Professional Documents
Culture Documents
it’s beyond 24/7. Kung talagang dedicated ka, you have to put so much time
and, as I said, ang importante po diyan, of course, ginagawa mo yung tama sa
laro, ang decorum mo sa labas, at yung responsibilidad mo sa mga nanonood
sa ‘yo. Wala pong sikreto. Ang sikreto lang ay ibigay mo ang lahat ng
kakayahan mo sa ensayo…" says legendary basketball superstar Ro
Isang taon pagkatapos ng huli niyang laro sa PBA, tumakbo at nanalong senador si
Robert Jaworski noong 1998.
Tumakbo siya for re-election noong 2004 ngunit sa pagkakataong ito ay hindi siya
pinalad na manalo.
Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang dating senador kung ano
ang mga pinagkakaabalahan niya pagkatapos ng PBA at Senado.
“Of course, alam mo, napabayaan natin yung kabuhayan natin, e, sa pagmamahal
natin sa trabaho, sa Senado.
“So, inasikaso ko naman at sa awa ng diyos, e, things are starting to move. I have
some personal matters that I also attended to.
“Siguro po kung titingnan ang trabaho natin do’n ay may konsuwelo din po tayo, lalo
yung mga bumoto sa akin, dahil marami po tayong nagampanan…”
Ibig bang sabihin nito ay tatanggihan niya kung sakaling alukin siya upang tumakbo
muli bilang senador?
“Ang pinakamahirap sa tao, nagsasalita nang tapos. Kasi po hindi natin alam ang
bukas.
“At kung hindi lang po maraming mangkukulam ay siguro mas marami tayong
nagawa,” makahulugan niyang sabi.
“Alam mo, nung nag-umpisa kang maglaro, ang nanonood sa ‘yo ay yun lang ligaw
na aso.
“Kagaya nga po ng sinasabi ko, yung sports hindi lang dahil nag-shoot, e. Paano sila
nakaka-shoot, paano sila nakakatakbo.
"They would have to give it back, particularly, first and foremost, to the sponsoring
companies that could have channeled all these resources to other media means.
“Ang importante po yung mga manonood, ibigay natin sa kanila yung para sa kanila.”
“Hindi po madali na tahakin ang pagiging manlalaro dahil napakarami pong… it’s
beyond 24/7.
“Kung talagang dedicated ka, you have to put so much time and, as I said, ang
importante po diyan, of course, ginagawa mo yung tama sa laro, ang decorum mo sa
labas, at yung responsibilidad mo sa mga nanonood sa ‘yo.
“Wala pong sikreto. Ang sikreto lang ay ibigay mo ang lahat ng kakayahan mo sa
ensayo…
“Hindi lang po ito sa manlalaro, ito’y kahit na sino ka pa, kahit ano ka pa, you must
have a dream or mithiin—and you have to work on that dream.
“Definitely bahagi na po diyan ang iyong magulang o kung sino ang iyong
nirerespeto.
“At pagkatapos po niyan, ibinigay mo ang lahat, huwag mong kalilimutang magdasal
sa Panginoon.”
Pag-amin niya, “The greatest battle in basketball, I believe, were almost all in the
PBA. I feel proud about it.
“But the greatest honor was representing our country in international competitions.
Bukod sa pagiging national coach noong 1990 Asian Games, ilang beses na siyang
naging miyembro ng national team sa iba pang international competitions; kabilang
na ang Olympics noong 1968 na ginanap sa Mexico.
Yun nga lang, ikinalulungkot ni Jaworski na may ilang “sports people” na tila
isinasantabi ang basketball ngayon.
Pero rason niya, “Dito kami nag-e-enjoy. Saka maganda naman ito dahil buo—
tumatakbo, tumatalon, nakikipag-usap… yun ang essence, e.
“Ngayon, nanalo po tayo nung 1990. Twenty-two years ago against China.
“Minsan po… siguro yung ang gusto ng Diyos na mangyari, so panalo ka, talo ka pa
rin.
“Pero hindi po ‘yon ang esensiya, ang esensiya ay how was your decorum, how did
you play.
