You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
Ikalawang Panahunang Pagsusulit sa Filipino sa Piling Larang
Tech Voc
PANUTO: Piliin ang letra ng angkop na sagot sa bawat bilang.

1. Alin sa sumusunod na katangian ang nararapat taglayin ng isang Liham Pangnegosyo?


a. maligoy c. pormal
b. mahaba d.di-pormal
2. Isa sa mahusay na katangian ng Liham Pangnegosyo ay may sapat na impormasyon na
kinakailangan sa paghahatid ng layunin sa pagsulat ng liham. Ano ang katangiang ito?
a. buong kaisipan c. malinaw
b. Kombersasyunal d. wasto
1. Alin sa sumusunod ang hindi katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. malinaw C. tumpak
B. subhektibo D. di-emosyunal
2. Alin ang hindi kabilang sa mga sulating teknikal-bokasyunal?
A. Nagbibigay ng mahalagang dokumentasyon sa gamit at aplikasyon ng mga produkto at paglilingkod sa
bawat industriya.
B. Paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya upang mapabatid ito nang mas
mabilis, episyente, at produktibo.
C. Pagsulat ng komunikasyon para sa mga ulat panglaboratoryo, proyekto, panuto, dayagram, at manwal.
D. Pagsulat ng mga akdang pampanitikan na magtatampok sa kakayahan ng mga mag-aaral
3. Ito ay isa sa mga importanteng elemento ng isang sulating teknikal- bokasyunal.
A. pahina C. proposal
B. teknikal na lathalain D. pagsulat
4. Ito ang isinasaalang alang sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin.
A. uri ng mambabasa C. antas
B. estado sa buhay D. edad
5. Kung ikaw ay may balak magnegosyo, paano mo mabilis na maipakikilala ang iyong produkto?
A. paggamit ng pahayagan C. pagpaskil ng sariling numero
B. paggamit ng flyers D. pagsali sa mga kompetisyon
6. Bakit hindi layunin ng teknikal bokasyunal na sulatin ang gumising ng emosyon ng mambabasa?
A. sapagkat gumagamit ng sariling bokabularyo
B. sa kadahilanang hindi naman ito mahalaga
C. dahil hindi kasama ang sariling saloobin
D. dahil obhektibo ang layunin nito
7. Upang maiwasan ang kamaliang gramatikal sa pagsulat ng teknikal- bokasyunal na sulatin, alin ang dapat
tandaan?
A. Tama ang bantas at kayariang ginamit.
B. Kinakailangan ng sapat na panahon
C. Maayos na paggamit ng mga titik
D. May tumpak na nilalaman
8. Bakit mahalagang malaman at matutuhan ang pagsulat ng teknikal- bokasyunal na sulatin?
A. upang magamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap
B. para magamit sa iba’t ibang larangang kinabibilangan
C. upang maging malikhain sa mga gawain
D. nang guminhawa ang estado ng buhay
9. Ano ang kasingkahulugan ng layunin sa nilalaman ng teknikal bokasyunal na sulatin?
A. nais B. halaga C. intensyon D. kilos
10. Alin sa mga sulating teknikal ang may layunin na kunin ang atensyon ng mga mambabasa, kumbinsihin, at
humingi ng interbiyu?
A. Flyer C. Liham pangnegosyo
B. Feasibility study D. Deskripsyon ng produkto
11. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa mga katangian ng teknikal
bokasyunal na sulatin?
A. Obhetibo C. Analitikal
B. Emosyonal na paraan D. Sumusunod sa pamantayan
12. Isa sa layunin ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay magpaliwanag ng mga implikasyon sa pangyayari, alin sa
sumusunod ang tinutukoy ng
layuning ito?
A. magturo C. magsuri
B. manghikayat D. maghanap
13. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng teknikal bokasyunal na sulatin, maliban sa _________.
A. Youtube Vlog C. Dayagram
B. Ulat Panglaboratoryo D. Mga Panuto
14. Bakit mahalaga sa industriya ang teknikal na pagsulat?
A. Napapaunlad nito ang kakayahang makapagsulat ng epektibo.
B. Nahahasa nito ang kakayahang makakilos ng tao ayon sa nais niya.
C. Marami ang nagagawa ng teknikal na pagsulat sa larangan ng akademiks.
D. Nakatutulong ito sa paghahanda ng mga teknikal na dokumento para sa kaunlaran ng teknolohiya
15. Alin sa mga parirala ang tumutukoy sa layunin ng teknikal bokasyunal na magsuri?
A. kumbinsihin ang mambabasa C. mapanghikayat na mga salita
B. magbigay ng mga impormasyon D. analisahin ang mga pangyayari
16. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang sa layunin ng teknikal bokasyunal na pagsulat?
A. magbigay ng impormasyon C. may istrukturang subhetibo
B. magsuri D. manghikayat
17. Alin sa sumusunod na katangian ng teknikal bokasyunal na pagsulat
ang nagpapaliwanag ng paksa sa malinaw, tumpak, at di-emosyunal na paraan?
