You are on page 1of 8

“PAGSUSULIT SA MIDTERM”

PANGALAN: PUNTOS:

STRAND/SEKSYON: GURO:

PAGSUSULIT 1.

A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na salita na hinihingi sa bawat bilang.

Naratibong pag-uulat Rekomendasyon

Promotional materials Handbook

Marketing Strategy Pormal

1. Ang flyers/leaflet at brochure ay isang halimbawa ng __________.


2. Madalas makita sa huling bahagi ng feasibility study ang ________.
3. Isang uri ng dokumento ang _______ na nagsasaad ng pagkakasunodsunod ng tiyak na pangyayari sa isang gawain.
4. Ang uri ng manwal na tungkol sa benepisyo at obligasyon ng mga manggagawa ay tinatawag na ________.
5. Ang ginagamit na wika sa mga manwal ay ___________ upang mas malinaw ang pagbibigay ng imporm

B. Suriin ang mga pahayag, ayusin ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa pagsulat ng teknikal-
bokasyunal na sulatin. Isulat ang bilang 1-5 sa bawat patlang.

____pumili ng paksang gagamitin sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin


_____maging maingat sa pagbibigay ng impormasyon sa paksa
_____alamin ang katangian ng mga mambabasa
_____suriing mabuti ang mga bantas na ginamit
_____humanap ng taong magwawasto sa teksto.

C. Panuto: Isulat sa unahan ng bilang ang salitang Tama kung sinasang-ayunan ang mga pahayag at Mali kung ito.

______1. Nagsisilbing gabay sa mga mambabasa ang manwal.


______2. Iisa lang ang ginagamit na pormat sa pagsulat ng liham.
______3. Sa pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin ay nararapat lang na may sapat na kaalaman sa paksang tat
talakayin upang maiwasan ang pagkakamali sa pagbibigay ng impormasyon.
______4. Madalas malaking bahagi ang sariling pananaw o saloobin sa pagsulat ng teknikal bokasyunal na sulatin.
______5. Lubhang madali at mabilis lamang ang pagsulat ng teknikal-bokasyunal na sulatin.

PAGSUSULIT II

A. Panuto: Kilalanin ang layunin at gamit ng teknikal bokasyonal na sulatin sa sumusunod na mga sitwasyon.

1. Pagsunod sa mga hakbang sa pagluluto ng kare-kare.


A. Magpabatid C. Magturo
B. Magmungkahi D. Manghikayat
2. Pagtingin sa expiration date ng isang inuming nakabote.
A. Magpabatid C. Magturo
B. Magmungkahi D. Manghikayat
3. Pinag-aralan mo ang sukat na kakailanganin sa pagluluto ng cake.
A. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento
B. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon
C. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag
D. Lahat ay tama
4. Nais mong patunayan na mabisa ang paggamit ng modyul at worksheets sa mga lugar na walang internet.
A. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento
B. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon
C. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag
D. Lahat ay tama
5. Ipinaalam sa pamamagitan ng baranggay ang tamang pangangalaga. ng sarili upang maiwasan ang paglaganap ng
Covid-19 sa lipunan.
A. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento
B. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon
C. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag
D. Lahat ay tama

B. Panuto: Kilalanin ang layunin at gamit ng teknikalbokasyunal na sulatin sa mga sumusunod na sitwasyon.

1. Pagsusuri sa specifications ng laptop A at laptop B bago bumili ng bagong gamit.


A.Magpabatid C. Magmungkahi
B. Magturo D. ManghikayatManghikayat
2. Paglalahad ng mga katibayan sa kahusayan ng isang sasakyan.
A. Magpabatid C. Magturo
B. Magmungkahi D. Manghikayat
3. Pagpapakilala ng sarili at paglalahad ng mga kahusayan sa pagluluto ng iba’t ibang putahe.
A. Magpabatid C. Magturo
B. Magmungkahi D. Manghikayat
4. Inilahad sa mga kinauukulan ang paraan ng pagtuturo sa panahon ng pandemya.
A. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento
B. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon
C. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag
D. Lahat ay tama
5. Binasa ang sukat na kakailanganin sa pagtimpla ng gamot sa baga.
A. Sulating Teknikal sa Paglalahad ng Argumento
B. Sulating Teknikal sa Paggabay ng Direksyon
C. Sulating Teknikal sa Pagpapaliwanag
D. Lahat ay tama