“E, marami na po akong nakita, e… example, how would you feel if you’re a winner
like Bradley?”
“I know that basketball is poetry in motion, pero ‘wag masyadong puro poetry, sobra
naman yung… di po ba?”
May suggestion ba siyang maibibigay para makapuwesto ulit ng maganda ang
Pilipinas sa international basketball competitions?
“Unang-una, may mga manlalaro na if you invite them to join the National Team,
they pull back. And they’re worried about, ‘Paano kung masaktan ako?’
“So why don’t we put together some thoughts on what we can do to avoid that
anxiety.
“Alam mo, bilangin mo kung ilan ang nasaktan sa Olympics. E, ako nga, 23 years
ako… tingnan mo naman, ang mga peklat ko sa mukha, o!
“Saka ‘yan ay hindi naman sinasadya. Kung sinasadya man, basta hindi ikaw ang
gumagawa, e.
“Why guys like Wade, Lebron James and all that get involved for the pride of their
country? We can’t even do it…
“I am sure there are something lacking somewhere in these athletes that we have,
meron pong pagkukulang. Meaning, hindi nila kasalana
·
Natatandaan mo pa ba ang pagsabog ng Pinatubo?
Sa gitnang bahagi ng Zambales Range sa Luzon, matatagpuan ang isa sa mga akitbong bulkan sa
Pilipinas: ang Mt. Pinatubo.
Dalawampu’t tatlong taon na ang nakalilipas nang maganap ang tinatawag na “second largest volcanic
eruption of the 20th century.” Ating balikan ang ilan sa mga kaganapan noong Hunyo 15, 1991.
Dalawang pagsabog ang naganap noong madaling araw. 70 kph hanggang 80 kph ang naging takbo ng
pyroclastic flows. Ang pyroclastic flows ay mga pira-pirasong volcanic material na lumalabas nang
pababa mula sa isang bulkan.
Malaking pinsala ang idinulot ng pagsabog ng naturang bulkan sa Cental Luzon, lalo na sa Zambales,
Pampanga, at Tarlac. Mahigit 86,000 ektarya ng lupa at palaisdaan ang nabalot sa abo at lahar, o sa
dumaloy na volcanic material na may halong tubig. Nasira rin sa lahar at abo ang mga kalsada, tulay,
bahay at iba pang imprastraktura. Naapektuhan din ang irigasyon, linya ng kuryente, at iba pang pasilidad.
Noong Disyembre 1991, 61 na munisipyo at dalawang lungsod ang idineklarang calamity area. Mahigit
isang milyong tao ang nawalan ng tirahan. 184 ang sugatan, habang 847 naman ang nasawi. Karamihan ay
namatay dahil sa pagbagsak ng mga bubong na napunuan ng basang abo at dahil na rin sa pagdating ng
Bagyong Yunya.
Hindi lamang ang Pilipinas ang naapektuhan sa pagsabog. Ilang buwan ding nanatili sa himpapawid ang
mga volcanic material na ibinuga ng Mt. Pinatubo. Umabot ito sa iba’t-ibang bahagi ng mundo, kabilang
na ang Russia at North America.
Ngayon ay tahimik na ang Mt. Pinatubo. Ang dating crater ay isa nang lawa na malimit pinupuntahan ng
mga trekkers at turista.
Kung Paano Haharapin ang Problema sa
Trapiko
MULA SA MANUNULAT NG GUMISING! SA ESPANYA
Trapiko ang isa sa pinakamalalang problema sa pagtira sa lunsod, lalo na kung usad-
pagong na ang daloy ng trapiko na nagpapasikip sa mga kalsada at nagpaparumi sa hangin.
Nakalulungkot, hindi nababawasan ang araw-araw na pahirap na ito na dinaranas ng
milyun-milyong naninirahan sa lunsod.
