You are on page 1of 8

University of Santo Tomas

Senior High School


Filipino Learning Area
Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik sa Piling Larangan
(Akademik)
T/P 2022-2023
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SET B

Pangalan

Apelyido, Unang Pangalan M.I.

Baitang at Seksiyon

Petsa

Pangkalahatang Panuto para sa Pagsusulit:


A. Basahin nang mabuti ang mga tanong sa bawat bilang bago ipasa ang papel.
B. Pumili lamang ng ISANG SAGOT sa bawat bilang.
C. Bibigyan lamang ng ISANG SCANTRON/ANSWER SHEET at QUESTIONNAIRE ang
bawat mag-aaral.
D. Maaaring sulatan ang Questionnaire subalit tiyaking ilagay ang PINAL na sagot sa Scantron
Sheet.
E. May 90 minuto ang mga mag-aaral para sagutan ang pagsusulit na ito.
F. Ang lahat ng concern o tanong sa oras ng pagsusulit ay kailangang idulog sa proctor.
G. Hintayin ang hudyat at mga panuto ng proctor bago sumagot.

MARAMING PAGPIPILIAN.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang pinakawastong sagot mula sa mga
pagpipilian.

1. Hindi maituturing ang sumusunod na pahayag bilang pagpapakahulugan sa Panukalang


Proyekto MALIBAN SA:
A. Ang Panukalang Proyekto ay isang paulit-ulit na deskripsiyon ng isang serye ng mga
aktibidad na naglalayong maresolba ang isang tiyak na problema.
B. Ang Panukalang Proyekto ay isang deskripsiyon na hindi problema ang panahon at walang
kakailanganing resources sa pagbubuo nito.
C. Ang Panukalang Proyekto ay isang detalyadong manuskritong kinakailangan ng dahilan at
paglalarawan ng mga detalye bago ang pagpapatupad nito.
D. Ang Panukalang Proyekto ay isang gawaing paulit-ulit na ginagawa ng isang organisasyong
may eksaktong pagpapatupad at mga detalye.
2. Bakit mahalaga pa rin ang pagpaplano nang maagap sa pagbubuo ng panukalang proyekto?
A. Sa pamamagitan ng pangkatang pagplano, nabibigyan ang organisasyong ituwid ang mga
pagkakamaling nagawa nito sa nakaraang mga programa.
B. Sa pamamagitan ng pangkatang pagplano, nagkakaroon ng pagkakataon ang mga
miyembrong maging aktibo sa papel na kanilang gagampanan.
C. Sa pamamagitan ng pangkatang pagplano, magkakaroon ng mas realistikong panukala ang
organisasyon.
D. Sa pamamagitan ng pangkatang pagplano, mas mauunawaan ng mambabasa ang wika ng
nasabing panukalang proyekto.
3. Alin sa sumusunod ang wastong pagpapakahulugan sa SMART bilang bahagi ng pagbubuo ng
panukalang proyekto?
A. Specific, Measurable, Accurate, Realistic, Time-bound
B. Specific, Measurable, Achieveable, Realistic, Time-bound
C. Specific, Manageable, Attainable, Realistic, Time-bound
D. Specific, Measurable, Attainable, Realistic, Time-bound
4. Maituturing ang sumusunod na pahayag bilang benepisyo ng pagbabalik-tanaw sa mga
naunang panukalang proyekto MALIBAN SA:
A. Sa pamamagitan nito, mabibigyan ang organisasyon ng kamalayan sa kanilang mga naging
pagkakamali.
B. Mas mapapabuti ng organisasyon ang kanilang implementasyon sa pamamagitan nito.
C. Sa pamamagitan nito, makikita ng organisasyon ang mga taong nais na makisangkot sa
nasabing programa.

1
University of Santo Tomas
Senior High School
Filipino Learning Area
Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik sa Piling Larangan
(Akademik)
T/P 2022-2023
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SET B

