You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan___________________________________________________________________
Pangkat _________________________ Guro _____________________________________

Aralin
Sektor ng Paglilingkod
6
I. Layunin: MELC/ Kasanayan

Kasanayan

Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng sektor sa paglilingkod at mga


patakarang pang-ekonomiya na nakakatulong dito. (AP9MSP-IVh-17)

Inaasahan

Sa araling ito, ating pag-aaralan ang Sektor ng Paglilingkod, mga bumubuo


nito at pamamaraan ng pamahalaan upang pangalagaan ito na may malaking ambag
di lamang sa pangangailangan ng tao kundi sa pambansang ekonomiya.
Matapos ang aralin na ito, inaasahan ang mga mag-aaral na:
1. Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng paglilingkod para sa pag-
unlad ng bansa.
2. Nailalarawan ang mga sub sektor na bumubuo sa Sektor ng Paglilingkod.
3. Naibibigay ang mga benepisyo ng mga batas ng Pilipinas na nangangalaga sa mga
kapakanan ng manggagawang Pilipino.

Paunang pagsusulit

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
1.Tawag sa sektor na nagbibigay ng serbisyo upang magkaroon ng kaunlarang pang-

ekonomiya

a.Agrikultura b. Impormal c. Industriyalisasyon d. Paglilingkod.

2. Ito ay pagkakaroon ng sapat na kaalaaman, kasanayan at kagamitan upang

gawin ang isang kalakal o paglilingkod.

a. Valedictorian b. Skilled Worker c. Propesyunal d. Espesyalisasyon

AP9- QRT4- Week 6


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

3. Tawag sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa

a. Overseas Filipino Worker b. Skilled Worker c. Immigrant d. Bayani

4. Ahensya ng ating pamahalaan na nangangalaga sa kapakanan ng manggagawang

Pilipino

a. DepED b. DOLE c. DENR d. DICT

5. Kumpanya ng pamahalaan na panseguro sa mga kawani ng nito

a. SSS b. GSIS d. DoF. D. BSP

Balik Tanaw

GAWAIN 1: Concept Mapping


Ibigay ang mga naging epekto ng industriyalisayon sa Pilipinas.

EPEKTO

INDUSTRIYALISASYON

Maikling Pagpapakilala sa Aralin

ANG SEKTOR NG PAGLILINGKOD


Sa kasalukuyan, ang mundo ay nakararanas ng pandemya dahil sa Covid-19
virus. Ang lahat ay naapektuhan lalo na ikaw bilang mag-aaral. Kaya naman
madalas mong gamitin ang iyong internet ngayon upang maibsan ang mga
problemang resulta ng limitadong galaw natin. Maging ang mga food delivery ay
walang patid ng paghahatid ng pagkain sa mga kabahayan. Magkagayon pa man,
ang inyong mga magulang na patuloy na pumapasok sa trabaho lalo ang mga
nabibilang sa mga frontliners.

AP9- QRT4- Week 6


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

Ano nga ba ang sektor ng paglilingkod? Ito ay ang sektor na nagbibigay ng


serbisyo at tumutulong upang magkaroon ng kaunlarang pang-ekonomiya.
Pakatandaan malaking bahagi ng pambansang kita ay mula sa serbisyong ibinibigay
ng mga negosyante at patuloy nga naman itong nadagdagan, depende sa
pangangailangan ng mga konsyumer.

Ang sektor ng paglilingkod ay binubuo ng: a. Transportasyon, Komunikasyon,


at mga Imbakan (hal. mga jeep, bus, telepono, internet, bodega, atbpa.), b. Kalakalan
(hal. palengke, online market, atbpa), c. Pananalapi (hal. bangko, sanglaan, money
exchange, atbpa.) d. Paupahang bahay at Real Estate (hal condominium, mall, golf,
atbpa.) e. Paglilingkod ng Pribado, at Paglilingkod ng Publiko.

Mga Manggagawang Pipilino sa Sektor ng Paglilingkod


Sa padaan ng panahon ay nagsulputan ang ibat-ibang produkto at serbisyo
dahil sa walang hanggan kagustuhan at pangangailangan ng tao kasama pa ang
pagbabago ng panahon. Kaya naman nagkaroon ng espesyalisasyon ang mga tao.
Ano ang espesyalisasyon? Ito ang pagkakaroon ng sapat na kaalaaman, kasanayan
at kagamitan upang gawin ang isang kalakal o paglilingkod.

