You are on page 1of 1

"Bagong Kaibigan"

Ni: Bernard Umali


Ibinuod ni: Len Nyan Grace P. Batan

Ang Bagong Kaibigan na isinulat ni Bernard Umali ay tungkol sa isang batang naghahanap ng kanyang
bagong kaibigan. Mababatid ang kanyang determinasyong mahanap at matagpuan ang bago niyang kaibigan.
Sa bawat paglalakbay niya'y, ang tanging niyang iniisip ay ang matagpuan ang kanyang bagong kaibigan. Gayon
paman hindi ito naging madali sapagkat bawat lugar na kanyang napuntahan ay hindi niya parin natatagpuan
ang kanyang bagong kaibigan. Sa kabila mg lahat hindi siya tumigil na umasang sa huli ay matatagpuan niya
Ito, ngunit Kahit saan siya mapadpad, wala parin doon ang kanyang gustong mahanap, ang bago niyang
kaibigan.

Kung ito ay susuriing mabuti, ang maikling kuwento na Bagong Kaibigan ay hindi lamang nag papakita ng
isang kuwento, kung saan ang isang bata ay determinadong mahanap ang bago niyang kaibigan. Bagkus nag
papahiwaatig rin ito ng aral. Gaya ng bata, tayo rin ay naglalayun na nalang are makatagpo ng bagong
kaibigan, king saan pwedi nating masandalan at mapagkakatiwalan. Sa bawat lugar na kanyang
napuntahan,mayroong ibat-ibang hayop ang kanyang nakita. Ngunit Kahit na ang lahat ng iyon ay maganda at
nakakaaya, hindi parin siya nakakaramdam ng tunay na saya, sapagkat hindi siya nababagay sa mga lugar na
kanyang napuntahan at higit sa lahat wala doon ang kanyang gustong mahanap.

Sa huling parti ng maikling kuwento na pinamagatang, Bagong Kaibigan ang lahat ng iyon ay panaginip
lang pala ng bata, ang kanyang paglalakbay ay walang katutuhanan. Ang kanyang panaginip ay ibinahagi niya
sa kanyang ina, nakapulot raw siya ng isang papel na may nakasulat na, may matatagpuan siyang bagong
kaibigan at kinakailangan niyang mag lakbay upang matagpuan ito. Ngunit sa marami niyang paglalakbay, wala
siyang matagpuan na bagong kaibigan. Ngunit sinabihan siya ng kanyang ina matatagpuan niya ang kanyang
bagong kaibigan sa kanilang paaralan.

You might also like