You are on page 1of 89

ESP 2

QUARTER 2 WEEK 2 –
DAY 1
Pagpapakita ng
Pagkamagiliwin at
Pagkapalakaibigan
Balik-aral:

Ano ang mga ginawa ninyo noong


isang lingong bakasyon? Ano-ano
ang mga alituntunin sa inyong
tahanan?
Nagawa niyo ba ang mga
alituntunin na napag-aralan na
natin?
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay
makapagpapakita ng pagkamagiliwin
at pagkapalakaibigan na may
pagtitiwala sa mga kapitbahay,
kamag-anak, kamag-aral, panauhin o
bisita, bagong nakilala o taga-ibang
lugar.
Pagmasdan ang mga bata sa larawan sa
ibaba. Sila ba ay magigiliw at palakaibigan?
Pagtatalakay:

Katambal ng pagiging magiliwin at


palakaibigan ang pagkakaroon ng
tiwala sa kapwa. Mahalaga ito upang
maging maayos at mabuti ang
samahan ninyo sa isa’t isa kung
taglay ninyo ang mga katangiang ito.
Magiliw ka ba sa lahat lalo na sa
kapwa mo batà? Palakaibigan ka ba?
Meron ka bang maraming kaibigan?
Maayos at mabuti ba ang samahan
ninyong magkakaibigan o
magkakalaro?
Tukuyin ang mga magagandang
asal na ipinapakita sa mga
larawan. Buoin ang mga salita
sa ibaba nito. Isulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.
Pagiging M A __ I L I __ I N at P A
__ A K __ I B I___ A N. Tama! Ang
mga larawan ay tumutukoy sa
pagiging magiliwin at
palakaibigan sa kapwa.
Ano ang katangian ng
mabuting kaibigan at
pakikipagkapwa tao?
Paglalahat:

Ang pagiging magiliw o magiliwin ay


maraming mukha o kahulugan. Ito ay
maaaring tumutukoy sa pagiging mabait
sa kapwa, mapagbigay kanino man,
kaaya-aya ang pag-uugali, palakaibigan
o di kaya ay maayos makitungo.
Pagtataya:

Madalas ginagamit ito upang


ilarawan kung paano tayo
makitungo sa iba. Tayo ay
madalas makisalamuha sa ibang
tao o sa ating kapwa. Sino–sino ba
ang bumubuo sa salitang
“kapwa”?
Karagdagang Gawain:

Isulat ang katangian ng iyong


kaibigan at bakit mo ito
nagustuhan? Isulat ito sa iyong
kuwaderno .
ESP 2
QUARTER 2
WEEK 2– DAY 2
Pagpapakita ng
Pagkamagiliwin at
Pagkapalakaibigan
Balik-aral:

Tumayo kung tama ang pahayag at umupo


naman kung hindi.

1. Si Kate ay palakaibigan.
Balik-aral:

2. Si Jessa ay inaaway
lagi ang kanyang
nakababatang kapatid.
3. Si Arbie ay buo ang
kanyang tiwala sa
kanilang bagong
kapaitbahay.
4. Siya ay kinagigiliwan ng
ibang bata dahil sa
kanyang angking
kagandahang loob.
5. Si Kaye ay ayaw
niyang kausapin ang
bago nilang
kapitbahay.
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay
makapagpapakita ng pagkamagiliwin at
pagkapalakaibigan na may pagtitiwala sa
mga kapitbahay, kamag-anak, kamag-aral,
panauhin o bisita, bagong nakilala o taga-
ibang lugar.
Basahin ang maikling kuwento at
pagkatapos ay sagutin ang mga
tanong.

