You are on page 1of 3

Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc)

I. PAGPIPILIAN
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito nang MALAKING TITIK sa iyong sagutang papel.

1. Ang flyer / leaflet at brochure ay ilang mga halimbawa ng ________________.


a. Babala c. Menu ng Pagkain
b. Feasibility Study d. Promotional Materials

2. Isa sa mga pangunahing layunin ng pagsulat ng flyer ang _________________________.


a. Makapagbigay ng pagpipilian ng pagkain na mayroon ang isang restawran.
b. Pagkakasunod-sunod ng mga hakbang o proseso sa paggawa ng isang produkto.
c. Makapanghikayat ng mamimili at makapagbigay ng impormasyon gamit ang papel.
d. Matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng isang produkto o serbisyo.

3. Ito ay kadalasang binubuo lamang ng isang pahinang nagtataglay ng impormasyon tungkol sa isang
produkto o serbisyo.
a. Feasibility Study c. Deskripsiyon ng Produkto
b. Flyers/Leaflets d. Dokumentasyon sa Paggawa ng Produkto

4. Isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sanhi at epekto ng iminumungkahing
produkto at/o serbisyo.
a.Feasibility Study c. Deskripsiyon ng Produkto
b.Flyers/Leaflets d. Dokumentasyon sa Paggawa ng
Produkto

5. Isang dokumento na nagsasaad ng pagkakasunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isang tao o


grupo ng tao.
a. Naratibong Ulat c. Deskripsiyon ng Produkto
b. Menu ng Pagkain d. Flyers/Leaflets

6. Ito ay isang paraan upang kung may maaaring balikang dokumento kapag may hindi
pagkakasunduan
a. Rebisyon c. Konteksto
b. Naratibong Ulat d. Kronolohiya

7. Madalas na isinusulat na huli sa isang feasibility study.


a. Iskedyul c. Executive Summary
b. Rekomendasyon d. Marketplace

8. Ito ay ang pangkalahatang tawag sa anumang pagbabatid ng mahalagang impormasyon sa tao.


a. Babala c. Anunsiyo
b. Paunawa d. Patalastas

9. Ito ay nagsasaad ng mahalagang impormasyon at mistulang din itong magsasabi kung ano ang
maaari at hindi maaaring gawin.
a. Patalastas c. Anunsiyo
b. Babala d. Paunawa

10. Ito ay nagsasaad ng maaaring maging panganib sa buhay ng tao.


a. Paunawa c. Babala
b. Anunsiyo d. Patalastas
11. Ito ay tawag sa pagsasama ng impormasyon at simbolo/imahen.
a. Simbolismo c. Smiley
b. Infographics d. Emoticons

12. Ito ang nagsisilbing pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga tao hinggil sa nais
kainin sa isang restawran.
A. Menu ng Pagkain c. Flyers/Leaflets
B. Naratibong Ulat d. Deskripsiyon ng Produkto

13. Bahagi ng proseso sa pagbuo ng menu kung saan tinutukoy ang lalamaning impormasyon.
a. Pagpaplano c. Rebisyon
b. Reproduksiyon d. Pagsusulat at Lay-out

14. Ito ang huling bahagi ng proseso sa pagbuo ng menu.


a.Pagpaplano c. Rebisyon
b.Reproduksiyon d. Pagsusulat at Lay-out

1
15. Kalimitang ginagamit ang mga ito bilang handout, ipinamimigay upang maipakilala ang isang
produkto o taong ikinakampanya.
a. Feasibility Study c. Flyers/Leaflets
b. Deskripsiyon ng Produkto d. Dokumentasyon sa Paggawa ng Produkto

16. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahalagahan ng pagsulat ng isang naratibong ulat?
a. Nakapanghihikayat ng mga mamimili.
b. Nakapagbibigay ng impormasyon tungkol sa panganib sa paligid ng tao.
c. Nabibigyang-impormasyon ang mamimili tungkol sa mga pagkain sa isang restawran.
d. Upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga taong nais makakuha ng impormasyon
hinggil sa isang espesipikong bagay, serbisyo, produkto o pangyayari.
. Ang naratibong-ulat ay dapat isinusulat ng Kronolohikal na pagkakaayos upang:

A. Upang maganda sa paningin.

B. Upang higit na makita ang kaisahan, kaugnayan, at lohika ng mga pangyayari.

C. Upang makita ang mga mali.

D. Wala sa nabanggit

11. Kung may kaparehong apelyido sa gagawing naratibong-ulat, banggitin ang _______ letra ng pangalan bago ang
buong apelyido.