D. Ang mga dating programa ang nagbibigay ng hudyat kung anong mga panukala ang
aprubado na at hindi na dapat maulit.

5. Anong bahagi ng panukalang proyekto ang tumatalakay sa suliranin, layunin, organisasyong


nangangasiwa, at pangunahing gawain ng proyekto?
A. Abstrak C. Titulo
B. Nilalaman D. Implementasyon
6. Bakit mahalagang mailahad ang suliranin sa panukalang proyekto?
A. Sa bahaging ito, ipinapaliwanag ang sanligang sosyal at ekonomiko ng panukalang
proyekto.
B. Sa bahaging ito inilalahad ang espesipikong pangangailangan ng target na benepisyaryo.
C. Dito inilalarawan ang kasalukuyang problema at kakailanganing solusyon ng mga
benepisyaryo.
D. Dito ipinapakita ang estratehiyang napili upang masolusyonan ang problema ng nasabing
komunidad.
7. Kabilang ang sumusunod sa bahagi ng Katwiran ng Proyekto MALIBAN SA:
A. Pagpapahayag sa Suliranin C. Interbensiyon
B. Priyoridad na Pangangailangan D. Iskedyul
8. Alin sa sumusunod ang maituturing na isa sa pinakamahalagang bahagi ng panukala dahil dito
matatagpuan ang detalye ng target na benepisyaryo upang hindi magkaroon ng labis o kulang
na resources?
A. Pag-alam ng budget na kakailanganin
B. Pagtukoy sa pangangailangan ng komunidad
C. Pagtukoy sa bilang ng mga makikinabang
D. Pagtukoy sa mga kagamitan na maaaring gamitin
9. Nagkaroon ng inisiyatiba ang inyong organisasyon upang mabuo ang isang buwanang Feeding
Program sa brgy. San Juan. Anong uri ng panukalang proyekto ang iyong bubuoin para sa
nasabing programa?
A. External C. Solicited
B. Internal D. Unsolicited
10. Bakit mahalagang mag-ingat sa paggamit ng wika kapag nagsusulat ng isang panukala?
A. Mga eksperto lamang sa larang ang maaaring makaunawa nito
B. Ipinagbabawal ang pagkakaroon ng typo sa isang sulating akademiko
C. Dahil marami ang makababasa nito at kinakailangang maintindihan ito ng lahat
D. Dahil kinakailangang maipamalas dito ang teknikal na bokabularyo at talino ng nagpanukala
11. Sa aling bahagi ng panukala ibinabahagi ang mga batayang datos na naglilinaw sa katuturan ng
proyekto sa aspektong sosyal, ekonomikal, politikal, at/o kultural?
A. Konteksto C. Pangasiwaan at tauhan
B. Mag-iimplementang organisasyon D. Target na benepisyaryo

12. Bakit inirerekomendang huwag gumamit ng masyadong teknikal na mga salita o wika sa
pagbubuo ng panukalang proyekto?
A. Inilalaan ito sa mga target na benepisyaryo upang matiyak na mauunawaan nila ang
binuong panukalang proyekto para sa kanila.
B. Iniiwasan ang paggamit ng labis na teknikal na mga salita upang hindi ito makasagabal sa
kabuoang pag-unawa ng mga mag-aapruba ng panukala sa oras na basahin nila ito.
C. Nililimitahan ang paggamit ng mga jargon upang maiwasan ang pagdaragdag ng pahina ng
Kahulugan ng mga Termino sa buong sulatin.
D. Patunay ng pagpapakumbaba ng mga nagpapanukala ang paglilimita sa paggamit ng
teknikal na wika sapagkat itinuturing ito kung minsan na pagpapakitang-gilas lamang at pag-
aangat ng sarili.
13. Saang tiyak na bahagi ng panukalang proyekto matatagpuan ang Mga Lakip?
A. Implementasyon ng proyekto C. Katuwiran ng proyekto
B. Konteksto ng proyekto D. Target na benepisyaryo
14. Sa binubuong panukalang proyekto ng inyong organisasyon, nais na suriin ng isponsor ang
magiging kapakinabangan at mga makikinabang ng nasabing proyekto. Aling bahagi ang
kaniyang dapat na tingnan?
A. Layunin C. Benepisyo ng proyekto
2
University of Santo Tomas
Senior High School
Filipino Learning Area
Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik sa Piling Larangan
(Akademik)
T/P 2022-2023
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SET B