PAGSUSULIT III

A. Panuto: Suriin ang mga pahayag.

1.Alin sa mga sumusunod ang ISA sa mga pangunahing katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin?
A.May obhektibong pagtingin B. May kababalaghan
C. May damdamin D. May kasiyahan
2. Alin dito ang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. Flyers B. Babala
C. Manwal D. Lahat ng nabanggit
3. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa lipunang kinabibilingan ng target na gagamit ng teknikalbokasyonal na gagamit?
A. Hanapbuhay B. Edukasyon
C. Lipunan D. Interes
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa teknikalbokasyunal na sulatin?
A. Menu ng pagkain B. Maikling kwento
C. Naratibong ulat D. Anunsyo
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa katangian ng teknikalbokasyunal na sulatin?
A. May katiyakan B. May katumpakan
C. May pinapanigan D. May maayos na gramatika
B. Suriin ang mga pahayag.

1.Alin sa mga sumusunod ang ISA sa mga pangunahing katangian ng teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. May kasiyahan B. May damdamin
C. May katumpakan D. May kababalaghan
2.Alin dito ang anyo ng teknikal-bokasyunal na sulatin?
A. Balita B. Talambuhay
C. Liham pangnegosyo D. Lahat ng nabang
3. Alin sa mga ito ang tumutukoy sa pinagkakakitaan ng target na gagamit ng teknikal-bokasyonal na gagamit?
A. Hanapbuhay B. Kasanayan
C. Edukasyon D. Lipunan
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa teknikalbokasyunal na sulatin?
A. Nobela B. Anunsyo
C. Menu ng pagkain D. Walang sa mga nabanggit
5. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa katangian ng teknikalbokasyunal na sulatin?
A. May angkop na terminolohiya B. May katumpakan
C. May pinapanigan D. May katiyakan

PAGSUSULAT IV
A. Panuto: Suriin ang mga pahayag.

1. Sa pagsulat ng manwal, sino ang dapat isaalang-alang?


A. Manunulat B. Awdiyens
C. Kritiko D. Guro
2. Ang manwal kailangang may kaakit-akit na…
A. Wika B. Pamagat
C. Disenyo D. Larawan
3. Ang wikang ginagamit sa pagsulat ng manwal ay…
A. Pormal B. Di-Pormal
C. Kaakit-akit D. Matalinghaga
4. Ang pamagat ng manwal ay kailangang…
A. Sumasagot sa tanong na tungkol saan ang manwal?.
B. Makatawag pansin.
C. Maikli at Payak
D. Hindi Maligoy
5. Katangian ng isang manwal?
A. Payak, maiksi at tiyak ang mga pangungusap
B. Madaling maunawaan ang panuto
C. Madaling basahin
D. Lahat ng nabanggit

B. Panuto: Basahin at sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Ano ang katangiang dapat na taglay ng pamagat ng manwal?


A. Sumasagot sa tanong na, “Tungkol saan ang manwal?”
B. Makatawag pansin.
C. Maikli at Payak
D. Hindi Maligoy
2. Ano itong katangian ng isang manwal?
A. Payak, maiksi at tiyak ang mga pangungusap
B. Madaling maunawaan ang panuto
C. Madaling basahin
D. Lahat ng nabanggit
3. Sa pagsulat ng manwal, sino ang dapat isaalang-alang?
A. Manunulat B. Awdiyens
C. Kritiko D. Guro
4. Alin ang kailangang maging kaakit-akit sa manwal?
A. Pamagat B. Disenyo
C. Larawan D. Wika
5. Anong katangian ng wika na dapat gamitin sa pagsulat ng manwal?
A. Pormal B. Di-Pormal
C. Kaakit-akit D. Matalinghaga

PAGSUSULIT V
A. Panuto: Panuto: Suriin ang mga pahayag.
1. Ito ay liham na tumutukoy sa pakikipag-ugnayang pasulat na may layuning pag-usapan ang kapakanan ng kliyente at
kumpanya.
A. liham ng pagbati B. liham ng pag-ibig
C. liham pangnegoyo D. liham pangkaibigan

