You are on page 1of 5

LAKBAY SANAYSAY

Ang lakbay sanaysay ay tumutukoy sa sanaysay kung saan ang ideya ay


nanggagaling sa mga lugar na pinuntahan o nilakbayan. Ito ay
naglalarawan ng damdamin ng isang tao patungkol sa mga naranasan at
natuklasan niya sa isang lugar. Bukod sa lugar, inilalahad din dito ang
mga tradisyon, kultura, hanapbuhay at uri ng mga tao. Sa Ingles, ito ay
kilala bilang travel essay.
• MGA LAYUNIN NG LAKBAY SANAYSAY
• 1) Makapagbuo ng konkretong ideya ng lugar na pinuntahan sa mambabasa;
• 2) Makapagbigay ng tamang impormasyon ukol sa transportasyon o paraan
upang makaabot sa lugar nang ligtas.
• 3) Makapagpahiwatig ng mga espiritwal na karanasang nadama habang
naglalakbay sa lugar na tinutukoy; at
• 4) Makapagpakita ng ebidensiya o magagandang litrato o bidyo ng lugar at
maitala nang tama ang kasaysayan at kultura ng lugar sa pamamagitan ng
pagtanong sa mga lokal na mamamayan ng lugar.
MGA KATANGIAN NG LAKBAY SANAYSAY

1.) Hinihikayat ang mga manlalakbay upang puntahan ang isang


nasabing lugar.

2.)Naglalahad ng mga mahahalagang impormasyon bilang


patnubay o guide sa pagpunta sa isang lugar.
Mga dahilan sa pagsulat ng lakbay sanaysay

1. Itaguyod ang isang lugar at kumita sa pagsusulat

2.makalikha ng patnubay para sa posibleng manlalakbay

3.Pagtatala sa pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng


espirituwalidad, paghihilom o kaya’y pagtuklas sa sarili

• 4. Maidokumento ang kasaysayan

You might also like