyong kaibigan? Ang iyong kaaway? At higit sa lahat, ang iyong bayan? Naisasabuhay
mo ba nang tama ang iyong pagganap bilang mananampalataya?
Ang pagiging Pilipino ay isang
biyaya, hindi ito aksidente, nakaplano
ito ayon sa kagustuhan ng Diyos
bilang isang indibidiwal na
sumasakatawang diwa.
Maisasakatuparan ito at magiging
bahagi ng kasaysayan kung
ISAGAWA
Panuto: Isulat sa unang kolum ang mga kilos na lumalabag sa konsepto ng pagmamahal sa bayan na
iyong nakikita sa iyong paligid. Pagnilayan ang mga isinulat sa unang kolum. Lagyan ng tsek ang
kolum ng nagsasaad ng dalas ng iyong pagsasagawa ng bawat kilos.

Mga Paglabag sa Pagmamahal Hindi Paminsan- Madalas


sa Bayan kailanman minsan

1. Paano itatama ang mga paglabag sa pagmamahal sa bayan na


iyong isinulat?
Maraming
salamat!

You might also like