A. Analitikal C. Obhetibo
B. Pisikal D. Subhetibo
18. Alin sa hindi kabilang sa mga uri ng teknikal at bokasyunal na sulatin?
A. Bionote C. Liham Pangngosyo
B. Feasibility Study D. Promotional materials
19. Anong uri ng pagsulat ang naghahanda sa mga teknikal na dokumento?
A. teknikal bokasyunal na pagsulat
B. propesyunal na pagsulat
C. akademikong pagsulat
D. malikhaing pagsulat
20. Ano ang hindi saklaw ng teknikal na pagsulat?
A. mga dayagram
B. pagsulat ng feasibility study
C. mga pang-akademikong sulatin
D. mga teknikal bokasyunal na sulatin
21. Bilang isang mamamayan, ano sa tingin mo ang tiyak at kompletong kahulugan ng etika?
A. Ang etika ay nakatuon sa mga prinsipyo ng etikal na pag-uugali sa modernong lipunan sa antas ng
indibidwal, lipunan, at inter-aksiyon sa kapaligiran at iba pang pinaghahatiang resorses.
B. Ang pagkamakatao, katapatan, at pagtitiwala ay ilan sa mga batayan na inaasahan ang alinmang lipunan o
bansa.
C. Ang etika ay tumutukoy sa pag-uugali na hindi sumasalungat sa alinmang lipunan o komunidad at
nagbubunga ng magandang mga gawa.
D. Ang edukasyong pagpapakatao ay maihahalintulad sa etika na tinataglay ng mabuting tao.
22. Bakit kailangang nakabase sa etikal na pamantayan ang pagsulat ng teknikal bokasyunal? Ito ay kailangan
dahil ito ang
A. tamang pagsunod sa nilalaman ng sulatin
B. nagpapakita ng magandang istruktura ng sulatin
C. tamang paraan sa pagbuo ng ibat ibang uri ng sulatin
D. sulatin ay dapat na katanggap-tanggap sa norms and standard ng lipunan
23. Ano ang magsisilbing gamit ng teknikal bokasyunal na pagsulat?
A. produkto ng anumang layon
B. basehan ng pagdedesisyon
C. serbisyo sa pagdedesisyon
D. tanda na may sulatin
24. Si Nelia ay isang ahente ng Insurance Company at nais niyang pumunta sa mga paaralan na maaaring
magbenepisyo sa kanilang insurance kaya gumawa siya ng isang liham pangnegosyo na ipadadala sa bawat
punong-guro sa paaralan upang humingi ng pahintulot na magsagawa ng isang seminar.
A. Sulating ukol sa Pagkain
B. Sulating ukol sa isang produkto
C. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
D. Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
25. Ang pamahalaan ng Caloocan ay gumawa ng isang anunsiyo tungkol sa mga bagong patakaran upang
maiwasan ang pagdami ng taong nahawaan ng sakit na Covid-19 sa pamamagitan ng isang panayam na
makikita sa pahina ng Caloocan sa Facebook.
A. Sulating ukol sa Pagkain
B. Sulating ukol sa isang produkto
C. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
D. Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
26. Ipagdiriwang ni G. Reyes ang ikasampung anibersayo ng kaniyang kumpanya kaya bilang pasasalamat sa
kaniyang mga manggagawa ay magdadaos siya ng salo-salo sa isang restawrant at sinisigurado niyang
masisiyahan ang mga ito sa mga putaheng ihahain na nakita niya sa espeyal na menu ng restawrant.
A. Sulating ukol sa Pagkain
B. Sulating ukol sa isang produkto
C. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
D. Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
27. Natuwa ang anak ni Celso dahil sa inihandang regalo nito sa kaniya na desktop computer na gagamitin sa
pasukan na inaayos niya nang mabuti sa tulong ng manwal na nakapaloob dito.
A. Sulating ukol sa Pagkain
B. Sulating ukol sa isang produkto
C. Sulating Interpersonal o Inter-institusyunal
D. Sulating Pabatid- Publiko at Sulating Promosyonal
28. Isang kompanya ang maglalabas ng panibagong brand ng cellphone. Upang mabilis na maubos ang bagong
produkto sa merkado, gumawa sila ng mga flyers na may makukulay na larawan nang maipakilala ang kanilang
produkto.
A. Malinaw na pagkasulat C. Paggamit ng biswal
B. Maikli at payak pagkasulat D. Pagsaalang-alang ng aspektong sikolohikal
29. Bumili ng bagong automatic washing machine si Carina na idadagdag niya sa kaniyang negosyong
laundryshop, dahil iba ito sa mga nauna niyang gamit ay kinakailangan niyang basahing mabuti ang manwal
kung saan makakatulong ito’y tiyak at espesipikong pagkakasulat.
A. Malinaw na pagkasulat C. Paggamit ng biswal
B. Maikli at payak pagkasulat D. Pagsaalang-alang ng aspektong sikolohikal
30. Magpapatawag ng pagpupulong ang may-ari ng kumpanya sa pamamagitan ng isang memorandum kung
saan isinulat niya ang petsa, oras, lugar, sino-sino ang kabilang at dahilan ng pagpupulong upang maiwasan
ang pagkalito ng mga manggagawa.
