You are on page 1of 15

ASSUMPTA TECHNICAL HIGH SCHOOL

Sta. Monica, San Simon Pampanga


Taong Panuruan 2020-2021

MODYUL SA ARALING PANLIPUNAN


Ikawalong Baitang

Markahan: Ikalawa (Ikalawang Paksang Aralin)


I. PAKSA: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano
BILANG NG ARAW NG PAGTALAKAY: Ikatlo hanggang ikaapat na Linggo
II. PINAKAMAHALAGANG KOMPITENSI:
Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano
III. LAYUNIN:
1. Natutukoy ang mga pangyayaring naganap sa pag-usbong ng Imperyong
Romano.
2. Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa Digmaang Punic
3. Naipapaliwanag ang dahilan ng pagkakabuo ng Triumvirate at ang kanilang
kontribusyon sa Imperyong Romano

IV. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


Panimulang Gawain
Pambungad na Panalangin

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
1
Pagbati
Magandang araw mag-aaral ng kasaysayan ng daigdig! Mabuhay,
Mabuhay Pilipinas!

Natutunan na natin ang mahahalagang pangyayari sa Klasikal na


kabihasnan ng Griyego at ngayon atin naman sisiyasatin ang pangyayari
sa Imperyong Romano
Halika na’t simulan muna 😊

Balik-Aral
Magbigay ng tatlong pangyayari na natatandaan mong naganap sa kabihasnang Greece
A. __________________________________________________________________
B. __________________________________________________________________
C. __________________________________________________________________

Gawain 1: Map Drill.


PANUTO. Ilarawan ang heograpiya ng Italy. Isulat ang mahahalagang anyong tubig at
anyong lupa na matatagpuan sa loob at paligid ng bansa.

Anyong Tubig at Lupa Italy

1. Mga Dagat
2. Ilog
3. Bundok

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
2
Habang humihina ang sibilisasyon ng Greece, may isang panibagong
kabihasnan sa kanluran ang umunlad at lumakas. Ito ang lungsod ng Roma
na nagmula sa isang maliit na pamayanan at naging isang malaking
imperyo. Tinanggap at ipinagpatuloy ng mga Romano ang kultura ng mga
Griyego.

HEOGRAPIYA NG ITALY

Ang Italy ay hango sa salitang Latin na “Italia” na tumutukoy sa teritoryong


saklaw ng Rome na malaon ay tumutukoy na rin sa sa buong Italian
Peninsula. Ang Italy ay isang tangway o peninsula sa Timog Europe na
hugis bota. Napapalibutan ito ng Alps, Adriatic Sea, Mediterranean Sea at
Tyrrhenian Sea.

Mga Unang Tao sa Italy

Mga latino
Mga Etruskano
Sila ang itinuturing na unang
Ang pamilya Tarquin ang naging
Romano , sapagkat nagtatag sila
pinakamakapangyarihan angkan ng
ng mga pamayanan na tinatawag
mga Etruskano.
na Latium (Palatine Hill).

Lucius Tarquinus Superbus


(Tarquin the proud)

Huling haring Etruskano, napatalsik sa kalupitan


at pang-aabuso sa kapangyarihan. Naging daan
sa pagsisimula ng republika.

Lucius Junius Brutus-nagpatalsik kay Tarquin


the proud

Ang Forum o plaza , ang naging sentro ng buhay


pampolitika, panlipunan, at pangkomersiyo.

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
3
Ang Republika ng Rome

Patriciano

Antas ng
lipunan Plebiano

Uri ng Pamamahala

Consul (Monarkiya) Senado (Patriciano) Asemblea (Demokrasya)


Mayroong dalawang (Aristokrasya) may kaugnayan sa paggawa
Consul sa Republikang nagpapatupad ng batas ng batas. (Centuriate at Tribal
Romano. panloob at panlabas. Assembly)

Twelve Tables - Kauna-


unahang batas sa Rome

Hukbong Sandatahang Romano

Legion – binubuo ng 6000 na legionary o sundalong


Romano
Centuria- binubuo ng 100 sundalo

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
4
Noong 264 BCE nakipagdigma ang mga Romano sa Carthage, isang lungsod-
estado sa Hilagang Aprika. Ang Carthage ay itinatag ng mga Phoenician na kilala
sa pagiging mahusay na mandaragat. Lumago ang Carthage dahil kinontrol nito
ang malaking bahagi ng kalakalan sa kanlurang Mediterranean gayundin ang
Espanya at Hilagang Aprika.
Walang kolonya sa peninsula ng Italy ang Carthage, ngunit may panirahan ito sa
mga karatig na Sicily, Sardinia at Corsica. Nagkaroon ng maraming barkong
pangkalakang pandagat ang Carthage na naglalaman ng ginto at garing mula sa
Aprika, pilak mula sa Spain at lata n amula sa Great Britain.