Ganito ang iniulat ng Texas Transportation Institute tungkol sa Estados Unidos: “Tumitindi
ang pagsisikip ng trapiko sa lahat ng lugar sa mga lunsod, malaki man o maliit.” Sinabi pa ng
ulat na hindi talaga makabuo ang mga awtoridad ng sapat na solusyong lulutas sa
lumalaking pangangailangan ng mga nagbibiyahe sa lunsod. Ganiyan din ang situwasyon sa
buong daigdig. Kamakailan, libu-libong motorista sa Tsina ang naipit sa 100-kilometrong
buhul-buhol na trapikong inabot nang ilang arawbago naayos ng mga pulis. Sa Mexico City,
ang 20-kilometrong biyahe sa loob ng lunsod ay maaaring abutin nang mahigit apat na oras
—mas matagal pa kaysa kung lalakarin ng isang tao ang distansiya ring iyon.
Hindi mahirap malaman kung bakit nagsisikip ang mga kalsada sa lunsod. Patuloy ang
pagdami ng mga tao sa lunsod, anupat halos kalahati ng populasyon ng daigdig ngayon ay
nakatira sa mga lunsod. Habang dumarami ang mga tao sa lunsod, dumarami rin ang mga
sasakyan. Ganito ang komento ng isang manunulat: “Napakaraming tao ang may
napakaraming kotse, at gusto nilang gamitin ito sa iisang masikip na lugar.”
Dahil mas mabilis ang pagbili ng mga sasakyan kaysa sa paggawa ng mga haywey,
nadadaig ng mabilis na pagdami ng sasakyan kahit ang pinakamahusay na sistema ng mga
kalsada. “Sa kalaunan,” paliwanag ng aklat na Stuck in Traffic—Coping With Peak-Hour
Traffic Congestion, “ang paggawa ng bagong mga kalsada o pagpapalapad ng mga dati
nang daan ay hindi nakakabawas sa tindi ng pagsisikip ng trapiko sa pinakaabalang mga
oras.”
Dahilan din ng pagsisikip ng trapiko ang kawalan ng sapat na paradahan. Anumang oras,
maraming kotse ang maaaring nagpapaikot-ikot sa mga kalsada sa lunsod para lamang
makakita ng mapaparadahan. Tinatayang mga 400,000 katao taun-taon ang namamatay
dahil sa polusyon sa hangin na dulot ng trapiko—pangunahin na sa mga lunsod. Ayon sa
isang ulat, gayon na lamang katindi ang polusyon sa hangin sa Milan, Italya, anupat ang
maghapong paglanghap ng hangin sa mga kalsada ng lunsod ay katumbas ng paghitit ng 15
sigarilyo.
Ang perwísyong dulot ng pagsisikip ng trapiko ay dapat ding sukatin sa mga oras na
nasasayang at sa kaigtingang nararanasan ng mga drayber. Mahirap sukatin ang pinsala sa
emosyon, pero tinataya ng isang pagsusuring ginawa sa Estados Unidos na ang pinsala sa
ekonomiya na dulot ng pagsisikip ng trapiko sa 75 sa pinakamalalaking lunsod ay umaabot
sa mga 70 bilyong dolyar sa isang taon. May magagawa pa kaya para malunasan ang
situwasyong ito?
Ipinanukala sa ibang lunsod ang solusyong “bayad sa pagsisikip ng trapiko,” kung saan
dapat munang magbayad ang mga drayber para makapasok sa sentro ng lunsod. Dahil sa
planong ito, nabawasan nang 30 porsiyento ang pagbagal ng trapiko sa London, at waring
gusto na ring tularan ito ng ibang lunsod. Sa lugar na gaya ng Mexico City, sa Mexico,
makapapasok lamang sa sentro ng lunsod ang mga kotse sa mga takdang araw, batay sa
numero ng plaka ng sasakyan.
