You are on page 1of 2

IKALAWANG LAGUMANG PAGSUSULIT

FILIPINO SA PILING LARANG – 12

I. Panuto:Isulat ang titik ng pinakatamang kasagutan. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang liham pangnegosyo binubuo ng mga bahagi. Ilan ang bahagi nito?
a. 5 c. 7
b. 6 d. 8
2. Gusto ni Vince na maiparating sa Airline Company ang pagnanais niyang mapabilang sa
mga empleyado nito bilang isang piloto. Alin sa sumusunod na uri ng liham pang negosyo ang
nararapat niyang gawin?
a. Liham Aplikasyon c. Liham Pagpapakilala
b. Liham Nag-aanyaya d. Liham Subskripsyon
3. Nais mong magkaroon ng programa na maaaring makatulong sa mga kababaryo mo sa
kinahaharap na pandemya. Nabuo mo na ang mga detalye ng programa, ngunit nais mong
makasigurado sa mga hakbang na isasagawa mo. Anong uri ng Liham Pangnegosyo ang iyong
gagawin?
a. Liham sa Aplikasyon c. Liham Pahintulot
b. Liham Nag-aanyaya d. Liham Paumanhin
4. Mayroong bahagi ng Liham Pangnegosyo kung saan matatagpuan ang pangalan ng sumulat.
Ano ito?
a. Bating Pangwakas c. Pamuhatan
b. Lagda d. Patunguhan
5. Alin sa sumusunod ang bahagi ng Liham pangnegosyo ang hindi matatagpuan sa Liham
Pangkaibigan?
a. Bating Panimula c. Lagda
b. Katawan ng Liham d. Patunguhan
6. Nais kong bumili ng limampung kahon ng Personal Protective Equipment o PPE sa mas
murang halaga. Alin sa sumusunod na liham ang mas angkop na gawin?
a. Liham Aplikasyon c. Liham Pamimili
b. Liham Kahilingan d. Liham Subskripsyon
7. Alin sa sumusunod na katangian ang nararapat taglayin ng isang Liham Pangnegosyo?
a. maligoy c. pormal
b. mahaba d. di-pormal
8. Isa sa mahusay na katangian ng Liham Pangnegosyo ay may sapat na impormasyon na
kinakailangan sa paghahatid ng layunin sa pagsulat ng liham. Ano ang katangiang ito?
a. buong kaisipan c. malinaw
b. Kombersasyunal d. wasto
9. Alin sa sumusunod na hindi nararapat ilakip sa pagbuo ng Liham Aplikasyon?
a. natapos na kurso c. paaralang pinanggalingan
b. natatanging galling d. pamilyang pinagmulan
10. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang hindi maaaring gumamit ng Liham Pangnegosyo?
a. Pag-aalok ng produkto c. Pagpapadala ng karaingan sa pamahalaan
b. Pag-aaplay ng Iskolar d. Pagpapabatid ng kasabikan sap ag-uwi ng ama galling
ibang bansa.

II. Panuto: Tukuyin ang pormat at partikular na pananda ng Liham Pangnegosyo. Titik lamang
ang isulat sa sagutang papel

_______11. Ang lahat


ng bahagi ng Liham
a. Ganap na Blak b. Di-ganap na Blak c. Modifayd
Blak
d. Kuwit e. Tutuldok f. Tuldok-Kuwit
Pangnegosyo ay nakalinya sa kaliwa.

_______12. Ang lahat ng bahagi ng Liham Pangnegosyo ay nakalinya sa kaliwa maliban sa


pamuhatan.
_______13. Ang lahat ng bahagi ng Liham Pangnegosyo ay nakalinya sa kaliwa maliban sa
pamuhatan, bating pangwakas at lagda.

_______14. Panandang ginagamit sa bating-panimula na bahagi ng Liham Pangnegosyo

_______15. Ang panandang ginagamit sa bating-pangwakas na bahagi ng Liham Pangnegosyo

III. Panuto: Sa iyong sagutang papel isulat ang iyong kasagutan sa sumusunod na
katanungan.

(5 PUNTOS BAWAT ISA )

1. Ano ang Liham Pangnegosyo?

2. Magtala ng limang sitwasyon na kailangang gamitan ng Liham Pangnegosyo


2.1. ____________________________________________
2.2. ____________________________________________
2.3. ____________________________________________
2.4. ____________________________________________
2.5. ____________________________________________

IV. Panuto: Tukuyin ang mga uri ng Liham Pangnegosyo ang angkop na gamitin sa
sumusunod na sitwasyon.

1. Naghahangad ng mas mataas na posisyon ang ama ni Covi. Nais niyang makausap ang
kaniyang boss hinggil dito.

2. Nais mong mag-subscibe sa bagong Telecommunication Company.

3. Mayroon kayong bagong produkto na ninanais na mailabas sa mercado. Magpapadala ka


ng liham sa tanggapan ng kilalang supermarket.

4. Gusto mong maghanap ng mas magandang trabaho na may mas maayos na suweldo. Kaya
napagpasyahan mong magbitiw sa iyong kasalukuyang trabaho.

5. Nais mong ipaalam ang maling nilalaman ng aklat sa may akda

Panuto: Punan ang pahayag sa pamamagitan ng K-W-L hinggil sa Liham Pangnegosyo.

1. Know (Dati nang kaalaman): Alam ko na ang Liham Pang-negosyo ay


________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
2. Want (Gusto pang matutuhan bago ang aralin): Nais kong madagdagan ang aking
kaalaman sa Liham Pangnegosyo tulad ng__________________________________________
________________________________________________________________
3. Learned (Natutuhan matapos ang aralin): Natutuhan ko na ang Liham Pangnegosyo ay
______________________________________________________________________________________
____________________________________________________________.

You might also like