B. Implementasyon ng gawain D. Badyet

15. Anong bahagi ng panukalang proyekto ang tumutukoy sa deskripsiyon at detalye ng papel na
gagampanan ng bawat miyembro ng organisasyon?
A. Layunin C. Iskedyul
B. Badyet D. Pangasiwaan at Tauhan
16. Alin sa mga sumusunod ang kasulatang nagbibigay ng kabatiran tungkol sa gagawing pulong o
pagbibigay paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon?
A. Memorandum
B. Adyenda
C. Katitikan ng Pulong
D. Dokumentasyon ng Pulong
17. Bilang sekretarya ng klase, naatasan si Star na isulat ang Katitikan ng kanilang Pulong. Alin sa
mga sumusunod na payo ang maaaring makatulong sa kanya upang makabuo ng isang
komprehensibong Katitikan ng Pulong?
I. Maghanda ng sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong.
II. Maging handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong.
III. Orasan nang mahigpit ang bawat miyembro na magbabahagi ng kanilang
mga ideya o nosyon sa pagpupulong.
IV. Pagtuunan ng pansin ang mga Patalastas na naihain sa pagpupulong at
huwag itong kaliligtaang i-highlight sa pinal na kopya ng Katitikan ng Pulong
V. Magdala ng rekorder upang may maaaring balikan kung sakaling may
nakaligtaang impormasyon sa naging pagpupulong.
A. I at III C. I, III at V
B. II, IV at V D. Lahat ng nabanggit
18. Piliin ang pinakatamang sagot. Paano nakatutulong ang pagsulat ng Katitikan ng Pulong ang
isang samahan o oraganisasyon?
A. Nasisilip sa isang Katitikan ng Pulong ang mga naging ambag maging ang bawat kamalian
ng bawat isang miyembro ng samahan o organisasyon upang magamit ito sa mga susunod
pang gawain tulad ng promosyon sa trabaho o terminasyon.
B. Katitikan ng Pulong ang nagsisilbing pruweba na may nagaganap na pag-unlad o progreso
ang isang samahan. Nagiging batayan ito upang masukat ang kredibilidad ng organisasyon
batay naging pagganap nito sa mga nakalipas na taon.
C. Napagtitibay nito ang mga nauna at mga susunod pang pulong dahil ito ay nagiging legal na
dokumento at pansuporta sa mga pangyayaring di inaasahan sa loob ng isang institusyon o
trabaho.
D. Dokumento itong nakalaan para sa mga miyembro ng organisasyon na hindi makadadalo o
nakadalo sa naging pagpupulong upang hindi sila mapag-iwanan sa kaalaman ng mga
kaganapat at impormasyon.
19. Bilang isang sining, maaaring kilalanin ang isang memorandum batay sa mga kulay. Alin sa
mga kulay na ito ang hindi kabilang:
A. Asul C. Berde o dilaw
B. Rosas D. Puti
20. Magkakaroon ng pagdiriwang para sa darating na Kapaskuhan ang buong komunidad ng UST-
SHS. Anong uri ng Memorandum ayon sa layunin ang higit na wastong ibahagi ng
administrasyon kung ninanais nilang ilatag ang mga alituntunin at paalala hinggil sa nasabing
gawain?
A. Memorandum para sa Kahilingan
B. Memorandum para sa Pangangalap
C. Memorandum para sa Kabatiran
D. Memorandum para sa Pagtugon

21. Isa sa mahalagang bahagi ng katitikan ng pulong ay ang lagda, billang pagkilala sa
pananagutan ng kung ano man ang nakasulat o nilalaman nito. Sino ang dapat na lumagda sa
isang katitikan ng pulong?
A. Sumulat ng katitikan C. Tagapanguna sa pulong
B. Lahat ng mga dumalo D. Kalihim

3
University of Santo Tomas
Senior High School
Filipino Learning Area
Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik sa Piling Larangan
(Akademik)
T/P 2022-2023
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SET B

