You are on page 1of 1

Republika ng Filipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Regional office VIII
Division of Catbalogan City
SAMAR NATIONAL SHOOL
Senior High School Department

Maling Pagtatapon ng Basura


Ni Jay-Anne Raquel Brozas
Sa panahon ngayon marami ng problema ang kinakaharap ng kasalukuyan, Kabilang na
dito ang Improper waste disposal o ang pagtatapon ng mga basura sa maling lalagyan.

Ayon kay José Rizal kabataan ang pag-asa ng bayan, Ngunit pano tayo magiging pag-asa
kung kahit basura na nga lang hindi pa maitapon sa tamang lalagyan. Nilikha tayo ng diyos para
pangalagaan at mahalin natin ang ating kalikasan, Ngunit bakit parang hindi ito ang nangyayare?
Tapon dito, Tapon doon hindi ba ninyo iniisip kung ano ang mga epekto nito? Katulad nang
Pagtaas ng lebel ng pagbaha, Polusyon sa hangin, Pagkamatay ng hayop sa karagatan, At iba pa.
Hindi sa lahat ng oras ay nandiyan ang kalikasan para sa atin, Lahat ng bagay dito sa mundo ay
may katapusan, kaya dapat habang mas maaga pa pangalagaan natin ang ating kapaligiran at
bigyan importansya ang kung ano man ang biyayang natatanggap natin ngayon.

Ngayon, Siguro napapansin niyo naman kung ano ang nangyayare sa kapaligiran natin
dahil sa ating kapabayaan. Ngunit hindi pa tapos ang lahat, Pwede pa tayong bumawi sa ating
kapaligiran pangalagaan ito ng maayos upang mas gumaan ang ating pamumuhay.

You might also like