You are on page 1of 4

MALITBOG NATIONAL HIGH SCHOOL

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUBOK- GRADE- 12-FILIPINO

I. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na kaisipan o tanong. Piliin ang tamang titik ng
wastong sagot.

_____ 1. Alin sa mga kaispan ang binibigyang-diin ang kahalagahan ng paglalarawan ng produkto/
serbisyo.
a.Benepisyo at kalakasan c. mamimili at pamilihan
b. benta at kita d. interes at pananalapi

2. Ang feasibility study ay isang halimbawa ng . Alin ang PINAKAANGKOP na sagot?


a. sulatin b. babasahin c. sanggunian d. pananaliksik

3. Ano ang pinakahuling bahagi ng feasibility study?


a. Iskedyul c. Projection sa pananalapi at kita
b. Rekomendasyon d. Pangkalahatang Lagom

4. Alin sa mga bahagi ng feasibility study ang unang makikita at mababasa?


a. Iskedyul c. Estratehiya sa Pagbebenta
b. Pangkalahatang Lagom d. Projection sa Pananalapi

5. Ang pangunahing pangkabuhayan ng pamilya ni John ay ang pagbebenta ng organic shampoo sa


pamilihan. Para maakit ang mga target na mamimili ay nilagyan ng paglalarawan ng kalakasan at
benepisyo ang sisidlan ng produkto. Anong bahagi ng feasibility study ang binibigyang-tugon para marami
ang magkainteres?
a. Paglalarawan ng produkto/serbisyo c. Estratehiya sa Pagbebenta
b. Kakailanganing teknikal na kagamitan d. Projection sa Pananalapi

6. Kailan dapat isasagawa ang pagsulat ng feasibility study?


a. bago tuluyang magbenta ng produkto/serbisyo sa pamilihan
b. Habang patuloy na nagbebenta ng produkto/serbisyo sa pamilihan
c. Sa tuwing sumapit ang isang taon ng paglipas ng pagbebenta
d. Pagkatapos makalikom ng mga impormasyon sa negosyo

7. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na katangian ng feasibility study?


a. mabisa, masusi, at organisado
b. masining, particular at makabuluhan
c. pormal, tiyak at teknikal
d. a at c

8. Nawalan ng interes sa pagbebenta si Jonas ng pocket wifi, kaya naisipan niyang magbasa ng
halimbawa ng feasibility study para mas mahihikayat niya ang mga target na mamimili. Anong bahagi ng
feasibility study ang dapat niyang basahin?
a. Pangkalahatang Lagom c. Estratehiya sa Pagbebenta
b. Projection sa pananalapi at kita d. Kakailanganing teknikal na kagamitan

9. Ito ay naglalaman ng pagbibigay mungkahi batay sa ginawang pag-aaral sa ikalawa hanggang


ikawalong bahagi ng feasibility study. Ano ang tinutukoy nito?
a. Pangkalahatang Lagom c. Iskedyul
b. Rekomendasyon d. Marketplace
10. Anong larangan ang kadalasang hinahandaan ng feasibility study?
a. edukasyon c. pagnenegosyo
b. inhinyeriya d. politika
11. Bakit kailangang isagawa ang feasibility study? Alin sa mga sumusunod na kaisipan ang
pinakatumpak na sagot?
a. Malaman ang sanhi at epekto ng produkto/serbisyo
b. Matukoy ang kahalagahan ng gamit ng produkto
c. Mapukaw ang interes ng mga target na mamimili
d. Matagumpayan ang larangan ng pagnenegosyo

12. Isang kasulatan na nagpapahayag ng pagkasunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isang


tao o pangkat ng tao.
a. feasibility study c. manwal
b. naratibong ulat d. leaflets

13. Mahalaga ang na hakbang o proseso sa isang produkto.


a. kronohikal c. paulit-ulit
b. palaktaw-laktaw d. pagkakaiba

14. Sa pag-uulat ng konteksto, kailangang maisaalang-alang ang sumusunod, MALIBAN sa isa.


a. Kailan ito naganap c. Tungkol saan ang pangyayari
b. Saan at oras ng kaganapan d. Dahilan ng kaganapan

15. “Dumalo sa programa ng Buwan ng Wika ang punungguro ng Haworthia National High School
sa ganap na ika-8 ng umaga. Sinalubong siya ng mga kasapi ng KAMFIL.” Nasa anong uri ng element ng
naratibong ulat ang pahayag?
a. Kronolohikal na Pagkakaayos c. Pag-uulat ng Konteksto
b. Pananaw sa Pagsulat d. Salitang Gagamitin

16. “Mainit na sinalubong ng mga kasapi ng KAMFIL ang magandang punongguro ng Haworthia
National High School.” Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag tungkol sa may-akda?
a. Mayroong paggalang ang mga mag-aaral.
b. Nagpapakita ng pagkiling ang manunulat
c. May kagandahang taglay ang Punongguro
D. Nagbibigay pugay ang mga kasapi ng KAMFIL

17. Dapat isaalang-alang ang iba’t ibang elemento ng talatang nagsasalaysay upang maging
mahusay at nararapat ang isang naratibong ulat. Nasa anong uri ng elemento ng naratibong ulat ang
pahayag?
a. Kronolohikal na Pagkakaayos c. Elementong Taglay
b. Pananaw sa Pagsulat d. Salitang Gagamitin

18. Sa kanila umiikot ang kaganapan ng mga pangyayaring iniuulat.


a. Pag-uulat sa Kasaling Tao c. Pag-uulat ng Konteksto
b. Pananaw sa Pagsulat d. Salitang Gagamitin

19. Ang mga sumusunod na pahayag ay kahalagahan ng naratibong ulat. MALIBAN sa isa.
a. Nagpapakita ng mga paulit-ulit na detalye sa mga pangyayari.
b. Mayroong propesyunal na estilo sa pagsulat ng naratibong ulat.
c. Mahalaga ito sa pagkakaroon ng sistematikong dokumentasyon
d. Mabigyan ng sapat na impormasyon ang mga taong nais makakuha ng impormasyon
tungkol sa isang particular na bagay, serbisyo, produkto o kaganapan.