A. Ikalawa B. Ikatlo C. Una D.Ikaapat

12. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng naratibong-ulat?

A. Ginagamit sa pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa.

B. Mahalaga ito upang magkaroon ng sistematikong dokumentasyon ang mga nangyari o kaya’y kaganapan na
mababalikan kapag kinakailangan.

C. Upang makapagbigay ng sapat na impormasyon sa mga taong nais makakuha ng impormasyon hinggil sa isang
espesipikong bagay, serbisyo, produkto o pangyayari.

D. Lahat ng nabanggit
13. Dahil ang isang naratibong ulat ay subhektibo, maaaring maglagay ng personal na opinyon o kaya’y kuro-kuro sa
naganap.
A. Ang pahayag ay Tama
B. Ang pahayag ay Mali
C. Ang pahayg ay bahagyang Tama
D. Ang pahayag ay bahagyang Mali
14. Sa pagsulat ng naratibong-ulat, gumamit ng mga _________upang ilarawan ang pangyayari.
A. Pang-abay C. Pandiwa
B. Pang-uri D. Lahat ng nabanggit
15. Gumamit nang maligoy na salita o ang paglalarawan ng isang pangyayari.
A. Ang pahayag ay Tama
B. Ang pahayag ay Mali
C. Ang pahayg ay bahagyang Tama
D. Ang pahayag ay bahagyang Mali
16. Inaabisuhan ang lahat na mula ngayong Lunes, ika-15 ng Abril ay hindi muna magpapapasok ng mga tao sa building
na ito. Ito ay halimbawa ng___________?
A. Paunawa B. Babala C. Anunsiyo D. Menu
17. Malakas ang alon. Mag-ingat sa paglangoy. Ito ay isang halimbawa ng________?
A. Paunawa B. Babala C. Anunsiyo D. Menu
18. Karaniwang malalaki ang sukat at estilo ng pagkakasulat ng mga paunawa at babala at matatagpuan sa isang lugar na
madaling makita.
A. Ang pahayag ay Tama
B. Ang pahayag ay Mali
C. Ang pahayg ay bahagyang Tama
D. Ang pahayag ay bahagyang Mali
19. Alin sa mga sumusunod ang mahahalagang impormasyon na makikita sa anunsiyo?
A. Lugar B. Petsa at Oras C. Paksang Pag-uusapanD. Lahat ng Nabanggit
20. Alin sa mga sumusunod ang makikita sa Menu?
A. Mga Pagkain C. Inumin
2
B. Presyo ng pagkain D. Lahat ng nabanggit
21.Ang mga sumusunod ay mga kinakailangan tandaan sa pagrerebisa ng menu.
A. Naaayon ba ang font size at front face para sa menu?
B. Hindi ba masyadong marami ang salita?
C. Malinaw ba ang mga imahen?
D. Lahat ng nabanggit
22. Alin sa mga sumusunod ang mga dapat tandaan bago ilathala ang isang menu?
A.Malinaw ba ang menu? Hindi ba ito magulo at maraming teksto’t larawan?
B.May kaagapay bang larawan ang ilan sa mga pagkain?
C. A at B
D. Wala sa nabanggit
23. Ang mga sumusunod ang mga kahulugan ng Menu, maliban sa isa:
A. Ito ay mga listahan ng mga pagkaing binibenta.
B.Ginagamit upang maiwasan ang mga sakuna, aksidente at iba pang hindi kanais-nais na pangyayari para sa isang
indibidwal.
C. Tumutukoy sa iba’t ibang putahe o klase ng pagkain na makikita sa mga kainan.
D. Pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga tao kung nais nilang kumain sa isang napiling restawran.
24. Bakit mahalagang magkaroon ng menu sa isang kainan o restawran?
A. Nagpapaganda sa isang restawran.
B. Nagsisilbing pangunahing pinagkukuhanan ng impormasyon ng mga tao kung nais nilang kumain sa isang
napiling restawran.
C. Upang maging makulay sa paningin ng mga mamimili.
D. Wala sa nabanggit
25. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng MALI?
A. Sa paggawa ng menu,kinakailangang nakaayos ito batay sa uri ng pagkain.
B. Nakalagay sa menu ang halaga ng bawat pagkain.
C. Kailangang mahaba ang paglalarawan sa mga pagkaing nakalagay sa isang menu.
D. Nagtataglay ang menu ng larawan sa bawat pagkain.

You might also like