Kilala ang mga Pilipino na magaling sa paggamit ng wikang Ingles at iba pang
wika, kaya naman maraming kumpanya ng Business Processes Outsourcing (BPO) o
mas kilala na call center ang nagtiwala na ilagak ang kanilang negosyo sa ating
bansa. Kaya naman marami sa ating kakilala o mahal sa buhay ngayon ay work
from home. Higit ang ating pakinabang kung tayo ay magpopokus sa negosyo o
serbisyo na sadyang tayo ay may edge o bentahe.

Gawain 2: Bigyang kahulugan ang Pie Tsart

Tignan at suriin natin ang pie graph na naglalaman ng kabuuang kita ng BPO noong
2013 at mga bansang nagmula ito. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan
bilang gabay sa pagbibigay kahulugan sa tsart na ito:

Source: www.psa.gov.ph

1. Magkano ang kabuuang kinita ng bansa sa BPM/BPO noong 2013?


2. Ano ang bansang may pinakamalaking kontribusyon sa kinitang ito ng
Pilipinas?

AP9- QRT4- Week 6


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

3. Iayos ang mga bansa ayon sa laki ng kita mula pinakamalaki hanggang
pinakamaliit.
4. Ano ang pinakamainan na dulot ng pagtatayo ng mga call center sa Pilipinas?
Pangatwiranan ang iyong sagot.
5. Ano naman ang di magandang epekto sa kalusugan ng mga empleyado ang
pagtatrabaho sa mga call center? Bigyan katwiran ito.

Ang Overseas Filipino Worker o OFW

Maraming Pilipino mula noong 1970’s hanggang sa kasalukuyaang ang pinili na


mangibang bansa para magtrabaho. Maaring dahilan ay ito ay mas madali
makahanap ng malaking oportunidad na makapagtrabaho na may mataas na kita
bagamat malalayo sa kanyang mahal sa buhay. Makikita din sa kategorya ng
Elementary occupations (hal. domestic helper) ay marami ang naeenganyo na
magtrabaho ng ganito na mas marami ang pangangailangan sa ibang bansa. Kaya
maraming nagtapos ng propusyanal na kurso ang pinili ang mas mabbang klase ng
trabaho. Ito ay brain drain (Ito ay ang pagkaubos ng mga propesyonal na tao o hindi
kaya ay ng mga matatalino o maalam na tao sa isang bansa) na malaking epekto
nito sa ating pambansang ekonoiya.

Gawain 3: Bigyan Kahulugan ang Talahanayan


Ang Table 2 mula sa PSA ay naglalaman ng dami ng mga OFW ayon sa
kasarian at propesyon. Upang higit natin maunawaan ito, bigyan natin ng
interpretasyon sa pagsagot ng mga katanungan:

TABLE 2 Male and Female Overseas Filipino Workers by Occupation: 2019

Major Occupation Group Both Sexes Male Female

Number of overseas Filipino workers 2,202 969 1,233


(in thousands)

Total 100.0 100.0 100.0


Managers 1.1 1.0 1.1
Professionals 8.5 6.9 9.8
Technicians and associate professionals 8.7 17.4 1.9
Clerical support workers 3.4 3.0 3.7
Service and sales workers 17.5 17.3 17.7
Skilled agricultural forestry and fishery workers 0.8 1.8 0.0
Craft and related trade workers 8.1 17.3 0.9
Plant and machine operators and assemblers 12.2 24.7 2.3
Elementary occupations 39.6 10.5 62.5

Notes: Details may not add up to totals due to rounding.


The estimates cover overseas Filipinos whose departure occurred within the last five years and who are working or had worked
abroad during the past six months (April to September) of the survey year. (Source: PSA)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

AP9- QRT4- Week 6


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

1. Alin kasarian ang may malaking dami ng OFW?


2. Ano ang pinakamaraming naging trabaho ng kalalakihang OFW?
3. Ano naman ang pinakamaraming naging trabaho ng kababaihang OFW?
4. Ano naman ang pinakakonting naging trabaho ng isang OFW, lalake man o babae?
5. Bakit kaya mas maraming babae ang lumalabas ng bansa para magtrabaho?

MGA BATAS NA NANGANGALAGA SA KARAPATAN AT KAPAKANAN NG


MANGGAGAWANG PILIPINO
Ito ay mga mahahalagang batas na nangangalaga sa karapatan at kapakanan
ng ating mga manggagawa. Sadyang napakalaki ng kontribusyon nila sa pagsulong
ng ating ekonomiya.

