partikular na paksa ang ibinida nito. 2. Ano-anong aspekto at katangian ng lugar ang pinalutang sa dokumentaryo? 3. Batay sa natutunan sa aralin, epektibo ba para sa inyo ang paglalarawan at pagkukwento ng karanasan sa lugar? Pangatwiranan. 4. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maglakbay sa anomag lugar, pipiliin mo ba ang lugar na ibinida sa dokumentaryo? Ipaliwanag ang inyong sagot. ANG PAGLALAKBAY AT ANG PAGSULAT TALAKAYIN NATIN
Ang paglalakbay at pagbabago
ng kapaligiran ay nagbibigay ng bagong sigla sa isip, ayon kay Seneca. NAGBIGAY SI DINTY MOORE NG MGA PAYO KUNG PAANONG EPEKTIBONG NAKAPAGSUSULAT HABANG NAGLALAKBAY •Magsaliksik •Mag-isip ng labas sa ordinaryo •Maging isang manunulat MGA GABAY SA PAGSULAT NG LAKBAY SANAYSAY 1. Hindi kailangang pumunta sa ibang bansa o malayong lugar upang makahanap ng paksang isusulat. 2. Huwag piliting pasyalan ang napakaraming lugar sa iilang araw lamang. 3. Ipakita ang kwentong-buhay ng tao sa iyong sanaysay. 4. Huwag magpakupot sa mga normal na atraksyon at pasyalan. 5. Hindi lahat ng paglalakbay ay positibo at puno ng kaligayahan. 6. Alamin mo ang mga natatanging pagkain na sa lugar lamang na binisita matitikman at pag-aralang lutuin ito. 7. Sa halip na mga popular at malalaking katedral, bisitahin ang maliliit na pook- sambahan ng mga taong hindi gaanong napupuntahan at isulat ang kapayakan ng pananampalataya rito. 8. Isulat ang karanasan at personal na repleksyon sa paglalakbay.