Nang masakop ng Rome ang timog Italy, nagkaroon ng takot ang mga Carthagian
na maagaw ng Roma ang Sicily, kung saan naroon ang kanilang mga kolonya at
pamilihan. Natakot naman ang Rome na isara ng hukbong pandagat ng Carthage
ang mga daanan sa Dagat Adriatic at sa kipot ng Messina na nasa pagitan ng Italy
at Sicily. Ang mga pangamba na ito ang nagtulak sa Rome upang makipaglaban
sa Carthage.
Ang labanan ng Rome at Carthage ay tinatawag na Digmaang Punic o Punic War.
Ang Punic ay mula sa salitang Latin na punicus na ang ibig sabihin ay
“Phoenician” Naganap ang digmaang ito sa pagitan ng 264 at 146 BCE

Pamprosesong Tanong
1. Paano nauuwi sa digmaan at alitan ang takot at pangamba?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Kung aanalisahing mabuti, sa iyong palagay tama ba ang ginawa ng Romano na
makipaglaban sa Carthage?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Laban sa

Rome Carthage

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
5
Tingnan ang mga kaganapan ng digmaan sa talahayan sa ibaba

Mga Labanan sa Digmaang Punic

Labanan Pangyayari Resulta

Unang Digmaang Isinagawa ang pakikipagdigma sa  Nagging probinsya


Punic dagat, kung saan nahirapan ang ng Rome ang Sicily
Rome sapagkat wala silang mahusay  Nasakop ng Rome
na barkong pandigma na siya namang ang Sardinia at
lakas ng Carthage. Ganoon pa man, Corsica
tinalo ng Rome ang Carthage sa  Nilusob ang
tulong na galing sa taktikang panlupa Cisalpine ng Gaul
nang masira ang isang barkong
pandigma ng kalaban.

Ikalawang Tinangka ni Hannibal na tawirin ang  Isinuko ng Carthage


Digmaang Punic Bundok ng Alps patungong Italy. ang Spain at mga
Nahirapan si Hannibal dahil pulo sa
nababalutan ng yelo ang bundok na Mediterranean
nagdulot ng kamatayan ng halos
kalahati ng kaniyang hukbo. Napasok
niya ang Rome, ngunit hindi niya
nakuha ang lungsod sapagkat nilisan
din niya ito upang magbalik sa
Carthage na noon ay nilusob ng mga
Romano sa pamumuno ni Scipio
Africanus.

Ikatlong Digmaang Nilusob ng Rome ang Carthage at  Naging probinsya ng


Punic hindi nila pinahintulutang Rome ang lahat ng
makapasok ang pagkain sa lungsod. lupain na
Maramin namatay dahil sa gutom at nasasakupan ng
sinunog nila ang lungsod. Ginawa Carthage
nilang alipin ang mga nabihag na  Naging Panginoon
Carthagian. ng Mediterraean ang
Rome.

Dahil sa mga pagbabagong dulot ng pananakop sa lipunan at kabuhayan ng republikang


Romano, nagdulot ito ng mga suliranin sa Rome.

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
6
SULIRANIN NG REPUBLIKA
 Pamahalaan (ang republika ay pinamumunuan ng
aristokrasya)
 Lumalaki ang agwat ng mayaman at mahirap
 Paglaki ng komersyo
 Pagbagsak ng moralidad

TIBERIUS AT GAIUS GRACCHUS -


magkapatid na tinangkang tulungan ang mga
mahihirap na Romano (limitahan ang
pagmamay-aring lupa at bigyan ng lupa ang
mahihirap)
 Nagkaroon ng digmaang sibil (100 taon)
GAIUS MARIUS at LUCIUS CORNELIUS
SULLA- dalawang heneral na nagtunggaling
Tiberius at Gaius maging pinuno ng Rome

Sulla
Gaius Marius

JULIUS CAESAR- (opisyales ng hukbong Romano at lider Pulitika)


-binuo ang TRIUMVIRATE upang pigilan ang panggugulo ng mga heneral na gustong
maging pinuno ng Rome.