1. R.A. 6727 (Wage Rationalization Act)


Ito ay batas na nagtatakda ng pinakamababang pasahod o minimum wage
batay sa sektor na kinabibilangan ng isang mangagawa tulad ng hindi pang
agrikultura (non-agriculture), plantasyon na pang-agrikultura at di pamplantasyon,
cottage/sining sa kamay(artisano), depende sa bilang ng manggagawa, kita ng
negosyo/kompanya o taunang kita.

2. Holiday Pay (Artikulo 94, P.D. 442 Labor Code of the Philippines)
Dapat bayaran ang isang manggagawa na katumbas ng isang (1) araw na
kahit hindi pumasok sa regular holiday (hal. Apr. 9 Araw ng Kagitingan, May 1 Araw
ng Manggagawa, etc.)

3. Premium Pay (Artikulo 9-193) – karagdagang tatlumpong porsiyento (30%) ng


arawan na sweldo para sa nagtrabaho sa araw ng pahinga (rest day) or special non-
working day.

4. Overtime Pay (Artikulo 87) – karagdagang bayad sa pagtatrabaho na lampas sa


walong oras sa isang araw.

5. Nightshift Differential (Artikulo 86) – karagdagang sampung porsiyento (10%)


sa kanyang regular na sahod sa bawat oras na ipinagtrabaho sa pagitan ng
ikasampu ng gabi at ika-anim ng umaga.

6. Service Charges (Artikulo 96) – Ito ay para sa mga negosyong nagbibigay serbisyo
na naglalapat ng service charge (hal. Hotel, restaurant, atbpa.). Samakatuwid ang
isang manggagawa ay may karapatan sa isang pantay o tamang bahagi sa walumpu’t
limang porsiyento (85%) sa kabuuang koleksyon.

7. Service Incentive Leave (SIL, Artikulo 95) – ang manggagawa na nakapagsilbi


nang hindi kululangin sa isang (1) taon, siya ay may Karapatan sa taunang SIL na
limang (5) araw na may bayad.
8. Maternity Leave (R.A. 11210 o 105-Day Extended maternity Leave Law) – ang
kababaihang manggagawa, pampubliko man o pribado ay binibigyan ng isandaan at

AP9- QRT4- Week 6


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

limang (105) araw na lumiban sa trabaho ng may karampatang sweldo dahil sa


panganganak. Kung ang babae naman ay nakunan o miscarriage ay animnapung
(60) araw.

9. Paternity Leave (R.A. 8187 Paternity Leave Act of 1996) – ang isang lalakeng
may-asawa ay binibigyan ng pagkakataon na lumiban ng pitong (7) araw para
asikasuhin ang kanyang nanganak na lehitimong asawa. Maari itong gamitin
hanggang apat (4) na beses lamang. Kung patay na ang asawa, wala sa piling o
walang kakayahan, maari itong ibigay sa ibang malapit na kamag-anak.

10. Parental Leave para sa Solong Magulang (R.A. 8972 Solo Parent Act of 2000)
– katulad din sa R.A.11210. Maaring palawigin ito hanggang 30 araw na wala naman
ng bayad.

11. Leave para sa Biktima ng Karahasan sa Kababaihan at kanilang Anak (R.A. 9262
Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004) – ito ay para sa
mga kababaihang biktima ng pang-aabuso tulad ng sekswal, sikolohikal, o anumang
uri ng pagpapahirap, kasama na ang di pagbibigay ng sustento, pagbabanta,
pananakit, harassment, pananakot, at di malayang makihalubilo sa mga tao sa
kanyang paligid.

12. Special Leave para sa Kababaihan (R.A. 9710 o Magna Carta of Women) – ito
naman ay para sa may mga nakararanas ng gynecological disorder (mga sakit na
may kinalaman sa kanyang reproductive system tulad ng dysmenorrhea etc.)

13. Thirteenth Month Pay (P.D. 851) – ito ay benepisyong pinagkakaloob sa mga
karaniwang empleyado nagsilbi nang hindi bababa ng isang buwan. Siya ay
makakatanggap ng bahagi (proportion) o buo depende sa panahong inilagi sa
trabaho. Binibigay ito nang hindi lalagpas sa ika 24 ng Disyembre.