22. Piliin ang pinakatamang sagot. Bakit kinakailangang ikonsidera ang saloobin ng mga
kasamahan sa pagdidisenyo ng Adyenda?
A. Upang mabigyan ng pansin ang mga kalahok sa pagpupulong
B. Upang maging maayos ang daloy ng mga hinaing na tatalakayin sa pagpupulong
C. Upang mahamon ang kaalaman ng bawat miyembro ng pagpupulong
D. Upang maging proaktibo ang mga kalahok at mabigyang-pansin ang kanilang
pangangailangan
23. Upang matiyak na walang nakalimutan sa daloy ng Pulong, kakailanganin ni Ana ang mga
sumusunod maliban sa:
A. Ikalawang taong susulat din ng Katitikan ng Pulong
B. Paggamit ng rekorder
C. Pag-upo sa tabi ng presider ng pulong
D. Paghahanap ng conducive na pwesto habang nagpupulong
24. Ito ay isang pagtitipon ng dalawa o higit pang mga indibidwal upang magkaroon ng higit na
sistematikong pag-uusap.
A. Pulong C. Memorandum
B. Adyenda D. Katitikan ng Pulong
25. Bakit mahalagang maisulat ang Katitikan ng Pulong nang hindi lalampas sa apatnapu’t walong
(48) oras matapos ang naging pagpupulong?
A. Upang hindi makalimutan ng naatasan ang mga itatalang impormasyon.
B. Upang maipabatid sa mga may nakatalagang tungkulin ang kanilang mga gawain.
C. Upang malaman ng mga hindi nakadalo ang mga naganap.
D. Lahat ng nabanggit.
26. Alin sa mga sumusunod ang hindi na kailangan pang isama sa Katitikan ng Pulong?
A. petsa, oras at lokasyon ng pulong
B. mosyon na inilatag ngunit hindi sinusugan
C. pangalan ng mga taong nagtaas ng mosyon at ang sumusog
D. mga napagdesisyonan o napagkasunduan
27. Paano magiging maiksi ngunit detalyado ang nilalaman ng mensahe ng isang Memorandum?
I. Ipaliwanag ang sitwasyon sa pamamagitan ng paglalahad ng panimula at
layunin.
II. Ilahad agad ang lahat ng impormasyon sa Memorandum pa lamang
III. Isa-isahin ang mga suliraning kinakailangang pagtuunan ng pansin
IV. Ibahagi ang mga inaasahang sagot o solusyon sa mga suliranin
V. Mahalagang bigyang pasasalamat bilang pangwakas ang bawat isang
kabahagi ng Memorandum
A. I, II,, IV, V C. II, III, IV
B. I, III, IV, V D. I, II, III, V
28. Isang sulating nagsisimula sa pagmumuni-muni. Ito rin ang papel na maaaring mabuo kung
sisikaping alalahanin at itala ang mga nagdaang pangyayari gaya ng sa internship, volunteer
experience, retreat, kahit yaong mga pinanood na pelikula, dula, at iba pang batay sa
karanasan. Aling akademikong sulatin ang tinutukoy rito?
A. Pictorial essay C. Replektibong sanaysay
B. Lakbay sanaysay D. Wala sa nabanggit
29. Sa pagsulat ng replektibong sanyasay, ano ang tawag sa proseso ng pag-alala sa mga
nagdaang pangyayari?
A. Pagsusuri C. Pag-uusisa
B. Pagmumuni D. Pag-unawa
30. Alin sa sumusunod ang kinakailangan makita sa isang replektibong sanaysay?
A. Introduksiyon C. Lohikal na katawan
B. Kongklusyon D. Lahat ng nabanggit
31. Alin sa sumusunod ang hindi maaaring paksain ng isang replektibong sanaysay?
A. Personal na reaksyon sa binasang aklat
B. Karanasan sa paglakbay sa ibang bansa
C. Natutuhan hinggil sa napakinggan sa isang lektyur
D. Proseso sa pagluto ng espesipikong pagkain

4
University of Santo Tomas
Senior High School
Filipino Learning Area
Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik sa Piling Larangan
(Akademik)
T/P 2022-2023
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SET B

32. Ano ang kasanayang natututuhan sa pagsulat ng replektibong sanaysay?


A. mailagay at mapaunawa ang sariling sitwasyon sa ibang mambabasa
B. magkaroon ng kaayusan at organisasyon sa mga ideya at saloobin
C. magsulat nang mabilis ngunit mayroong mataas na kalidad
D. maging mapanuri sa kung ano ang ilalahad at paano ito isusulat

