You are on page 1of 2

RAFAEL B.

LACSON MEMORIAL HIGH SCHOOL


Felipe Lacson St., Talisay City, Negros Occidental

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7
Quarter 2
SUMMATIVE TEST #1

NAME: ______________________________________ Yr & Section:_________________

I. Panuto: TAMA o MALI. Isulat ang titik T kung tama ang ipinahahayag ng pangungusap at titik M
kung mali.
_____1. Ang bawat indibidwal ay biniyayaan ng iba’t ibang kakayahan na nagpapadakila sa kanya.
_____2. Kawangis ng Diyos ang tao dahil sa kakayahan niyang makaalam at magpasiya nang
malaya.
_____3. Ang mga hayop ay may isip at kilios-loob katulad ng tao kaya sila ay natuturuan din.
_____4. Ang kakayahan ng isip ay kumilos at magpasya.
_____5. Ang tunguhin ng kilos-loob ay kabutihan.
_____6. Ayon kay Sto. Tomas de Aquino ang kilos-loob ay naaakit sa paggawa ng masama.
_____7. Ang konsensiya ay nagdedesisyon sa bawat kilos bilang mabuti na kailangang panatilihin o
bilang masama na kailangang iwasan.
_____8. Sa bawat pagpili o desisyon na iyong gagawin, may kaakibat itong malaking responsibilidad.
_____9. Ang mga pandamdam ay nagbibigay kulay sa buhay ng tao.
____10. Ang katangian ng kilos-loob ay mag-alaala, mangatwiran, maghusga, magsuri at umunawa.

II. Panuto: Unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin sa loob ng kahon ang tamang
sagot at isulat sa patlang.

Emosyon Konsensiya Hayop

Isip Pandamdam Tao

_____1 Ang tao ay may tungkuling mag-isip at may kakayahang magnilay-nilay at magsuri ng mga
bagay.
_____2. Ito ay nagdedesisyon sa bawat kilos bilang mabuti na kailangang panatilihin o bilang
masama na kailangang iwasan.
_____3. Nagbibigay kulay ito sa buhay ng tao.
_____4.Ito ay tumutulong sa kaisipan sa pagkalap ng impormasyon.
_____5. Natatanging nilikha ng Diyos.

(continuation at the back)

-pp 1 of 2-
III. Panuto: Unawaing mabuti ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot sa bawat
bilang.
1. Ano ang tunguhin ng isip?
a. kabutihan b. katotohanan c. pag- unawa d. gumawa
2. Ano ang katangian ng kilos-loob?
a. gumawa, gumusto, magpasya, kumilos at pumili
b. mag- alaala, mangatwiran, maghusga, magsuri at umunawa
c. paningin, pandinig, pang- amoy, panlasa at pandama
d. lahat ng nabanggit
3. Alin sa katangian ng isip ang nagbibigay ng pagkakataon na alamin muna kung ang pasya ay
tama o mali, kung nakabubuti o nakakasama?
a. maghusga b. magsuri c. mangatwiran d, mag- alaala
4. Ito ang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o galaw.
a. isip b. kilos- loob c. konsensiya d. emosyon
5. Sa pamamagitan ng kilos- loob, nahahanap ng tao ang;
a. kabutihan b. katotohanan c. kaalaman d. karunungan

Inihanda nina:

Mrs. Eillen Grace L. Taylaran


Mr. Jose Ariel Barroa Jr.

G O O D L U C K ! ! !

-pp 2 of 2-

You might also like