You are on page 1of 1

Tekstong Ekspositori

Ang tekstong ekspositori ay anumang teksto na nagpapaliwanag o naglalahad ng


mga kaalaman hinggil sa anumang paksang pasaklaw ng kaalaman ng tao. Ito rin ay
nililinaw ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang pangangailangan ng mga
mambabasa na malaman ang mga kaugnay na ideya o isyu.
Katangian ng isang Manunulat ng Tekstong Ekspositori

Obhetibong pagtatalakay sa paksa.

Sapat na mga kaalamang inilalahad sa tekto.

Malinaw na pagkakahanay ng mga kaisipan o ideya.

Analitik na pagsusuri ng mga kaisipan.


Ang Hulwaran at Organisasyon ng Tekstong Ekspositori
1.
Depinisyon - pagbibigay ng kahulugan sa mga salitang di-pamilyar na
termino o mga salitang bago sa pandinig.
2.
Pag-iisa-isa o Enumerasyon - ito ay nauuri sa dalawa: simple at
komplikadong pag-iisa-isa na kung saan ay tinatalakay ang pangunahing paksa
at pagtalakay ng parrang patalata.
3.
Pagsusunod-sunod o Order - isang paraan ng pag-oorganisa ng isang
tekstong ekspositori. Ang paraang ito ay ang pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa isang paksa upang higit na maunawaan ng mga mambabasa.
4.
Paghahambing at Pagkontrast - ito ay isang teksto na nagbibigay diin sa
pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang tao, bagay, kaisipan o ideya
ng isang pangyayari.
5.
Problema at Solusyon - pagtalakay naman ito sa isa o ilang suliranin at
paglalapat ng kalutasan ang pukos ng hulawarang ito.
6.
Sanhi at Bunga - ito ay tumatalakay sa mga kadahilanan ng isang bagay
o pangyayari at ang mga epekto.

You might also like