33. Bakit mahalagang kilalanin ang mga impormasyong ginamit na nagmula sa Internet, aklat,
panayam, at iba pa sa sanggunian bahagi ng sulatin?
A. Ipinapakita nito ang pagkilala sa datos na hindi orihinal na nagmula sa manunulat.
B. Nagsisilbing patunay na mahusay ang pagkakabanghay ng papel.
C. Bahagi ito ng wakas sa sulatin na inaasahang makita kapag gagraduhan ito.
D. Nag-aanyaya ito ng pagsusuri para sa awtor tungkol sa kanyang isinusulat.
34. Bilang isang manunulat, paano mo lalong mapapahusay ang pagsulat ng replektibong
sanaysay?
A. Tiyaking maitala at maipaliwanag nang malinaw ang iyong mga reaksyon kaugnay sa isang
paksa.
B. Isulat ang sanaysay na tila nagbubuod at isama lamang ang mahahalagang detalye sa
nabasa o naransan.
C. Gawing maikli lamang ang buong sanaysay upang mapadaling maipaabot ang saloobin o
reaksyon sa makababasa nito.
D. Wala sa nabanggit.
35. Sa pagsulat ng replektibong sanaysay, ang unang dapat isaalang-alang ng isang manunulat
nito?
A. Maglaan ng sapat na oras sa pagsulat nito malinaw ang paglalahad sa buong teksto.
B. Tukuyin ang naging inspirasyon sa damdamin sa pagkakasulat ng teksto.
C. Pumili ng paksang may lalim, malapit, at personal na kahulugan sa awtor.
D. Gawing magaan o kaswal ang pagwiwika dahil personal na sulatin ito.
36. Ano ang natatanging kaibahan ng replektibong sanaysay sa ibang mga uri ng sanaysay?
A. Isinusulat ito bilang isang pribado at publikong sulatin tungkol sa ating saloobin o damdamin
sa isang paksa.
B. Naglalaman ito ng mga larawan upang makahikayat ng mambabasa at mapukaw ang
kanilang atensiyon.
C. Lumaganap itong sulatin kasabay sa pag-usbong ng social media.
D. Binibigyang pansin ang pagbabalik-tanaw sa isang karanasan sa napakapersonal na
paraan.
37. Para kanino isinusulat ang replektibong sanaysay?
A. Para sa guro upang mamarkahan at mabigyan ng feedback ang papel.
B. Para sa sarili nang maproseso ang pinagnilayan sa isang pangyayari o paksa.
C. Alinman sa A at B.
D. Wala sa pagpipilian.
38. Alin sa mga sumusunod ang hindi katangian ng isang Lakbay-Sanaysay?
A. Naglalaman ito ng mga aral at repleksyon sa paglalakbay.
B. Naglalahad ito ng mga impormasyon tungkol sa lugar na nilakbay.
C. Nagsisilbi itong legal na dokumento na magpapatunay ng kagandahan ng isang lugar.
D. Nagbabahagi ito ng mga paniniwala, kultura at tradisyon ng isang lugar.
39. Ano ang naidudulot ng paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran sa isang indibidwal ayon kay
Seneca?
A. Nagbibigay ng bagong kakilala sa bawat lugar na pupuntahan.
B. Nagbibigay ng bagong kaalaman sa bawat indibidwal.
C. Nagbibigay ng bagong kakilala sa bawat lugar na pupuntahan.
D. Nagbibigay ng bagong sigla sa kaisipan.
40. Alin sa mga sumusunod na akademikong sulatin ang maaaring dokumentaryo, pelikula, palabas
sa telebisyon o ano mang bahagi ng panitikan na nagpapakita at nagdodokumento ng iba’t ibang
lugar na binisita at maging ang karanasan sa paglalakbay?
A. Travelogue C. Dialogue

5
University of Santo Tomas
Senior High School
Filipino Learning Area
Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik sa Piling Larangan
(Akademik)
T/P 2022-2023
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SET B

