You are on page 1of 20

Pagsulat ng

Lakbay-Sanaysay
Ang paglalakbay at pagbabago ng kapaligiran
ay nagbibigay ng bagong sigla sa isip.
- Seneca
A. ANG PAGLALAKBAY AT ANG
PAGSULAT
TRAVELOGUE
- maaaring dokumentaryo, pelikula, palabas
sa telebisyon o ano mang bahagi ng panitikan
na nagpapakita at nagdodokumento ng iba't
ibang lugar na binibisita at mga karanasan
dito.
Ang layunin ng pagsulat tungkol sa
paglalakbay ay makapagbigay ng malalim na
insight at kakaibang anggulo tungkol sa isang
destinasyon.
Payo kung paanong epektibong
makapagsusulat habang naglalakbay
(Dinty Moore, 2013)
1. Magsaliksik
Unawain ang kasaysayan, ekonomiya,
kultura, agrikultura, pagkain, relihiyon, at
mga paniniwala ng isang lugar.
2. Mag-isip nang labas pa sa ordinaryo.
Kailangan mong magkwento ng
karanasan, humanap ng malalim na
kahulugan at mailarawan ang lahat ng ito
sa malikhaing paraan.
3. Maging isang manunulat.
makabubuti ang pagkuha ng larawan at
mga tala sa mga bagay na naobserbahan
at naririnig mo.
B. MGA GABAY SA PAGSULAT NG
LAKBAY-SANAYSAY
Gabay sa pagpili ng paksa at pagsulat
ng Lakbay-Sanaysay
(Dinty Moore, 2013)
1. Hindi kailangang pumunta sa ibang
bansa o malayong lugar upang
makahanap ng paksang isusulat.
2. Huwag piliting pasyalan ang
napakaraming lugar sa iilang araw
lamang.
3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa
iyong sanaysay.
4. Huwag magpakupot sa mga normal na
atraksyon at pasyalan.
5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo
at puno ng kaligayahan.
6. Alamin mo ang mga natatanging
pagkain na sa lugar lamang na binisita
matitikman at pag-aralang lutuin ito.
7. Sa halip na mga popular at malalaking
katedral, bisitahin ang maliliit na pook-
sambahan ng mga taong hindi gaanong
napupuntahan at isulat ang kapayakan
ng pananampalataya rito.
8. Isulat ang karanasan at personal na
repleksyon sa paglalakbay.

You might also like