Namuhunan din ng malaking halaga ang mga awtoridad ng lunsod para baguhin ang
sistema ng pampublikong transportasyon, ayusin ang mga haywey, at magpagawa ng mga
kalsadang paikot sa lunsod. Gumagamit sila ng mga computer upang kontrolin ang mga
ilaw-trapiko at abisuhan ang mga pulis para maayos kaagad ang pagkakabuhul-buhol ng
trapiko dahil sa mga aksidente. Nakatulong din sa pagpapaluwag ng daloy ng trapiko ang
pagtatakda ng pantanging mga linya para sa bus at mga linyang puwedeng baguhin ang
direksiyon depende sa daloy ng trapiko. Pero pangunahin pa ring nakasalalay ang tagumpay
sa pakikipagtulungan ng mga mamamayan.
Kung malapit lamang ang pupuntahan, baka pinakamainam nang maglakad o mamisikleta
na lamang. Sa maraming kalagayan, alinman dito ay mapatutunayang mas mabilis, mas
madali, at mas nakatutulong sa kalusugan. Kung malayo naman ang pupuntahan, mabuti
sigurong mamamasahe na lamang. Sinisikap ng maraming lunsod na paghusayin pa ang
serbisyo ng kanilang mga bus, subwey, at tren upang maakit ang mga tao na huwag nang
magdala ng sasakyan. Nakatitipid din kung sasamantalahin ang ganitong mga serbisyo.
Kahit na kailangan mong magdala ng sasakyan papunta sa istasyon, maaari ka namang
sumakay sa pampublikong sasakyan para makarating sa sentro ng lunsod.
Kung kailangan mo talagang magdala ng sasakyan, baka naman maaari kang magsakay ng
iba pang magbibiyahe (carpooling). Ito ang isa sa pinakaepektibong paraan upang
mabawasan ang pagsisikip ng trapiko sa pinakaabalang mga oras. Sa Estados Unidos,
gumagamit ng awto ang 88 porsiyento ng lahat ng nagbibiyahe, at mga dalawang katlo sa
mga ito ang nag-iisa. Kung mahihikayat ang maraming tao na magbiyaheng magkakasama
patungo sa trabaho, “maaaring mabawasan nang malaki ang pagbagal at pagsisikip ng
daloy ng trapiko sa pinakaabalang mga oras,” ang sabi ng Stuck in Traffic. Isa pa, sa
maraming lugar, may itinakdang pantanging mga linya para sa mga kotse na may dalawa o
higit pang sakay. Hindi pinapapasok sa mga linyang ito ang mga kotseng iisa lamang ang
sakay.
Kung hawak mo naman ang oras mo ng paglalakbay, sikaping iwasan ang pinakaabalang
oras. Mapadadali nito ang mga bagay-bagay para sa iyo at sa ibang motorista. At kung
maayos kang magparada, hindi makasasagabal ang iyong sasakyan sa magandang daloy
ng trapiko. Sabihin pa, kahit ang pinakamahuhusay na plano ay hindi garantiyang hindi ka
na maiipit sa buhul-buhol na trapiko. Sa ganiyang mga pagkakataon, makatutulong nang
malaki ang pagkakaroon ng tamang saloobin upang mabawasan ang tensiyon.—Tingnan
ang kalakip na kahon.
Maliwanag, kung nakatira ka sa malaking lunsod, kailangan mong harapin ang pagsisikip ng
trapiko. Gayunpaman, kung magiging responsable, magalang at matiisin ka sa iba,
makakayanan mo ang mga problema sa trapiko.
[Kahon/Larawan sa pahina 23]
Manatiling Kalmado sa Buhul-Buhol na Trapiko
Mahigit 30 taon nang tinitiiis ni Jaime, isang drayber ng taksi sa Madrid, Espanya, ang
buhul-buhol na trapiko. Heto ang paraan niya para manatiling kalmado sa nakaiinis na mga
situwasyon:
▪ Nagdadala ako ng mababasa. Hindi man umusad ang trapiko, hindi ako gaanong naiinis.
▪ Kapag usad-pagong ang daloy ng trapiko, nakikinig ako ng balita sa radyo o ng isang
rekording sa Bibliya. Sa ganitong paraan, hindi ko gaanong napagtutuunan ng pansin ang
trapiko.
▪ Karaniwan nang hindi ako bumubusina, dahil nakagagambala lamang ito sa iba at wala
namang saysay. Sa pagiging magalang sa ibang drayber, naiiwasan ko ang tensiyon at
natutulungan ko ang iba na magawa rin iyon.