Ang Bago naming


Kapitbahay
Biyernes ng hapon, habang
masayang naglalaro sina Kardo,
Bugoy, Denisse, Elsa, at Melissa
sa harap ng kanilang bahay ay
may dumating na malaking trak.
Namangha sila sapagkat nang
buksan ang trak ay may mga lamáng
kagamitan at kasangkapan sa bahay.
Maya-maya, bumaba ang isang mag-
anak. Akay ang isang bátang babae
na halos kasing edad nila.
May bitbit itong laruan ngunit tila
malungkot. Sila ang mag-anak na
Reyes. Sila ang bagong lipat sa lugar
nina Kardo. Lumipat sila ng tírahan
mula Batangas dahil naapektuhan ang
kanilang kabuhayan mula nang
sumabog ang Bulkang Taal.
Kinabukasan, naglaro muli ang
magkakaibigan. Masayangmasaya sila at
nagtatawanan. Napansin ni Elsa na may
nagtatago at sumisilip sa likuran ng bakod.
Sinabihan niya ang kaniyang mga kaibigan
na puntahan nila para makipagkilala at
makipagkaibigan. Niyaya nila itong
makipaglaro.
Dahil sa pagiging magiliw sa panauhin
at pagiging palakaibigan ng
magkakaibigan ay madali nilang
nakapalagayan ng loob si Fey. Simula
noon, ang bátang si Fey ay naging
isang bátang masayahin.
Sagutin ang sumusunod na mga
katanungan batay sa kwento.
1. Sino ang bátang nakilala at naging
kaibigan nina Elsa at ng kaniyang mga
kaibigan?

A. Kardo
B. Fey
C. Denisse
D. Bugoy Ang Bago naming
Kapitbahay
2. Ano ang dahilan kung bakit
malungkot si Fey?

A. Ito ay dahil siya ay may sakit.


B. Ito ay dahil ayaw niya ang lugar.
C. Ito ay dahil wala siyang kaibigan.
D. Ito ay dahil malayo ang kaniyang
paaralan.
3. Ano ang ugali na ipinakita nina Kardo
kay Fey nang siya ay kanilang nilapitan?

A. pagiging masunurin
B. pagiging masipag
C. pagiging mapagbigay
D. pagiging palakaibigan
4. Tama ba na makipagkaibigan sa
mga bátang bagong lipat?

A.Opo, para hindi sila malungkot.


B.Siguro po.
C.Opo, hindi ko sila kilala.
D.Hindi ko po alam.
5. Tutularan mo ba ang ginawang
pakikipagkaibigan nina Elsa kay Fey?
A. Opo, upang magkaroon ng bagong
kaibigan.
B. B. Opo, upang makahiram ng mga
laruan.
C. C. Hindi po dahil may cellphone ako.
D. D. Hindi po dahil ayaw ko ng
kaibigang malungkutin.
Ikaw, tutularan mo ba ang
ipinakitang kagandahang–asal
tulad ng magkakaibigan sa
kuwento?
Masdang mabuti ang mga larawan.
Ang bawat larawan ay nagpapakita
ng pagkamagiliwin at
pagkapalakaibigan. Piliin sa kahon
ang letra ng uri ng kapwa na
tumutukoy sa larawan sa ibaba.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Sumulat ng maikling
kuwento tungkol sa
iyong kapitbahay.
ESP 2
QUARTER 2
WEEK 2 – DAY 3
Pagpapakita ng
Pagkamagiliwin at
Pagkapalakaibigan
Isulat ang Tama kung ang
pahayag ay tama at Mali naman
kung hindi.

1.Huwag kausapin ang bagong


lipat na kapitbahay.
2. Huwag makipaglaro sa
nakababatang kapitbahay.
3. Maging magiliw sa bagong
kakilala.
4. Palakaibigan ang batang si Mao
kaya siya ay kinagigiliwan ng lahat.
5. Huwag tulungan ang kapitbahay
na nangangailangan.
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay
makapagpapakita ng
pagkamagiliwin at
pagkapalakaibigan na may
pagtitiwala sa mga kapitbahay,
kamag-anak, kamag-aral, panauhin
o bisita, bagong nakilala o taga-ibang
lugar.
Balikan ang kuwentong:
Ang Bago naming Kapitbahay