Unang Triumvirate

Marcus Licinius Crassus Gnaeus Pompey Julius Caesar

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
7
Julius Caesar- naging konsul ng Roma at gobernador ng Gaul (France)
Pompey- nakaramdam ng inggit sa kanya kaya ipinag-utos niya na
buwagin ang hukbo ni Julius Ceasar sa Ilog Rubicon
Crassus - Napunta sa kanya ang Parthia ngunit siya ay napatay.
Ptolemy – ama ni Cleopatra,pinuno ng Egypt na nagpapatay kay Pompey.
MARCUS BRUTUS at GAIUS CASSIUS- nagpapatay kay Julius
Ceasar.

Ikalawang Triumvirate

Lepidus Mark Anthony Octavius

Octavius- PAMANGKIN ni Julius Ceasar, nais maghiganti sa pagkamatay ng gobernador


Lepidus- unang tumiwalag sa grupo dahil tinangka niyang pagrebeldihin ang hukbo kay
octavian
Mark Anthony– Namahala sa silangang bahagi ng Rome, nakilala si Cleopatra at siya ay
umibig dito.

‘Augustus’– naging bansag kay Octavian dahil sa kanyang pamumuno

Batay sa mga naging pangyayari sa Roma, ano ang kadalasan na sanhi ng alitan ng mga
pinuno? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
8
Pax Romana

 Kapayapaan sa Rome na
umabot ng 207 taon.
 Isinaayos ang mga
hangganan ng imperyo
 Nagpatayo rin ng mga
pampublikong gusali

Sa pagtatapos ng pamumuno ni Octavius, pinamunuan na ito ng iba’t ibang


mga pinuno. Tingnan ang table sa ibaba.

Dinastiyang Julian
Pinuno Mga Nagawa/Kaganapan
Tiberius Naganap ang pagpako sa krus ni Hesukristo
Nero Pinaghihinalaang nagpasunod sa Rome, na kaniya namang
ibinintang sa mga Kristiyano

Ang Limang Mabubuting Emperador


Pinuno Mga Nagawa
Nerva  Ipinatupad niya ang adoption system upang
maiwasan ang agawan sa kapangyarihan
Trajan  Isang dakilang heneral at mananakop

Hadrian  Isang mapagtimping emperador at tagatangkilik


ng sining
Antonius Pious  Pinahihintulutan ang mga katutubo na maging
sundalo upang mapalakas ang hukbo
Marcus Aurelius  Isang Pilosopo na gumamit ng merit system
bilang basehan sa pagtaas ng posisyon ng isang
kawani

Pagbagsak ng Rome

Mga dahilan ng Pagbagsak ng Rome


Ekonomiya Politikal Militar

 Pagkaudlot ng  Kawalan ng  Pagkatalo ng Legions


kalakalan bunga ng pagnanais na sa mga barbaro at sa
pagsalakay ng mga maglingkod sa iba pang kalaban
barbaro at mga pirate pamahalaan  Kawalan ng
katapatan at
ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
9
 Pagkaubos ng ginto  Kulang ang buwis na pagnanais na
at pilak nakukuha sa maglingkod sa
 Paghina ng ani pamahalaan hukbong sandatahan
 Pagtaas ng halaga ng upang maipagtanggol
bilihin ang Imperyo

Ambag ng Romano

Ang isa sa pinakamahalagang ambag ng Romano ay ang mga batas at ang


Republika nito. Ito ang nagsilbing batayan ng mga batas at pamahalaan sa
maraming bansa sa kasalukuyan. Ang iba pang ambag ng mga Romano sa iba’t
ibang larangan ay nasa talahanayan.

Arkitektura
Colosseum  Isang malaking stadium na ginamit
para sa labanan ng mga gladiator at
sa iba pang okasyon. Ito rin ay
simbolo ng Imperyong Romano
Pantheon  Ipinatayo ni Emperador Hadrian
(Templo ng mga Diyos)
Inhinyero
Kalsada at Aqueduct  Ang Aqueducts ay ginawa ng mga
Inhinyero para magdala ng tubig sa
mga bayan at lungsod. Gumawa rin
ang mga Romano ng kalsada na
inugnay sa mga lalawigan nito
Wika – Ang Latin ang wika ng mga Romano at ito rin ang Opisyal na wika ng
Simbahang Katoliko

PAGLALAPAT NG ISYUNG PANLIPUNAN

Kung iyong susuriin, ang mga pangyayaring naganap sa Roma ay halos


repleksyon ng pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan, sa Pilipinas man o sa
ibang mga bansa. Ang panawagan ng matibay na relasyon ng mga pinuno sa
kanilang nasasakupan ay maliwanag na repleksyon pa rin ng mga nangyayari sa
kasalukuyan.
Sa Pilipinas, nahaharap tayo sa mga pangyayaring sumusubok sa kakayahan ng
ating mga pinunong naglilingkod sa bayan. Suriin ang larawan sa susunod na
pahina at iugnay ang pagkakahalintulad nito sa pangyayari sa Roma.

