You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
Division of Nueva Ecija
BICOS NATIONAL HIGH SCHOOL
Bicos, Rizal, Nueva Ecija

MODYUL 3 IKA-5 LINGGO


GAWAIN 1
Panuto: Sumulat ka ng tungkol sa alinman sa sumusunod na teknikal
bokasyunal: Ilagay sa isang buong papel.
1. Manwal
2. Flyers o leaflets
3. Promo materials
4. Paunawa, babala at anunsyo
5. Menu ng pagkain
Sundin mo ang katangian at kalikasan ng mga teknikal bokasyunal. Ilagay
sa isang buong papel.
GAWAIN 2
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot. Piliin ang sagot sa loob ng
kahon. Ilagay sa isang buong papel.
1. Ang _____________ ay katangian at kalikasan ng manwal na nagsasaad
ng malawak ang nilalaman at may layuning maglahad at
magpaliwanag ng mga impormasyon hinggil sa isang paksa o bagay.
2. Pangalawa sa katangian at kalikasan ng manwal ang _____________ na
makikita sa talaan ng nilalaman at pormal ang wikang ginagamit.
3. ____________ isa sa katangian at kalikasan ng manwal upang maging
malinaw at
maliwanag ang paglalahad ng impormasyon.
4. Isa sa katangian at kalikasan ng flyers at leaflets ang _____________
sigurado ang mga impormasyon at may direktang patutunguhan ang
bawat salita.
5. _____________ ang pangalawang katangian at kalikasan ng flyers at
leaflets na walang mabulaklak na salitang ginagamit.
6. Ang panghuling bahagi ng katangian at kalikasan ng flyers at leaflets
ang ____________ upang lalong maging interesado ang mambabasa.
7. _____________ ang isa sa katangian at kalikasa ng promo material na
may paunang tanong para makuha ang interes.
8. May _____________ ang katangian at kalikasan ng promo material na
makulay ang sulat at disenyo
9. _____________ ang katangian at kalikasan ng promo material na may
mapaglarong salita.
10. ____________ ay katangian at kalikasan ng paunawa, babala at anunsyo,
paunawa na simple ang mga salitang gagamitin dahil dapat direktang sinabi
ang mga salita o pahayag.
11. Ang ____________ ay katangian at kalikasan ng paunawa, babala at anunso
na may infographics.
12. Minsa’y mayroon ding kaunting ____________ ang katangian at kalikasan ng
menu ng pagkain upang magkaroon ng ideya ang mga mambabasa tungkol
sa mga ito.
13. ____________ ng katangian at kalikasan ng menu ng pagkain sapagkat dito
nakasalalay ang kalalabasan ng lulutuin.
14. ____________ ang isa sa katangian at kalikasan ng menu ng pagkain na kung
saan bawat paglalahad sa bawat proseso ay masigurado ang tamang timpla.

* Tiyak na paglalahad
* May biswal na iba’t ibang hugis at disenyo
* Tiyak at malinaw
* May tanong at sagot
* Detalyado ang pagkakasulat
* May mapaglarong salita
* Paglalarawan
* Hindi Maligoy kontak at logo
* Direkta
* Paggamit ng imahe o simbolo
* May larawan o tsart
* Paggamit ng wika
* Nakaayos nang pabalangkas
* Interesado sa mambabasa
* Komprehensibo
* Makulay
* Apendise oi index
* May kontak at logo
15. Sadyang mahalaga ang ____________ ng mga sangkap at proseso ng pagluluto
na isang katangian at kalikasan ng menu ng pagkain.

Inihanda ni:

DESSARIE S. BUSOG
Guro sa Asignatura

Itinama ni: Naitala:

JOY C. MANANING LAARNI L. VILLAROSA,


PhD.
SHS Focal Person Punong Guro II

You might also like