B. Epilogue D. Monologue

41. Sa pagsulat mo ng isang lakbay-sanaysay, kinakailangang mailahad at maibahagi mo ang iyong


mga karanasan sa iyong paglalakbay. Anong panauhan ang dapat mong gamitin sa pagsulat?
A. Unang panauhan C. Ikatlong panauhan
B. Ikalawang panauhan D. Depende sa may-akda
42. Kung ang layunin ng pagsulat na ito ay makapagbigay ng malalim na insight at kakaibang
anggulo at karanasan tungkol sa isang destinasyon, anong sulating akademiko ito?
A. Lakbay-Sanaysay C. Larawang Sanaysay
B. Talumpati D. Replektibong Sanaysay
43. Hindi inaasahan ni Joy na mawalan siya ng mahalagang gamit habang siya ay naglalakbay.
Lubhang nadismaya ang kanyang kalooban sa nangyari dahil ang mahalagang gamit na iyon ay
bigay pa ng kanyang nanay bilang regalo noong kanyang kaarawan. Anong kaisipan tungkol sa
pagsulat ng lakbay-sanaysay ang binibigyang-pansin sa nabanggit na sitwasyon?
A. Pag-ingatan ang lahat ng mahahalagang gamit habang naglalakbay.
B. Hindi lahat ng karanasan sa paglalakbay ay laging positibo.
C. Huwag limitahan ang sarili sa mga normal na atraksyon at pasyalan.
D. Ipakita ang kuwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay.
44. Alin sa mga sumusunod na payo ni Dinty Moore patungkol sa epektibong pagsusulat habang
naglalakbay ang hindi kabilang sa ibaba:
A. Makabubuti ang pagkuha ng larawan at mga tala sa mga bagay na naoobserbahan at
naririnig.
B. Magbasa nang malalim tungkol sa iyong destinasyon bago dumating sa lugar.
C. Laging tatandaan na hindi kailangang pagkasyahin sa iisang araw ang pagbisita sa
napakaraming lugar.
D. Kinakailangan na malalayo ang lugar na pupuntahan.
45. Sa lakbay-sanaysay na isinulat ni CJ, itinampok niya ang mga gawain, kultura at paniniwala ng
mga taong kanyang namalas sa lugar na kanyang pinuntahan. Manghang-mangha siya sa mga
ipinakita ng mga tao sa lugar. Anong bagay o gabay mula kay Dinty Moore (2013) ang
binibigyang-pansin sa sitwasyon na ito?
A. Hindi kailangan pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng paksang
isusulat.
B. Ipakita ang kuwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay.
C. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan.
D. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan.
46. Alin sa mga sumusunod na gabay sa pagsulat ng lakbay-sanaysay ang hindi dapat isaalang-
alang?
A. Hindi kailangan pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng paksang
isusulat.
B. Piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang upang maraming maisulat
sa lakbay-sanaysay.
C. Ipakita ang kuwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay.
D. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan.
47. Bakit sinasabing hindi naman kailangang pumunta o pumasyal sa malalayong lugar upang
makapagsulat ng lakbay-sanaysay?
A. Baka kapusin sa perang laan sa paglalakbay.
B. Maaaring sumama ang pakiramdam at hindi na matuloy ang pagbyahe o paglalakbay.
C. Wala naman sa layo o lapit ng lugar ang karanasan at realisasyon na maaari nating
maibahagi. Kahit ang simpleng tanawin paglabas ng bahay ay maaaring gawan ng isang
lakbay-sanaysay.
D. Maaaring mawalan ng gana sa paglalakbay dahil sa layo ng lugar na pupuntahan.
48. Ano itong kamangha-manghang anyo ng sining na nagpapahayag ng kahulugan sa
pamamagitan ng paghahanay ng mga larawang sinusundan ng maiikling kapsyon kada
larawan?
A. Larawang-sanaysay C. Katitikan ng Pulong
B. Lakbay-sanaysay D. Panukalang Proyekto
49. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na sangkap ng isang larawang-sanaysay?

6
University of Santo Tomas
Senior High School
Filipino Learning Area
Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik sa Piling Larangan
(Akademik)
T/P 2022-2023
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SET B