A. Malinaw na pagkasulat C. Paggamit ng biswal
B. Maikli at payak pagkasulat D. Pagsaalang-alang ng aspektong sikolohikal
31. Ipinadala na sa tagasuri, ng may-ari ng pinagsisilbihan ni Larry ang deskripsyon ng produktong ginawa nito
upang mailabas na ng kompanyang gagamit nito.
A. Pangunahin C. Ikatlo
B. Ikalawa D. Ikaapat
32. Ang Feasibility Study na inilunsad sa paaralan tungkol sa makabagong pamamaraan sa pagluluto ng mga
mag-aaral sa TVL-Home Economics ay nailathala sa dyaryo ng paaralan dahil sa angking galing na ipinakita.
A. Pangunahin C. Ikatlo
B. Ikalawa D. Ikaapat
33. Isinangguni ni Annie ang kanilang napiling putahe sa isang kilalang kainan para masigurong masarap para sa
kaarawan ng kaisa-isa nilang anak.
A. Pangunahin C. Ikatlo
B. Ikalawa D. Ikaapat
34. Ang leaflets ay isang halimbawa ng sulating promosyonal.
A. Tama B. Mali
35. Ang mga awdiyens ay laging nakatuon sa buong teksto na makikita sa leaflets.
A. Tama B. Mali
36. Importante sa manunulat na malaman ang profile ng kaniyang mambabasa, sa kadahilanang siya ang
makikinabang nito.
A. Tama B. Mali
37. Ang damdamin, pagpapahalaga, at pangangailangan ng isang manunulat ang dapat isaalang-alang upang
makabuo ng isang makabuluhang sulatin.
A. Tama B. Mali
38. Sa panahon ngayon, mas tinatangkilik ng awdiyens ang mga sulating may infographics at may makukulay na
larawan.
A. Tama B. Mali
39. Alin sa sumusunod ang naglalahad ng tamang paggamit ng instruction manual o owner’s manual?
A. Ito ay mga gamit sa bahay tulad ng mga appliances, kasangkapan, mga gadget at iba pang elektronikong
equipment na nangangailangan ng paggabay
B. Ito ay mga gamit sa komunidad tulad ng mga kagamitang imprastraktura sa mga gusali.
C. Ito ay mga gamit sa loob ng laboratoryo tulad ng gawaang pang-medisina na di nakikita sa publiko.
D. Ito ay mga gamit pampribado tulad ng mga kagamitang teknikal sa ginagamit lamang sa negosyo
40. Makikita sa bahaging ito ang mga kalakip na impormasyon hinggil sa manwal gaya ng impormasyon sa paraan
ng paggamit at iba pang tala.
A. Apendise C. Pamagat
B. Pambungad D. Nilalaman
41. Mababasa sa bahaging ito ang mga pamamaraan at gabay sa paggamit ng manwal.
A. Talaan ng Nilalaman C. Apendise
B. Pamagat D. Nilalaman
42. Bakit kinakailangan na magkaroon ng isang employees’ manual o handbook? Kailangan ito upang
A. makapaglahad ng mga kalakaran, alituntunin at iba pang prosesong mahalaga sa kompanya
B. makapaglahad ng mga gawaing tutugma sa kakayahan ng isang empleyado.
C. maipakita ang kabuuang balangkas ng isang organisasyon at ang tunguhin nito.
D. makalikha ng mga batas na dapat sundin sa loob ng isang organisasyon
43. Nakatala sa bahaging ito ang sistematikong pagkakahati-hati ng mga paksa sa inaasahang nilalaman ng
manwal at angkop na pahina kung saan ito matatagpuan.
A. Pamagat C. Talaan ng Nilalaman
B. Apendise D. Pambungad
44. Isang uri ng babasahing naglalahad ng iba’t ibang impormasyon sa paraan ng paggamit gayundin ang proseso
at iba pang detalye.
A. Manwal C. Pormal na Pormularyo
B. Liham-Pangnegosyo D. Handbook
45. Pagbibigay ideya sa mambabasa sa panimulang pagsipat o pagtingin sa nilalaman ng isang manwal.
A. Pamagat C. Talaan ng nilalaman
B. Handbook D. Apendise
46. Sa pagsulat ng manwal, alin sa sumusunod ang tamang pagkakasunod-sunod batay sa maayos na
pagkakalathala nito
1. Baguhin ang manwal kung ito ay may mga mali o nakalilitong instruksyon.
2. Gumawa ng isang script o balangkas.
3. Magpasya sa naaangkop na disenyo para sa manwal.
4. Tukuyin ang layunin ng manwal sa pamamagitan ng paggamit ng sino, ano, kailan, saan, bakit, at paano.
A. 4,3,2,1 C. 1,4,3.2
B. 1,2,3,4 D. 2,1,3,4
47. Makikita sa huling bahagi ng manwal na naglalaman ng iba pang impormasyon.
A. Bibliograpiya C. Handbook
B. Apendise D. Talaan ng Nilalaman
48. Uri ng wika na gagamitin sa pagbuo ng isang maayos na manwal
A. Impormal C. Kolokyal
B. Pormal D. Balbal

You might also like