1.Naging masigla at masayahin na


ba si Fey?
2. Kung kayo ang tatanungin?
Ganun din ba ang inyong gagawin sa
bagong lipat ninyong kapitbahay?
3. Ano kaya ang mararamdaman mo
kapag mayroon kang napasayang
batang katulad mo?
4. Kinagigiliwan ka ba kung ikaw ay
maraming kaibigan?
5. Ano ang mga taglay ng isang
batang maraming kaibigan?
Kulayan ng pula ang hugis bilog kung ang
gawain ay nagpapakita ng pagiging magiliw at
pagkapalakaibigan. Kulay berde naman ang
ikulay kung hindi.
Kulayan ng pula ang hugis bilog kung ang
gawain ay nagpapakita ng pagiging magiliw at
pagkapalakaibigan. Kulay berde naman ang
ikulay kung hindi.
Lagyan ng tsek (✓) kung gaano
mo kadalas ginagawa ang mga
gawain sa ibaba. Gawin ito sa
iyong kuwaderno.
Batay sa isinagawang pagsagot sa
tseklis, ano ang iyong gagawin sa
mga bagay na madalas mo nang
gawin, minsan mo lámang gawin
at hindi mo ginagawa?
Nalaman mo na nasunugan pala
ang inyong matalik na kaibigan at
wala silang naisalbang mga gamit.
Ano ang dapat mong ibigay para
matulungan siya?
Ano ang mga taglay na paguugali ng isang
mabuting kaibigan?
Tukuyin ang mga katangian na
nagpapakita ng pagkamagiliwin
at pagkapalakaibigan. Isulat ang
letra ng tamang sagot sa iyong
ságútang papel.
1. Dumating ang iyong kamag-anak galing
probinsiya. Mamamalagi sila ng iláng araw
sa inyong bahay. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ko sila papansinin.
B. Batiin sila nang maayos at patuluyin.
C. Magkunwaring masaya ako sa pagdating
nila.
D. Ipapakita ko na hindi ako masaya sa
pagdating nila.
2. May bago kayong kamag-aral. Gáling
siya sa malayong bayan. Madalas siya ay
malungkot sapagkat wala pa siyang
kakilala. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hayaan na lámang siya.
B. Batiin at kaibiganin siya.
C. Huwag siyang pansinin.
D. Sabihan na huwag na lámang siyang
pumasok.
3. Pauwi na si Erwin nang may
nakasalubong siyang taga-ibang bayan na
nagtatanong. Paano niya ito
pakikitunguhan?

A. Huwag itong kausapin.


B. Kausapin nang may pagyayabang.
C. Umiling lámang kapag kinakausap.
D. Magiliw na kausapin nang may
paggalang.
4. Kapitbahay ninyo ang mag-anak na
Cruz. Madalas siláng kapusin sa budget.
Ano ang maaari mong gawin?
A. Kausapin ang mga magulang mo na
tulungan sila.
B. Ikuwento at pag-usapan ninyong
magkakaibigan.
C. Pagtawanan sila.
D. Kutyain sila.
5. Napansin mo ang isang matanda na
nahihirapang tumawid sa kalsada. Ano
ang gagawin mo?
A. Panoorin lámang kung paano
makakatawid ang matanda.
B. Magiliw na tulungang tumawid ang
matanda.
C. Sigawan ang matanda at takutin ito.
D. Pagtawanan ang matanda.
Karagdagang Gawain:
Buoin mo ang mahalagang kaisipan sa
ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Ang pagiging __________ sa kapwa,
mapagbigay kanino man, pagkakaraon
ng ______________ pag-uugali, at
pagkakaroon ng maayos na pakikitungo
sa lahat ng oras ay inaasahan sa isang
_____________ katulad mo.
ESP 2
QUARTER 2
WEEK 2 – DAY 4
Pagpapakita ng
Pagkamagiliwin at
Pagkapalakaibigan
Isulat ang TAMA kung ang sitwasyon ay
nagpapahayag ng pagkamagiliwin at
pagiging palakaibigan at MALI naman
kung hindi. Gawin ito sa iyong ságútang
papel.
_____1. Luis, lumayas ka nga diyan!
_____2. Magandang umaga, mga
kaibigan.
_____3. Magandang araw din po,
tuloy po kayo!
_____4. Natutuwa ako sa inyong
pagdating, Tiya Elaine.
_____5. Narito ang sobra kong
pagkain Philip, kunin mo.
Sa araling ito, inaasahang ikaw ay
makapagpapakita ng pagkamagiliwin
at pagkapalakaibigan na may
pagtitiwala sa mga kapitbahay,
kamag-anak, kamag-aral, panauhin o
bisita, bagong nakilala o taga-ibang
lugar.
Tingnan ang mga larawan. Ano ang
ginagawa ng mga tao sa larawan?
Sa mga larawang inyong nakita,
minsan ay mayroon tayong
ganitong mga kapitbahay, kamag-
aral at kamag-anak. Sila ay ating
nakakasalamuha sa araw-araw.
1.Ano ang inyong mararamdaman
kung nakakasalamuha mo sila?