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
10
Mainit ang isyu sa pagitan nina Pang. Duterte at Pangalawang Pangulo Leni Robredo. Noong
nakaraang araw, nagkaroon ng sagutan ang dalawang pinuno dahil sa pangyayaring may
kaugnayan sa paghahanap sa Pangulo sa kasagsagan ng bagyo na maraming nangangailangan
ng tulong. Sinisi ng Pangulo si VP Robredo na ito ang nasa likod ng maraming paninira na sa
kanya sa kasagsagan ng bagyo. Malinaw naman na sinagot ito ng Pangalawang Pangulo na
hindi ito totoo at kailangan liwanagin muna ang isyu bago manisi ng ibang tao. Sinabi pa niya
na dapat magtulungan sa oras ng kalamidad sa halip na magkaroon ng awayan. Bilang
mamamayang Pilipino, ano ang iyong reaksyon sa pangyayaring ito?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Kung paghahambingin ang pangyayari sa pagkabuwag ng samahan ng mga pinuno ng
imperyong Romano, ano ang pagkakapareho ng pangyayaring ito sa pangyayaring naganap
noon na nagresulta ng di-pagkakaunawaan ng mga pinuno?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
11
PAGLALAPAT NG PAGPAPAHALAGA

Tandaan! Mahalaga ang pagkakaisa ng mga pinuno upang maging maunlad at


maayos ang isang bayan na kanilang pinamumunuan. Hindi ito labanan na kung
sino ang magaling at makapangyarihan. Mahalaga na bilang pinuno ng bayan,
alam mo kung ano ang iyong tungkulin na dapat gampanin. Iwasan sana ang
pakikipagkompetensya sa kalaban. Kung iisa naman ang layunin at ito ay ang
makapaglingkod sa bayan, mas mabuti nang makipagtulungan at ‘wag ng
makipagpaligsahan.
Isang aral sanang dapat tandaan ang pangyayaring naganap sa Roma. Bagamat
naging tanyag at makapangyarihan silang imperyo sa panahong ito, hindi
maikakailang nasa kamay ng mga pinuno ang tagumpay at pagbagsak ng
imperyo. Ang di-pagkakasundo ay maaaring magresulta ng mas malaking
pagbagsak sa imperyong itinatag at tinngala sa loob ng mahabang panahon.

V. PORMATIBONG PAGTATAYA
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang tanong. Isulat sa patlang ang sagot
________________1. Ito ay isang tangway o peninsula sa Timog Europe na hugis bota.
________________2. Siya ang pinuno ng Carthagian sa ikalawang digmaang Punic?
________________3. Isa sa mga unang tao sa Italy na nagtayo ng panahanan sa itaas ng
Palestine hill.
________________4. Isang malaking stadium na ginamit para sa labanan ng mga gladiator at
sa iba pang okasyon. Ito rin ay simbolo ng Imperyong Romano
________________5. Ito ang kauna-unahang batas sa Rome
________________6. Ito ay pamamahala na binubuo ng tatlong tao?
________________7. Sa anong Kontinente matatagpuan ang Carthagian?
________________8. Isang Pilosopo na gumamit ng merit system bilang basehan sa pagtaas
ng posisyon ng isang kawani
________________9. Ito ay ang kapayapaan sa Rome na umabot ng 207 taon.
________________10. Sa kanyang pamumuno naganap ang pagpako sa krus ni Hesukristo.

Iwasto ang iyong sagot. Tingnan sa huling bahagi ng modyul ang sagot sa pormatibong
pagtataya. Tandaan! Maging tapat na Assumptan sa lahat ng oras!

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
12
SINTESIS O PAGLALAGOM

Mahalaga ang naging ambag sa kasaysayan ng imperyong Romano. Ang


uri ng pamahalaan at uri ng pamamahala ay may malaking epekto sa uri
ng pamahalaan na mayroon tayo sa bansa sa kasalukuyan. Bagamat sila
ay kanluranin, sa sobrang lawak ng imperyong ito naging malinaw sa
ating pamahalaan ang naging epekto nito. Mahalaga ring malaman ang
mga pangyayaring naganap upang kung sakaling ito ay maulit
magagawa ng kumilos ng mga tao at maagapan ang kung anumang
suliraning maaaring harapin ng pamahalaan o pinuno.