A. Larawan at komposisyon C. Damdamin at reaksiyon


B. Damdamin at pagsusuri D. Larawan at teksto

50. Ang pagkakaroon ng kamalian sa baybay ng mga salita, kapitalisasyon, gramatika at maging
ang pagkakabuo ng pangungusap ay labag sa anong katangian ng isang larawang-sanaysay?
A. Orihinalidad C. Komposisyon
B. Malinaw na paksa D. Mahusay na paggamit ng wika
51. Ang mga sumusunod ay mga gabay sa pagsulat ng isang larawang-sanaysay? Alin sa mga ito
ang hindi kabilang?
A. Pagkakaroon ng iisang paksa
B. Pagkuha ng isa o iilan lamang na mga larawan.
C. Pagkakaroon ng orihinalidad sa mga larawang kinuha.
D. Pagsasaalang-alang ng tuntuning pangwika.
52. Napansin ng guro na ang mga larawang inilagay ni Anne sa kanyang larawang-sanaysay ay
makukulay subalit nagkaroon ng maraming pagkakamali sa ispeling at wastong gamit ng mga
salita. Sa ganitong ipinamalas ni Anne, anong hakbang ang hindi niya isinaalang-alang?
A. Pagkakaroon ng iisang paksa
B. Pagkakaroon ng orihinalidad sa kuhang larawan
C. Pagsasaalang-alang ng tuntunin sa gramatika
D. Pagsasaalang-alang ng mga audience
53. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang wasto tungkol sa Pictorial Essay at Picture Story?
A. Sa Picture Story, ang mga larawan ay nakasaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari samantalang sa Pictorial Essay, nakaayos ang mga larawan ayon sa
lohikal na pagkakasunod ng mga ideya tungkol dito.
B. Ang layunin ng Pictorial Essay ay magsalaysay o magkwento samantalang ang Picture
Story ay lumikha ng isang personal na mensahe.
C. Sa Pictorial Essay, ang mga larawan ay nakasaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari samantalang sa Picture Story, nakaayos ang mga larawan ayon sa lohikal
na pagkakasunod ng mga ideya tungkol dito.
D. Wala sa nabanggit.
54. Sinigurado ni Jude na malinaw at kitang-kita ang larawan na inilagay niya sa kanyang larawang-
sanaysay. Alam niya na hindi maganda ang dulot ng mga malalabo at madidilim na larawan sa
kabuoan ng kanyang sulatin. Anong katangian ang kanyang naisaalang-alang?
A. Pokus C. Kawilihan
B. Lohikal na estruktura D. Komposisyon
55. Pakiramdam ni Viel ay magaan lamang at madaling gawin ang pagsulat ng isang larawang-
sanaysay. Dahil dito, hindi na niya nasigurado na maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga
ideya at larawan sa kanyang naging sulatin. Anong katangian ang kanyang hindi nabigyang-
pansin?
A. Komposisyon ng mga larawan
B. Pagkakaroon ng orihinalidad sa mga larawan
C. Pagkakaroon ng pokus sa paksa
D. Pagsasaayos ng mga ideya ayon sa lohikal na paraan
56. Anong uri ng talumpati ang maingat na pinagpaplanuhan, ineensayo, at kinakabisado bago
isagawa?
A. Biglaang talumpati C. Impormatibong talumpati
B. Pinaghandaang talumpati D. Mapanghikayat na talumpati
57. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na angkop na halimbawa ng impormatibong talumpati?
A. Talumpating pampasigla sa simula ng isang programa
B. Talumpating papuri sa isang namatay na kamag-anak
C. Privilege speech tungkol sa posisyon ng senador sa isang isyu
D. Taunang State of the Nation Address (SONA) ng isang pangulo
58. Tama o Mali: Mas epektibo ang talumpating nakasulat sa kumbersasyonal na tono.
A. Tama, dahil palaging mabilisan lamang ang pagtatalumpati
B. Tama, dahil mas madaling pakinggan ang maiikling pangungusap na gumagamit ng mga
simpleng salita
C. Mali, dahil hindi napabibilib ang mga tagapakinig kapag impormal na wika ang ginagamit sa
talumpati

7
University of Santo Tomas
Senior High School
Filipino Learning Area
Pagbasa at Pagsulat sa Pananaliksik sa Piling Larangan
(Akademik)
T/P 2022-2023
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT

SET B

D. Mali, dahil sinusukat din sa pagtatalumpati ang lawak at lalim ng bokabularyo ng


tagapagsalita
59. Naatasan si Sam na magtalumpati sa harap ng buong paaralan. Alin sa mga sumusunod na
batayan ang kailangan niyang isaalang-alang sa paghahanda?
A. Kung angkop ang ibabahagi niyang kaalaman at karanasan sa hinihinging paksa
B. Kung nakakalap na siya ng sapat na ebidensiyang makasusuporta sa kaniyang mga punto
C. Kung sapat na naipamamalas sa kaniyang paglalahad ang pangangatuwirang lohikal at/o
bisang emosyonal
D. Lahat ng nabanggit
60. Paano nahihikayat ng mananalumpati ang mga tagapakinig na pag-isipan ang personal nilang
opinyon sa isang isyu?
A. Sa tulong ng pambungad na nakaaaliw o nakapagpapatawa sa kanila
B. Sa tulong ng kritikal na pagtatanong sa moral at etikal na pananaw ng mga tagapakinig
C. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga halimbawang hindi kilala o hindi pa nararanasan ng
mga tagapakinig
D. Wala sa mga nabanggit.

=====================

Inihanda ng mga Guro ng FIL2 Akademik:


Bb. Jessica May Reyes - Team Leader
Bb. Maila Avila
G. Emil Belbis
G. Nicolas Gaba, Jr.
Bb. Sharmaine Hernandez
Bb. Mena Angela Oliveros
Bb. Mary Mel Seblos

Nirebyu ni:

Gng. Neriza C. Pesigan


SALT

You might also like