2.Ano ang inyong gagawin? Bakit?

3. Mayroon ka bang maitutulong sa


kanila?
Paano?
Dapat nating ipakita sa ating mga
kapitbahay, kamag-anak, kamag-
aral ang pagiging magiliw at
palakaibigan ng may pagtitiwala.
Ipadama natin na sila ay ating
mahal. Nadarama at nauunawaan
natin ang kanilang damdamin.
Basahin at unawain ang mga
sumusunod na pahayag at
sagutin mo ito ayon sa iyong
nararamdaman.
1.Ako si Lala. May kapitbahay ako na
ang pangalan ay Myla. Kaklase ko rin
siya. Pumapasok siya sa paaralan kahit
walang baon. Butas na ang kanyang
tsinelas at luma na ang kanyang damit.
Minsan naglalaro ako ng manika nang
dumaan si Myla.
Tanong: Ano ang dapat kong gawin?
Bakit?
2. Ang batang nasa binatana ay si
Michael. Ito naman ang kuwento niya.
Isang araw, mayroong dumating na
bisita ang aking ama. Sila ang mag-anak
ni Tiyo Rudy, malayo naming kamag-
anak na nakatira sa Maynila. Ngunit
wala ang aking ama.
Tanong: Kung ikaw si Michael, ano ang
dapatmong gawin?
3. Si Joseph ay aking kapitbahay.
Tuwing Sabado ay at Linggo,
sumasama siya sa kanyang ama sa
pagbobote. Tanging ito lang ang
ikinabubuhay ng kanilang mag-anak.
Isang araw hindi nagbobote ang mag-
ama dahil nagkasakit.
si Mang Dino, ang ama ni Joseph.
Nakita kong nakahawak si Joseph
sa kanyang tiyan at nakaupo sa
labas ng kanilang bahay.
Tanong: Ano ang gagawin mo
kung ikaw ang nakakita kay
Joseph?
Limang paraan kung paano dapat
itrato ang inyong mga
kapitbahay.

1. Respeto
2. Pagmamahal
3. Pagbibigayan
4. Matulungin
5. Maawain
Sagutin ng buong puso ang mga sitwasyong ito.

1.Kapitbahay niyo ang magkapatid na si


Pepe at Pilar. Tuwing hapon ay lagi silang
nakasilip sa inyong bintana dahil
nakikipanood sila ng T.V. Wala silang
kuryente sa kanilang bahay. Ano ang dapat
mong gawin?
2. Dumating ang inyong kamag-
anak na nasalanta ng bagyo. Wla
silang matutuluyan dahil nasira
ang kanilang bahay. Ano ang dapat
mong gawin?
Ang pinsan mong si Andrei ay
nakatira sa malapit sa ilog. Umulan
ng napakalakas at nasalanta sila ng
baha. Wala silang naisalbang mga
kagamitan dahil hindi nila akalaing
ganyan kalakas ang ulan na dumating
sa kanilang lugar. Ano ang dapat
mong gawin?
Buoin mo ang mahalagang kaisipan sa ibaba.
Gawin ito sa iyong kuwaderno. Ang pagiging
__________ sa kapwa, mapagbigay kanino
man, pagkakaraon ng ______________ pag-
uugali, at pagkakaroon ng maayos na
pakikitungo sa lahat ng oras ay inaasahan sa
isang _____________ katulad mo.
Masdan ang mga larawan at bilugan
kung ito ay nagpapakita ng
pagkamagiliwin o palakaibigan sa
kapwa.
Sa gabay ng iyong magulang, gumuhit ng
isang larawan o comic strip na
magpapaliwanag sa #hashtag na nakasulat
sa ibaba. Pumili lámang ng isa. Gawin ito sa
iyong ságútang papel.
ESP 2
QUARTER 2
WEEK 2 – DAY 5
Weekly Test

You might also like