You are on page 1of 3

MAHABANG PAGSUSULIT

Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc)

I. PAGPIPILIAN

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito nang MALAKING TITIK sa iyong sagutang papel.

1. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ________________.


a. Babala c. Menu ng Pagkain
b. Feasibility Study d. Promotional Materials
2. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang _________________________.
a. Makapagbigay ng pagpipilian ng pagkain na mayroon ang isang restawran.
b. Pagkakasunod-sunod ng mga hakbang o proseso sa paggawa ng isang produkto.
c. Makapanghikayat ng mamimili at makapagbigay ng impormasyon gamit ang papel.
d. Matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng isang produkto o serbisyo.
3. Ito ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang produkto o
serbisyo.
a. Feasibility Study c. Deskripsiyon ng Produkto
b. Flyers/Leaflets d. menu
4. Isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng iminumungkahing produkto at/o
serbisyo.
a.Feasibility Study c. Deskripsiyon ng Produkto
b.Flyers/Leaflets d. menu
5. Isang dokumento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao.
a. Naratibong Ulat c. Deskripsiyon ng Produkto
b. Menu ng Pagkain d. Flyers/Leaflets
6. Ito ay isang paraan upang kung may maaaring balikang dokumento kapag may hindi pagkakasunduan
a. Rebisyon c. Konteksto
b. Naratibong Ulat d. Kronolohiya
7. Madalas na isinusulat na huli sa isang feasibility study.
a. Iskedyul c. Executive Summary
b. Rekomendasyon d. Marketplace
8. Ito ay ang pangkalahatang tawag sa anumang pagbabatid ng mahalagang impormasyon sa tao.
a. Babala c. Anunsiyo
b. Paunawa d. Patalastas
9. Ito ay nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistulang din itong magsasabi kung ano ang maaari at hindi
maaaring gawin.
a. Patalastas c. Anunsiyo
b. Babala d. Paunawa
10. Ito ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay ng tao.
a. Paunawa c. Babala
b. Anunsiyo d. Patalastas
11. Ito ay tawag sa pagsasama ng impormasyon at simbolo/imahen.
a. Simbolismo c. Smiley
b. Infographics d. Emoticons
12. Ito ang nagsisilbing pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga tao hinggil sa nais kainin sa isang
restawran.
A. Menu ng Pagkain c. Flyers/Leaflets
B. Naratibong Ulat d. Deskripsiyon ng Produkto
13. Bahagi ng proseso sa pagbuo ng menu kung saan tinutukoy ang lalamaning impormasyon.
a. Pagpaplano c. Rebisyon
b. Reproduksiyon d. Pagsusulat at Lay-out
14. Ito ang huling bahagi ng proseso sa pagbuo ng menu.
a.Pagpaplano c. Rebisyon
b.Reproduksiyon d. Pagsusulat at Lay-out
15. Nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistulang din itong magsasabi kung ano ang maaari at hindi
maaaring gawin.
a. anunsyo c. paunawa
b. patalastas d. wala dito ang sagot

II.TAMA o MALI
Panuto: Isulat ang PAK kung wasto ang pahayag at isulat ang GANERN kung mali ang pahayag.
_____ 16. Sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto, gumagamit ng pangangatwiran ang manunulat.
_____ 17. Inilalagay sa deskripsiyon ng produkto ang detalyadong paglalarawan dito.
_____ 18. Kolokyal ang ginagamit na wika sa pagsulat ng deskripsiyon ng produkto.
_____ 19.Marapat na panatilihing payak ang pagkakabuo ng mga pangungusap kung susulat ng
deskripsiyon ng produkto.
_____ 20. Mahalaga ang deskripsiyon ng produkto upang higit na masuri at makilatis ang isang
produkto.
_____ 21. Sa pagbuo ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto, isinasaad ang mga
kinakailangan sa proseso ng paggawa ng produkto.
_____ 22. Mahalaga ang kronolohiya ng mga hakbang na nakasaad sa dokumentasyon sa paggawa ng
isang bagay o produkto.
_____ 23. Maaaring maglagay ng ilustrasyon kung susulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang
bagay o produkto.
_____ 24. Masasabing teknikal ang pagkakaayos ng mga proseso kung nasa tamang
pagkakasunod-sunod ang mga ito.
_____ 25. Nagsisilbing gabay ang dokumentasyon sa sinumang nais gumawa ng isang bagay o produkto
_____ 26. Maging tiyak at payak sa paggamit ng salita sa paglalarawan ng produkto.
_____ 27. Gumamit ng mga salitang humihikayat sa artipisyal na sahog.
_____ 28. Kinakailangang gumamit ng mga salitang pang-ugnay sa pagsulat ng menu.
_____ 29. Ipakita ang personalidad ng pagkaing ilalarawan.
_____ 30. Mainam na magkaroon ng tema ang menu na bumabatay sa imahe ng restawran.

III.Panuto: . Sumulat ng sariling liham pangnegosyo na may wastong ispasyo at tamang pormat ng mga bahagi gamit
ang GANAP NA BLOCK. ( 10 na puntos)

PAMANTAYAN Puntos Iskor


1. Kompleto ang bahagi ng liham at wasto ang 5
pormat
2. Wasto ang ispasyo ng bawat talata 3
3. Wasto ang mga ginamit na bantas 2
KABUUAN: 10

IV. ENUMERATION.

41 - 47. Magbigay ng pitong bahaging mayroon ang isang feasibility study.


48 - 50. Ibigay ang tatlong elementong mayroon ang isang naratibong ulat.

You might also like