20. Ito ay isang paraan upang may maaaring balikang dokumento kapag may hindi
pagkakasunduan.
a. Rebisyon b. Konteksto c. Naratibong ulat d. Krolohiya

21. Nais ni Jane na magpatayo ng isang negosyong pagupitan, ngunit para makapagsimula,
kailangan niya munang malaman ang aspektong teknolohikal kaugnay nito,kung gagawa siya ng pag-aaral,
anong bahagi ng feasibility study ang kanyang isaalang-alang?
a. Kakailanganing Teknikal na kagamitan
b. Projection sa Pananalapi at Kita
c. Estratehiya sa Pagbebenta
d. Paglalarawan ng Produkto/Serbisyo

22. Nagkaroon ng problema sa distribusyon ng produktong mangga si Mang Betong kay Aling
Josefa dahil sa hindi nakaabot sa petsang dapat sana’y maihatid ang tatlumpong kilong mangga, kaya’t
naisipan niyang magkaroon ng pagbabago sa estratehiya. Anong pagbabago kaya ang bibigyang- pokus ni
Mang Betong?
a. Mga Taong may Gampanin sa Produkto/Serbisyo
b. Estratehiya sa Pagbebenta
c. Iskedyul
d. Rekomendasyon

23. Anong anyong teknikal ang maaaring gawin upang maiayon ang pangangailangan sa pamilihan?
a. Flyers b. Manwal c. Feasibility Study d. Menu

24. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa bahagi ng feasibility study?
a. Pabalat b. Marketplace c. Rekomendasyon d. Iskedyul

25. Tapos nang naisulat ni Jane ang kanyang ginawang feasibility study ngunit hindi tinanggap ng
kanyang tagapangasiwa dahil nakaligtaan niyang gumawa ng kabuuang pagtanan. Anong bahagi ng
feasibility study ang dapat niyang isulat?
a. Rekomendasyon b. Introduksyon c. Talahanayan d. Pangkalahatang Lagom

26. Bago maghanap ng tauhan si Ben sa kanyang negosyong kainan ay sinigurado niya munang
nasunod ang kanyang planong magkaroon ng tiyak na tungkulin ang mga ito. Anong bahagi ng feasibility
study ang kanyang ginawa?
a. Iskedyul c. Mga Taong may Gampanin sa Produkto/Serbisyo
b. Estratehiya sa Pagbebenta d. Pangkalahatang Lagom

27. Alin sa mga pahayag ang naglalahad ng PINAKAANGKOP na kahalagahan ng feasibility study?
a. Matagumpayan ang larangan ng pagnenegosyo
b. Matiyak ang epekto ng produkto sa pamilihan
c. Makapaghinuha ng kongklusyon sa pag-aaral
d. Umangat ang pagbebenta ng produkto/serbisyo

28. Anong bahagi ng feasibility study ang naglalarawan ng pamilihan kung saan ibebenta ang
produkto?
a. Estratehiya sa Pagbebenta
b. Projection sa Pananalapi at Kita
c. Kakailanganing Teknikal na Kagamitan
d. Marketplace

29. Upang malaman ang sirkulasyon ng kita sa pagnenegosyo, anong bahagi ng feasibility study
ang unang pagtutuunan ng pansin?
a. Estratehiya sa Pagbebenta c. Pangkalahatang Lagom
b. Projection sa Pananalapi at Kita d. Rekomendasyon

30. Tumutukoy sa proseso na isinasagawa ng mga manaliksik upang mabuo ang isang bagay o
produkto.
a. Estratehiya sa Pagbebenta c. Dokumentasyon sa Paggawa ng Produkto
b. Naratibong Ulat d. Feasibility Study
II. Panuto: Kilalanin ang mga tinutukoy sa mga sumusunod na konsepto. Piliin ang titik ng tamang sagot.

A. Larawan F. Salitang Gagamitin K. Datos


B. Pananaw sa Pagsulat G. Pag-uulat ng Konteksto
C. Elementong Taglay H. Pag-uulat sa mga Kasaling Tao
D. Kronolohikal na Pagkakaayos I. Produkto
E. Naratibong Ulat J. Proseso

1. Kinakailangang taglay nito ang element ng pagsasalaysay.


2. Makabubuti ito upang mailarawan nang mabuti ang aksyon o naging gawi ng mga lumahok sa
kaganapan.
3. Sa kanila umiikot ang kaganapan ng mga pangyayaring iniuulat.
4. May pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari na karaniwang nagsisimula sa pinakasimula na
kaganapan.
5. Hindi nararapat magtaglay ng personal na damdamin ng sumusulat ng ulat.
6. Kinapapalooban nito ng mga sumusunod: kalian ito naganap, saan at oras ng kaganapan,
tungkol saan ang pangyayari at bakit ito naganap.
7. Paglilista ng pagkakasunod-sunod na naganap o kaya ay posibleng magaganap na pangyayari.
8. Isang bagay na ginawa upang maibenta at dumaan sa proseso.
9. Ibang katawagan sa hakbang.
10. Ginagamit bilang patunay o ebidensya ng paggawa.

GOD SPEED!

Inihanda ni: Gng. Heide Jocson


Guro sa Filipino

You might also like