You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
ROSARIO EAST DISTRICT
MACALAMCAM ELEMENTARY SCHOOL
MACALAMCAM A, ROSARIO, BATANGAS

Quarter 2 Lagumang Pagsusulit sa ESP

A. Isulat kung tama o mali ang bawat pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang
papel.
_____________ 1. Normal lamang sa isang tao ang magkamali
_____________ 2. Nakikita ang katatagan ng isang tao sa pamamagitan ng pagharap
niya sa naging bunga ng kaniyang ginawa.
_____________ 3. Ang paghingi ng paumanhin ay isang positibong kaugalian na dapat
makasanayan ng isang bata.
_____________ 4. Hindi kahinaan ang pagtutuwid ng isang pagkakamali bagkus ito ay
tanda ng pagiging mahinahon at maunawain sa damdamin ng kapwa.
_____________ 5. Ang mga natutunan sa pagkakamali ay dapat isapuso at isabuhay.
_____________ 6. Humihingi ako ng tawad kapag ako ay Nakagawa ng kamalian sa
aking kapwa.
_____________ 7. Wala akong pakialam sa nararamdaman ng aking kapwa.
_____________ 8. Nagsasabi ako ng sorry kapag ako ay nakasakit ng damdamin ng
ibang tao.
_____________ 9. Itinutuwid ko ang aking pagkakamali.
_____________ 10. Hinahayaan ko na lang magalit ang taong nasaktan ko nang hindi
humihingi ng paumanhin.

Panuto: Sa iyong sagutang papel, iguhit ang masayang 😊 kung tama ang mga salitang
ginamit sa pagtanggap ng puna at malungkot na mukha ☹ naman kung hindi.
1. Huwag mo na akong pagsabihan kasi alam ko na yan.
2. Mabuti na lang kaibigan nakita mo ang mali ko. Salamat ha.
3. Ito ang masusunod kasi ito ang gusto ko. Wala akong pakialam sa inyo.
4. Hindi ko kailangan ang puna ninyo kasi alam kong magaling ako.
5. Salamat po Nay. Alam ko naman na ang puna ninyo ay para sa kabutihan ko.
6. Walang problema sa akin ang puna mo. Ayos nga iyon para mas mapabuti ko pa
ang aking gawa.
7. Naiingit ka lang sa gawa namin. Kunwari ay tutulungan mo kami pero ang totoo ay
sinisiraan mo ang gawa namin.
8. Salamat at napansin mo ang dumi sa aking mukha.
9. Wala akong pakiaalam kahit na ano pa ang puna ninyo.
10. Salamat sa puna at payo ninyo. Ito ay malaking tulong sa akin.

Address: Macalamcam A, Rosario, Batangas, 4225


 0956 842 3444
 107557@deped.gov.ph

You might also like