You are on page 1of 2

mmk

DIAGNOSTIC TEST IN FILIPINO 5

Pangalan:______________________________________School:_____________________________
Baitang at Pangkat:_____________________________ Iskor: ______________________________

I.Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng pangyayari sa binasang kwento.


a. Sanhi b. Bunga c. pangungusap d. dokumentaryo
2. Ito ang kinalabasan o resulta ng pangyayari sa kwento.
a. Sanhi b. Bunga c. Pangungusap d. dokumentaryo
3. Ang pangungusap ay kalipunan ng mga salitang nagsasaad ng____________?
a. impormasyon c. Katotohanan
b. Buong diwa d. lahat ng pagpipilian ay tama
4. Uri ng pangungusap na naghahayag ng makatotohanang impormasyon.
a. Paturol o Pasalaysay c. Pautos
b. Patanong d. Padamdam
5. Pangungusap na nagsasaad ng masidhing damdamin tulad ng galit, tuwa, at pagkagulat.
a. Paturol o Pasalaysay c. Pautos
b. Patanong d. Padamdam
6. Pangungusap na nagtatanong at humihingi ng kasagutan
a. Paturol o Pasalaysay c. Pautos
b. Patanong d. Padamdam
7. Uri ng pangungusap na nag-uutos o nakikiusap.
a. Paturol o Pasalaysay c. Pautos
b. Patanong d. Padamdam
8. Isang uri ng masining na pagtatalo sa paraang paligsahan o tagisan ng dalawang koponan na magkasalungat ang
panig hingil sa isyu.
a. Dokumentaryo c. Balagtasan
b. Debate d. Rally
9. Sa paghahanda ng isang debate kinakailangan ihanda ang/mga______?
a. Pagkalap ng datos c. Panimula/katawan/wakas
b. Balangkas d. lahat ng pagpipilian ay tama
10. Ang pangungusap na may isang buong diwa ay nagtataglay ng?
a. Simuno c. Simuno at Panaguri
b. Panaguri d. katotohanan
11. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang sa anyo o kayarian ng pangungusp?
a. payak c. Hugnayan
b. tambalan d. Panaguri
12. Ang ________ ay nagbibigay impormasyon tungkol sa katotohanan, sitwasyon at reyalidad ng lipunan.
a. Pangungusap c. Dokumentaryo
b. Debate d. Sanhi/Bunga
13. Ito ay maikling pakikipag-usap / pag-uusap sa isang kaibigan sa paraang impormal.
a. Debate c. Interview
b. Chat d. Talumpati
14. Sa pakikipag-usap gamit ang chat ito ay may proseso na?
a. Pakikipag-usap c. pagpapalitan ng mensahe
b. Pakikipag-ugnayan d. lahat ng pagpipilian ay tama
15. Ito ay isinasagawa para makakuha ng mahahalagang impormasyon mula sa taong may sapat na kaalaman
a. Panayam/interview c. Debate
b. kwento d. Dokumentaryo
16. Sa pagsasagawa ng isang panayam, maari mong ipakilala ang iyong pangkat at ang layunin sa isasagawang
panayam. Anong uri ng pangungusap ang iyong gagamitin?
a.Paturol o pasalaysay c. Pautos
b. Patanong d. Padamdam
17. Isang kagamitan na ginagamit bilang representasyon ng modelo/ kabuuan ng mundo o
mga bahagi nito at nagtataglay ng katangiang pisikal, pook, lungsod at iba pa.
a.Graph c. dayagram
b. Mapa d. tsart
18. Ginagamit ang ____________ bilang paglalarawan na nagpapakita ng ugnayan ng mga
bahagi o bilang sa kabuuan.
a.Graph at tsart c. dayagram
b. Mapa d. tsart
19. Ito ay ang kaalaman o impormasyong nagaganap sa araw-araw sa loob at labas ng ating
bansa.
a.Debate c. Balita
b.Panayam d. chat
20. Ang balita ay maaring magmula saan?
a.radyo c.diyaryo o pahayagan
b.telebisyon d. lahat ng pagpipilian ay tama
21. Bahagi ng pahayagan na nagbibigay impormasyon sa balitang pampalakasan.
a.Libangan c. Anunsyo klasipikado
b. Lifestyle d. Isports
22. Tinataglay nito ang bahagi ng pahayagan kung saan makikita ang pangalan ng dyaryo.
a. Balitang pandaigdig c. Pangulong Tudling
b. Balitang Panlalawigan d. Pangmukhang Pahina
23. Bahagi ng pahayagan na nagbibigay ng impormasyon sa loob ng ating bansa o mga rehiyon nito.
a. Balitang pandaigdig c. Pangulong Tudling
b. Balitang Panlalawigan d. Pangmukhang Pahina
24. Dito makikita ang mga anunsyo para sa iba’t-ibang uri ng hanapbuhay, serbisyo, bahay, lupa at sasakyang ipinagbibili.
a.Libangan c. Anunsyo klasipikado
b. Lifestyle d. Isports
25. Tinataglay ng bahagi ng pahayagan ang mga kuro-kuro o opinyion ng patnugot sa napapanahong isyu.
a. Balitang pandaigdig c. Pangulong Tudling
b. Balitang Panlalawigan d. Pangmukhang Pahina
26. Ang _____________ ay isang paraan upang mapadalhan ng impormasyon ang mga tao tungkol sa mga isyu o balitang
panlipunan at iba pang makabuluhang pangyayari.
a.Debate c. Radio Broadcasting
b.Panayam d. chat
27. Sa pagpapadala ng impormasyon ang ___________ ay manuskrito ng gagawin ng isang announcer o tagapagbalita.
a.Panayam c. diyaryo o pahayagan
b.Iskrip d. chat
28. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang hindi kasama sa hakbang sa pagsulat ng iskrip?
a. magsaliksik tungkol sa paksa
b. Ihanda ang balangkas o content
c. basahin ng mahina o malumanay
d. kumuha ng malinaw na intruksyon o tagubilin
29. Alin sa mga sumusunod na pagpipilian ang kahalagahan sa ng iskrip sa radio broadcasting o teleradyo?
a. Tiyak ang kawastuhan ng impormasyon
b. Tiyak na tuloy-tuloy ang daloy ng programa
c. Magamit nang higit ang airtimeo pagsasahimpapawid ng programa.
d. Lahat ng pagpipilian ay tama
30, Sa broadcasting kinakailangan na nag ________ ay may buo at pinakamagandang boses, gumagawa ng tatak kung paano
ipapakilala ang kanyang sarili at nagbabasa ng balita
a. News Presenter
b. Anchor
c. Scriptwriter
d. Technical

Inihanda ni:
Gng. FLORLINA A. CEBALLOS

You might also like