▪ Sinisikap kong maging kalmado kapag nakakaengkuwentro ako ng agresibong mga drayber
at dumidistansiya ako sa kanila. Mahalaga talaga ang pagkamatiisin.
▪ Bagaman sinusubukan kong humanap ng ibang madaraanan, sinasabi ko sa aking mga
pasahero na kung minsan, maaari silang mahuli sa kanilang mga lakad dahil sa mabagal na
daloy ng trapiko. Mahirap talagang maging nasa oras kapag nagbibiyahe sa lunsod.
Ang Unang Araw sa Unibersidad ng Pilipinas.
Ako ay registered na. At mahal ko na ang aking kolehiyo, ang CSSP. Eto na lang ang medyo "rundown" ng
mga pangyayari sa unang araw (kahapon nga lang e.)
Napagisipan ko na suotin ang aking itim na UP Frontline shirt. Kasi susubukan kong humabol sa
Frontline. Isang maling pagkakamali pala na gawin yun na mamaya ko lang maiintindihan
Binaba ako ng aking mga magulang sa tapat ng AS. Totoo nga, ang daming mga freshie na katulad
ko na paikot ikot sa AS Lobby.
Nakita si Barbie na nagmamadali para sa klase. Di siya makapaniwalang UP na talaga ako.
Pumuntang PH 400 para sa "College Briefing". Nagulat dahil punong-puno ang lugar ng mga
magulang. Kumusta naman iyon. Ang alam ko bawal yun e. Ang daming Pol Sci na freshmen.
Nawindang sa malalim na Tagalog ng mga prof na nagwelcome sa amin.
Sa kalagitnaan ng programa, nakilala ko ang aking mga blockmates. Si Kitty na galing Poveda, si
Dindo na galing Notre Dame, si Diane na galing Taal HS (saan ka pa? XD), si Ryan (nakalimutan ko
na kung saan galing. XD), si Rose na galing ICA, si Vince na taga St. James. Nakalimutan ko na rin
yung iba pero 10 kaming lahat. 5 lalaki, 5 babae.
Nakilala ang aming guide na si Ate Piya. (Glo Anne, she seriously looks like you. XD)
Nauna sa pilahan ng Form 5-A sa AS 101 at sa pagbayad ng student fund. Muntik na sumali sa
VOLCORPP.
Lumakbay papuntang FC upang magpadavise kay Sir Bot (Sir Felipe Jocano). Napakilala sa mga
upperclassmen ng Anthro.
Lumakbay ulit papuntang OUR para magregister na ng tuluyan. Nilipad ang aking mga entrance
requirements dahil sa lakas ng fan. Buti na lang may tumulong.
Pinasa na namin ni Vince ang aming requirements sa parehong window. Pareho kami na walang
Form 137. XD
Fill-up time na ng Form 5. OA sa tulo ang pawis dahil pwede lamang ifill up ito sa labas ng OUR
conference hall. Nangopya pa sa katabi para di magkamali sa pagfillup.
Pagkatapos ang reg process, nagkandawalaan na kaming mga blockmates. Ako dumiretso sa Beach
House para magfrontline.
Nakita ulit si Barbie sa may Main Lib dahil galing siyang SC. Nagkwentuhan tungkol sa masaklap
niyang Stat 101.
First time ko sa Beach House. Totoo sinabi ni Barbie, barbecue talaga dapat mong kunin una.
Nagenjoy sa aking unang lunch as a UP student.
Nagfrontline kasama sila Karen, P. Eug, Halee, Ian De Ocampo, Barbie, Abi Robles. Ang diskusyon
ay tungkol sa pagdarasal.
Sumakay ng jeep papuntang MRT at umuwi.
Nakakapagod mag-reg. Ngunit masaya na ako. Natapos ako ng 11:48 AM. Dapat whole day kaya yun. XD
Ngayong araw, Freshman Orientaion Program naman. Bukas ako'y magkwekwento muli.