You are on page 1of 11

EKONOMIKS

AT
PAMAMARAANG
SIYENTIPIKO
Ekonomiks – isang pag-aaral
kung papaano ang isang lipunan ay
tumutugon sa problema ng
kabuhayan at kaunlaran. Isang
pangunahing sangay ng agham
panlipunan.
At dahil idinagdag ang katagang agham, ang ekonomiks ay
gumagamit ng maayos at sistematikong pamamaraan ng pag-
aaral, pagsusuri, pagtitibay at pagsagot.

Ayon kay Milton Friedman (1953):

EKONOMIKS

Positibong Normatibong
Pagsusuri Pagsusuri

Naglalahad at naglalarawan Isang pagsusuri kung ano ang


karapat-dapat at kung papaano
kung paano ang isang lipunan patatakbuhin ang isang lipunan
ay nagpapatakbo ng isang ayon sa isang pamantayan at
sistemang pangkabuhayan. layuning panlipunan.
Ang dibisyon ng dalawang pamamaraang
ito ang siyang nagiging sanhi ng di
pagkakaunawaan ng mga ekonomista at
ibang manunuri ng lipunan. Kahit na
marami sa mga ekonomistang Pilipino ang
sinasanay sa pamamaraang positibo, (dahil
ito ay itinuturing na siyentipiko), hindi
maiiwasan ng mga ekonomistang ito na
gumamit ng normatibong pagsusuri sa
pagbibigay-payo at mga panukalang
pamamalakad.
Bilang isang agham panlipunan, ang
pangunahing problema sa ekonomiks ay
kung ano ang patitingkarin sa pamamaraan
ng pagsusuri at pag-aaral. Bibigyang diin
ba ang pagpapalawak ng kaalaman sa
pamamagitan ng paghihigpit, pagpapatibay
at pagpapalalim ng mga hakahaka at
teoriya? Kung sasagutin ang layuning ito,
ang maayos, makatuwiran, tiyak at
mahigpit ang mga haypotesis at panukalang
kasagutan sa mga problemang pinag-
aaralan.
Ngunit mayroon namang
nagtatanong kung ano ang kabuluhan
ng maayos, makatuwiran at mahigpit
na teoriya kung ito’y hindi
makatotohanan, di-praktikal at
walang direktang kaugnayan sa mga
pangunahing problema ng lipunan.
Ayon sa pananaw na ito dapat bigyan
diin yaong praktikal at makabuluhang
pagsusuri na lulutas sa problemang
pangkabuhayan.
Ang huling punto de bista ay
tinutuligsa rin ng kabilang panig sa
kawalan ng batayang teoritikal sa mga
panukalang pamamalakad na kanilang
itinataguyod. Kadalasan, ang sanhi ng
pagkabigo ng mga proyekto at
patakarang panlipunan ay ang kawalan
ng malalim na pagsusuri sa ugat ng
problema. Dito ay kailangan ang
malawakang kaalaman na may maayos,
mahigpit at makatuwirang teoriya.
Hindi pa tapos ang pagtatalong ito
ngunit sa aking palagay, dapat bigyan
diin ang bawat pananaw. Ang ekonomiks
ay para sa tao at para sagutin ang
problema ng kabuhayan. Magiging
makabuluhan lang ang ating mga
panukalang solusyon sa problemang
panlipunan kung ang mga ito ay batay sa
isang masusing pag-aaral at ito ay
matatamo lamang sa pamamagitan ng
pagpapaunlad ng kaalaman sa positibong
ekonomiks.
Isa pa ring problemang bumabalot sa ekonomiks
ay ang isyu ng kalayaan ng mga imbestigador sa
kanilang personal na paniniwala at pagpapahalaga.
Bilang isang agham, nararapat lamang na gumamit
ang ekonomiks ng obhektibo at siyentipikong
pamamaraan ng pagsusuri. Ngunit dahil tao ang
nag-aral at tao at lipunan ang pinag-aaralan,
mahirap ihiwalay ang mga personal na konsepto
tungkol sa huwarang tao at ideyal na lipunan sa
pamamaraan ng pananaliksik at panunuri ng isang
ekonomista o mag-aaral ng lipunan. Mayroon nga ba
talagang nakatagong pamantayang pagpapahalaga sa
bawat isipan ng mga siyentipikong lipunan? Kung
tayo’y sasang-ayon sa katanungang ito mahirap
tanggapin ang pagkasiyentipiko at obhektibo ng
ekonomiks.
Ang problemang ito ay siyang nag-
uudyok sa mga ekonomista upang
maging masigasig sa pagbubungkal ng
positibong pagsusuri nang maging
malaya ang ekonomiks sa mga
personal na pamantayang
pagpapahalaga at patingkarin ang
pagkasiyentipiko ng ekonomiks bilang
agham panlipunan.
SALAMAT SA
PAKIKINIG 

You might also like