You are on page 1of 5

MODYUL 1 GAWAIN -WEEK 2

Modyul 1   Gawain 3

Gamit ang Venn Diagram isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng hayop at ng tao.
Gawain 3: Pagkakaiba Pagkakaiba

-May kakayahang mag-isip -may buhay - Kung saan-saan maaaring tumira

-May kakayahang umunawa -may limang pandama

-May kakayahang makapagsalita

Pagkakatulad

Gawain 4

Pagtapat-tapatin ang mga katanungan sa Hanay A na tumutugon sa katangian ng wasto o tamang pag-
iisip at pagkilos na nasa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot sa iyong kuwaderno. 

Hanay A Hanay B

 _____1. Patas ba ito para sa lahat? A. naayon sa batas ng Diyos at ng tao

 _____2. Hindi ba ako pinilit ng iba sa aking B. makatarungan desisyon?


C. maipagmamalaki sa lahat

_____3. Nakakaramdam ba ako ng pag-aalala o D. ikasasaya ng sarili agam-agam sa


aking pasya? E. ang pinaka-tamang gawin

_____4. May natapakan ba akong karapatang -pantao? _ F. nabuo gamit ang kalayaang mag-isip 
                                                                                                      o kumilos

____5. Mabuti ba sa pakiramdam kapag nagawa ko G. ikapapahamak ng iba ito para sa


marami?  

Gawain 5 

Basahin ang mga nakalahad. Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ito ay pagpapakita ng tamang gamit
ng isip o kilos-loob. Lagyan naman ng ekis (X) kung mali. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

_____1. Nangangalap muna si Alden ng mga impormasyon mula sa mga eksperto at kinauukulan bago
maniwala sa sinasabi ng iba.
_____2. Uminom ng alak si Aldrich sa udyok ng mga barkada. Tanda raw ito ng pakikisama at
pagmamahal sa bawat isa.
_____3. Hinikayat ni Stephanie ang kapatid at mga magulang na magbigay ng tulong sa kapitbahay na
nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 kahit na nga nangangailangan din sila.
_____4. Patuloy pa rin ang pakikipagkita ni Gerlie kay Bhoy tuwing gabi kahit kinausap na ng mga
magulang na itigil na ito.
_____5. Hindi na sini-seryoso ni Alvin ang pagbabasa ng modyul. Naisip niya na hindi naman siya magko-
kolehiyo at walang halaga ang matuto pa

Gawain 6

Pag-isipan at ibahagi ang iyong mga kilos o gawain na may kinalaman sa paggamit ng isip at kilos-loob.
Alin sa mga ito ang ipagpapatuloy, babaguhin at ihihinto mo tulad ng sa traffic lights o ilaw trapiko?
Gawain sa Pagkatuto Bilang 7: Sagutin ang mga sumusunod ayon sa iyong natutuhan sa araling ito.
Isulat ang letra ng inyong sagot.

__________1. Ang dalawang kalikasan ng tao ay _____

A. materyal at ispirituwal C. pandamdam at emosyon


B. isip at kilos-loob D. panlabas at panloob

__________2. Ang pahayag na nagsasaad ng tamang impormasyon ay _____

A. Ang materyal na kalikasan ng tao’y tumutukoy sa mental na katangian.


B. Ang materyal na kalikasan ng tao’y pinagmumulan ng diwa at talino.
C. Ang ispirituwal na kalikasan ng tao’y pagsasagawa ng pisikal na gawain.
D. Ang ispirituwal na kalikasan ng tao’y nagbibigay kakayahang umunawa.

__________3. Ang wastong paggamit ng kilos-loob o will ay naipakita ni _____

A. Deon. Lumabas pa rin siya ng bahay kahit na mapanganib pa.


B. Nelly. Ipinamalita niya sa mga kapitbahay na wala ng COVID-19.
C. Julius. Binato niya ang pusa matapos siyang biglaang kagatin nito.
D. Edna. Pinigilan niyang kumain ng masarap dahil bawal ito sa kanya.

__________4. Ang mga ito ay katangian ng wastong pag-iisip at pagkilos, MALIBAN sa_____

A. ito ang pinaka-tamang gawin


B. naayon sa batas ng Diyos at ng tao
C. nabuo ito gamit ang kalayaang mag-isip o kumilos
D. ito ay magdudulot ng personal na kapakinabangan

__________5. Makagagawa ka ng angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang mahanap ang
katotohanan kung _____

A. pipiliin mo ang mali upang mapasaya ang iba


B. isaaalang-alang mo ang kabutihan para sa sarili
C. gagamiting mo nang tama ang isip at kilos-loob
D. hahayaang magkamali sa pasya at magsisi na lang

You might also like