14. Separation Pay (Artikulo 297-298) – ito ay kompensasyon ibinibigay sa


awtorisadong paghiwalay ng empleyado sa kanyang trabaho.

15. Retirement Pay ( Artikulo 3015) – ito ay para sa empleyadong nakarating na sa


edad na animnapu (60) hanggang animnapu’t limang (65) taong gulang na
nakapaglingkod ng hindi kukulangin sa limang (5) taon.

16. Employees Compensation Program (P.D. 626) – ito ay benepisyong


pinagkakaloob sa manggagawa at dependents sa empleyado mula sa pampubliko at
pribadong sektor na nagkasakit na may kaugnayan sa trabaho na nagresulta sa
pinsala, kapansanan o kamatayan.

17. Benepisyo sa Philhealth (R.A. 11223 Universal Health Care Act) – batas na
nagbibigay benepisyong pangkalususgan sa mga pagamutan para sa mga
manggagawa at mga kwalipikadong dependent nito.
18. Benepisyo sa Social Security System (R.A. 1161 Social Security Act of 1954
as amended by R.A. 8282) – ito ay nagbibigay benepisyo sa mga empleyado sa

AP9- QRT4- Week 6


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

pribadong sektor na naghulog sa ahensyang ito. Halimbawa ng benepisyo nito ay


may kinalaman ay burial, disability, pautang, atbpa.

19. Benepisyo sa Pag-Ibig Fund (R.A. 9679, a.k.a. Pagtutulungan sa Kinabukasan,


Ikaw, Bangko, Industriya at Gobyerno) – pangunahing benepisyo inaalok nila ay
pautang para magkabahay sa maliit na interes lamang.

Gawain

Gawain 4: Aking Ninanais!

Panuto: Kung ikaw ay mabibigyang pagkakataon na gumawa ng patakaran


na mangangalaga sa mga manggagawang Pilipino, ano ang iyong unang
ipapanakula. Bigyan katwiran ang iyong ninanais.

Tandaan

• Ang Sektor ng Paglilingkod ay mahalagang aspeto ng ating ekonomiya.


Malaking bahagi nito ay bumubuo sa kabuuang kita ng bansa.
• Malaki ang ambag ng BPO o mga call centers sa ating bansa. Ito ay
pagpapatunay ng kahusayan ng ating mamamayan sa komunikasyon.
• Ang mga ipinadadalang pera ng mga OFW sa kanilang mga kamag-anak
sa bansa ay malaki ang kinalaman sa pagsalba sa ating ekonomiya.
• Mahalaga ang tamang pagpapatupad ng batas pang manggagawa upang
mapangalagaan sila dahil sa knailang kontribusyon sa ating bansa.

Pag- alam sa mga


Natutuhan

AP9- QRT4- Week 6


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

Gawain 5: Pagtatala sa Talahanayan


Itala sa kung anong batas ang dapat gamitin sa mga sumusunod naa sitawasyon.

Sitwasyon Batas na Maaring Gamitin


Si Aling Nena ay nanganak kaya siya
ay di muna makakapagtrabaho.
Si Kardo ay naaksidente sa kanyang
pinapasukang construction site.
Si Mam Milagros ay magreretiro na sa
pagtuturo sa pribadong paaralan sa
Hunyo.
Si Eli at Frida ay bagong kasal kaya
naman plano nilang magkaroon ng
sariling bahay.
Si Jose ay nagtatrabaho bilang
gwardya sa gabi sa isang bodega sa
Caloocan.

Panghuling Pagsusulit

Panuto: Isulat ang titik T kung tama ang naturan sa pangungusap at M kung ito
ay mali.

1. Maliit na porsyento ng ekonomiya natin ay nakadepede sa sektor ng


paglilingkod.
2. Maraming Pilipino ang mahusay sa banyagang wika kaya naman tayo ay
kilala bilang mahusay na call center agent.
3. Ang isang OFW ay malaki ang sakripisyo sa kanyang pamilya at para sa
bansa.
4. Lahat ng manggagawang Pilipino ay maaring kumuha ng benepisyo sa
kanilang pagretiro sa SSS.
5. Ang Pag-ibig fund ay nagpapautang lamang para sa nais magkabahay.

Pagninilay

Gawain 6: Salamat po!


Gumawa ng mensahe ng pasasalamat sa mga nagtatrabaho sa iyong
tahanan. Ilagay ito sa isang malinis na long bond paper.

AP9- QRT4- Week 6

You might also like