You are on page 1of 3

Pusong Walang Pag-ibig

Ni: Roman Reyes


Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak
niyangsiyang si Loleng. Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang
mamatay at mapapalagay lamang siya kung mayroong lalaking makakasama ang
kanyang anak habangbuhay. Napili niTandang Tikong si Ikeng na dating tenyente
at ngayon ay wala pang trabaho. Wala namangmagawa si Loleng dahil iyon ang
kagustuhan ng kanyang ama. Bagama't napupusuan niya siTone na lagi niyang
nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba.
Dumating isang gabi si Ikeng at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong
at nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit naisip ni Ikeng na tila
napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may mga dalaga pa siyang
sinusuyo tulad nina Isiang, Beheng at Gunday.
Nagkausap-usap ang mga binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila
hinahayaan na ang isang dayo ang siya pangmanliligaw sa dalagang katutubo sa
kanilang nayon? Dahil dito ay kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit sa
isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na walasiyang
magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa
panunuyo kay Isiang, Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago
dahil sa pagtangay sa kanyanganak na si Isiang matapos tangkaing itanan ni
Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at kung
hindi kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi
sumusuko si Kabesang Tiago dahil kung walang magagawa ang kinauukulanay
siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para makaiwas
sa gulo aynaisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni
Tenyente Pedro ang mag-amang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at
Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon dahil wala na talagang ibang
paraan bagama't dalawang buwan na ang lumipas. Natuloyang kasal at nangako
si Ikeng kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging maganda sa
umpisa ang pagsasama ng bagong kasal ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na

namansi Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang Tikong


kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi
ang kanyang ama. Naging palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa manganak
si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging anak nila at
pinangalanang "Elisa", at "Nene" ang naging palayaw. Unti-unting naubos ang
pamana ni Matandang Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng.
Kahit damit ay hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan ay wala man lang bigas
na maisasaing kaya naging kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si
Loleng na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang
mamatay sa gutom.
Nagkaroon ng mga usap-usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa
Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa Rebolusyon kaya sila ay
pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon
ang kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa't anak. Natapos ang
himagsikan at tinalo ng mga Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili
na ang Pilipinas ay inako lamang ng mga Amerikano sa Kastila ang
kapangyarihan.
Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhanang mga tao. Nahiwalay si Loleng
kay Nene kaya't siya'y muntikan nang mabaliw sa kakahanap samantalang
inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang ama na si Kabesang Bino at
itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap
si Nene saMaynila.
Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan
habang abala sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera
ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog. Maging si Nene ay hinahanap na
rin ang kanyang ina.
Habang tila mababaliw na sa kakahanap ay napagtanungan ni Loleng si G.
Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay
matanda na dahil sa itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at
ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak niyang si Neneng. Sa wakas ay

nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling
Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang
panahon. Pumayag pa nga sila na mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si
Loleng para makapagbenta ng bibingka.
Unti-unting guminhawa ang buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa
barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at Ikeng ang isa't isa.
Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay
Beheng. Nais ni Ikeng na makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan
sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas ang lugar nina Loleng at Nene
ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na awtomobil si
Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo.
Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng kapatawaran at
inamin na napakalaki ng pagkukulangniya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga
ni Ikeng at siya'y tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng,
ang "pusong walang pag-ibig".

You might also like