2. Bahagi ng liham na nalalaman sa pagdadalhan ng liham.


A. Katawan B. Pamuhatan
C. Patunguhan D. Bating Pambungad
3. Bahagi ng liham na nagsasaad ng mensahe ng sumulat.
A. Lagda B. Katawan
C. Bating pambungad D. Pamitagang Wakas
4. Bahagi ng liham na naglalaman ng pinagmulan ng liham.
A. Lagda B. Pamuhatan
C. Bating pambungad D. Pamitagang wakas
5. Bahagi ng liham na nagpapahayag ng magalang na pagkilala sa pinadalhan nito.
A. Lagda B. Pagkilala
C. Pamitagang wakas D. Bating pambungad
B. Panuto: Panuto: Suriin ang mga pahayag.

1. Tapos ka na ng Baitang 12. Nais mong magtrabaho habang bakasyon at nais mo ring magamit ang pagsasanay na
natutuhan mo sa iyong strand mula sa Work Immersion. May isang kumpanyang inirekomenda sa iyo na
nangangailangan ng tulad mo, anong anyong pasulat na paraan ng pakikipag-ugnayan ang dapat mon
A. Liham ng Pagbati
B. Liham ng Pagkumpirma
C. Liham na Pangnegosyo
D. Liham ng Pagkumusta
2. Hindi kumpleto ang impormasyon ng lugar na padadalhan mo ng liham ng pag-order ng spare parts ng kotse. Anong
bahagi ng liham ang naglalaman ng impormasyong ito?
A. Bating Pambungad
B. Patunguhan
C. Pamuhatan
D. Katawan
3. Hindi naipabatid sa iyo ng iyong kaklase ang mga detalye ng mensahe ng kumpanyang inorderan ninyo ng sangkap
para sa inyong lulutuing putahe para sa catering ng “Teachers’ Day” sa inyong paaralan, anong bahagi ng liham ang
babasahin mo?
A. Bating pambungad
B. Pamitagang Wakas
C. Katawan
D. Lagda
4. Nais mong alamin ang lokasyon ng kumpanyang humiling ng Career orientation sa inyong paaralan. Hawak mo ngayon
ang liham nila na hiniram mo sa iyong guro, anong bahagi ng liham ang babasahin mo?
A. Lagda
B. Pamuhatan
C. Pamitagang wakas
D. Bating Pambungad
5. May kawikaan na, “Sa pananalita ng tao, masusukat rin ang bahagi ng pagkatao nito.” Ito ay isa sa mahahalagang
konsiderasyon sa anumang usaping pakikipagkalakalan. Sa anong bahagi ng liham pangnegosyo, naipapahayag ang
magalang na pagkilala sa pinadalhan nito.
A. Bating pambungad
B. Pamitagang wakas
C. Pagkilala
D. Lagda
C. PANUTO: Punan ang patlang upang maibigay ang hinihingi sa bawat pahayag.

1. Tinatawag na ____________ ang isang uri ng babasahing naglalahad ng iba’t ibang impormasyon katulad ng mga
alituntunin, paraan ng paggamit, proseso, at iba pang detalye hinggil sa isang paksa na nagsisilbing gabay sa mga
mambabasa.
2. Sa pamamagitan ng ________________, nabibigyang-ideya ang mga mambabasa ng inisyal na pagtingin sa kabuuang
nilalaman ng isang manwal.
3. Hindi nalalayo sa isang manwal ang isang _______________. Isang halimbawa nito ang hinggil sa mga benepisyo ng
mga manggagawa. 4. Maaaring maglagay ng ______________ sa huling bahagi ng manwal kung saan nakalagay ang iba
pang impormasyong gustong idagdag na maaaring balikan ng mga gumagamit nito.
5. _______________ ang paggamit ng wika sa mga manwal upang malinaw na maihatid ang mga impormasyong
nakasulat dito.

School: SHS in San Nicholas III, Bacoor City


Address: Garnet St. Green Valley, San Nicolas III, City of Bacoor, Cavite
Telephone No: (046) 683 0607
Email: 342600@deped.gov.ph

You might also like