Panuto: Sagutin ang nasa loob ng kahon, sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na


impormasyon.
Dalawang bagong kaalaman na natutunan Isulat ang tanong na maari mong ibahagi
mo sa Aralin sa araw ng konsultasyon.

1. Pagtatasa sa Sarili (Self-evaluation)


V11.

2.

VI. Sumatibong pagtataya (tingnan ang hiwalay na kopya)

VII. Pagtatasa sa sarili (Self Evaluation)

Sa pagtatapos ng unang aralin, tingnan natin kung iyo bang nakuha


ang mga layunin para sa aralin na ito. Lagyan ng tsek (😊) ang mga
pahayag sa ibaba kung ito ay iyong lubos na naunawaan.

1. Nasusuri ang mahahalagang pangyayari sa


Digmaang Punic
2. Naipapaliwanag ang dahilan ng pagkakabuo ng
Triumvirate at ang kanilang kontribusyon sa
Imperyong Romano

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
13
X . Mga Sanggunian
Mga Aklat

 Soriano, Ceila D, Antonio, Eleanor D, Dallo, Evangeline M., Imperial, Consuelo M at


Samson, Ma. Carmelita B Kayamanan (kasaysayan ng Daigdig) Binagong Edisyon 2017
 Karapatang ari 2015 ng St. Bernadette Publishing house Corporation at ni Eliza D.
Bustamante (Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig)
 Karapatang ari 2010 ng Diwa Learning System Inc. at ni Ramos, Dexter John V.
(Pagtanaw at pag-unawa: Daigdig)
Mga Websites
 https://www.google.com/search?q=italy+map&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwi8tdHK9Y7tAhVFG6YKH
VnsDU0Q_AUoAnoECBcQBA&biw=1366&bih=657#imgrc=KpwUbhA5_9HQGM
 https://www.google.com/search?q=legion+rome&tbm=isch&ved=2ahUKEwiNi_jo94_tAhWSSJQKHYJZDicQ2-
cCegQIABAA&oq=Legion+Ro&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIAB
ATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATOgQIIxAnOgUIABCxAzoCCAA6BAgAEENQoQlY-
D9gilVoBHAAeACAAbAFiAHMEJIBCTguMi4yLjUtMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=KBe3X43X
H5KR0QSCs7m4Ag&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH911PH911#imgrc=MWm2rPvotoTLqM
 https://www.google.com/search?q=carthagian+army&tbm=isch&ved=2ahUKEwiowoHD-I_tAhWSSJQKHYJZDicQ2-
cCegQIABAA&oq=carthagian+&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIABATMgQIABATUOQoWIQ2YPo9aABwAHgAgAFbiAHEA
pIBATSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=5Re3X-
i7GZKR0QSCs7m4Ag&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH911PH911#imgrc=PLuB3Eda1ogttM
 https://www.google.com/search?q=tiberius+at+gaius+gracchus&rlz=1C1CHBF_enPH911PH911&sxsrf=ALeKk00Pmwo
1iyOnjUoqzMzEC5KL35nd4Q:1605836203201&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwio69WD_o_tAhUPCqYKH
QH6CsgQ_AUoAXoECBQQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=dOD9LatxsdqSZM
 https://www.google.com/search?q=gaius+marius&tbm=isch&ved=2ahUKEwjtyMmE_o_tAhUGa5QKHVOuBi8Q2-
cCegQIABAA&oq=Gaius+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgIIADIECAAQHjIECAAQHjIECAAQHjIECAAQHjIECAAQHjIECAAQHjI
ECAAQHjIECAAQHjIECAAQHjoECCMQJzoECAAQQzoFCAAQsQNQy5MJWJqeCWCqqgloAHAAeACAAckCiAGVB5IBBzQu
MC4xLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABAQ&sclient=img&ei=rR23X62-
BYbW0QTT3Jr4Ag&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH911PH911#imgrc=kmpkFsAhl4Kg3M
 https://www.google.com/search?q=marcus+crassus&tbm=isch&ved=2ahUKEwi744zKgJDtAhVN15QKHW81D4cQ2-
cCegQIABAA&oq=Marcus+cra&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIA
BATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATOgQIABBDOgUIABCxAzoCCAA6BAgjECc6BAgAEB5Qy88oWIPtKGCw-
ChoAHAAeACAAYADiAHlCJIBBTkuMy0xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=VyC3X_vbLs2u0wTv6
ry4CA&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH911PH911#imgrc=Vq60ddVyrL2aFM
 https://www.google.com/search?q=gnaeus+pompey&tbm=isch&ved=2ahUKEwjX-L6Kg5DtAhVD4pQKHVAqAs4Q2-
cCegQIABAA&oq=Gnaeus&gs_lcp=CgNpbWcQARgCMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABAT
MgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATOgQIIxAnOgUIABCxAzoCCAA6BAgAEENQ_voBWLuUAmCWpgJoAHAAeAC
AAZACiAHHB5IBBTMuMC4zmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=9yK3X5ehKcPE0wTQ1IjwDA&bih
=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH911PH911#imgrc=vsVZ6mosLT-hPM
 https://www.google.com/search?q=julius+ceasar&tbm=isch&ved=2ahUKEwiXo_-cg5DtAhU5KqYKHaWAAgUQ2-
cCegQIABAA&oq=Julius+&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIAD
oFCAAQsQM6BAgAEENQ1sABWL_VAWDG2wFoAHAAeACAAWCIAa8EkgEBN5gBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB
&sclient=img&ei=HiO3X5ecHbnUmAWlgYoo&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH911PH911#imgrc=JF2Ooa1r9O
XycM
 https://www.google.com/search?q=lepidus&tbm=isch&ved=2ahUKEwjMo_2qg5DtAhUPgpQKHYPzDzcQ2-
cCegQIABAA&oq=lepidus&gs_lcp=CgNpbWcQAzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzI
ECAAQEzIECAAQEzIECAAQEzoFCAAQsQM6AggAOgQIIxAnOgQIABAeULeJUliqk1JgsJhSaABwAHgAgAHNAYgB8wSSAQU
2LjAuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXotaW1nwAEB&sclient=img&ei=OyO3X4yaMY-E0gSD57-
4Aw&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH911PH911#imgrc=xDP8I_IcWFWTWM
 https://www.google.com/search?q=mark+antony&tbm=isch&ved=2ahUKEwiFn9ytiJDtAhVrxYsBHduQD-4Q2-
cCegQIABAA&oq=Mark+&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyA
ggAOgQIIxAnOgUIABCxA1DfsQFYlb0BYO3SAWgAcAB4AIABdogBywOSAQMzLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8ABA

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
14
Q&sclient=img&ei=fyi3X8XjLOuKr7wP26G-
8A4&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH911PH911#imgrc=5r1YwsttZaURtM
 https://www.google.com/search?q=octavius+caesar&tbm=isch&ved=2ahUKEwiR0KC7iJDtAhUKBaYKHbq-A_gQ2-
cCegQIABAA&oq=Octavius&gs_lcp=CgNpbWcQARgBMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABAT
MgQIABATMgQIABATMgQIABATMgQIABATOgQIIxAnOgQIABBDOgUIABCxAzoCCABQipUBWNqkAWCdswFoAHAAeAC
AAdcBiAHoBZIBBTcuMC4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=nCi3X5GS
 B4qKmAW6_Y7ADw&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH911PH911#imgrc=r0IcaZb812XzsM
 https://www.google.com/search?q=pax+romana&tbm=isch&ved=2ahUKEwiguejGiJDtAhVGbJQKHTYSB-AQ2-
cCegQIABAA&oq=Pax&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIABBDMgIIADICCAAyAggAMgIIADIECAAQHjIECAAQHjIECAAQHjIE
CAAQHjIECAAQHjoECCMQJzoFCAAQsQNQ6bQBWMK4AWDcwwFoAHAAeACAAZICiAG6BJIBBTAuMi4xmAEAoAEBqgEL
Z3dzLXdpei1pbWfAAQE&sclient=img&ei=tCi3X6CPFsbY0QS2pJyADg&bih=657&biw=1366&rlz=1C1CHBF_enPH911PH9
11#imgrc=fh7D_18-vdBeDM

Mga Sagot sa Gawain


PORMATIBONG PAGTATAYA
1. Italy
2. Hannibal
3. Latin
4. Colosseum
5. Twelve Tables
6. Triumvirate
7. Aprika
8. Marcus Aurelius
9. Pax Romana
10. Tiberius

ATHS Modyul sa Araling Panlipunan 8: Ang Klasikal na Kabihasnan ng Imperyong Romano Pahina |
15

You might also like