You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
DIVISION OF BATANGAS
NASUGBU EAST DISTRICT
CATANDAAN ELEMENTARY SCHOOL
NASUGBU, BATANGAS

Name: ________________________________________________ SCORE: ______________________


Grade and Section: VI-Aquamarine Date: ________________________

Enrichment Activities in ESP

I. Panuto: Isulat mo ang P kung ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa mga Pilipinong matagumpay at H naman kung
hindi.

_____1. Ibinabahagi ni Wilson ang mga posts sa Facebook tungkol sa mga Pilipinong atletiko na nag-uwi ng medalya
para sa bansa.
_____2. Nagbabasa si Joven ng mga magasin tungkol sa kaniyang iniidolong negosyanteng Pilipino.
_____3. Masikap na nag-eensayo ng taekwondo si Isabel upang matupad ang pangarap na mairepresenta ang bansa sa
South East Asian (SEA) Games.
_____4. Hindi tumutulong si Marcus sa proyekto ng kanilang grupo tungkol sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa
kalayaan.
_____5. Kinaiinggitan ni Emma ang kababata niyang nanalo sa isang sikat na paligsahan sa telebisyon.

II. Panuto: Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay nagpapakita ng pagsunod sa batas at MALI kung hindi.

_______6. Hindi susundin ang ilaw trapiko lalo kung nagmamadali sa pupuntahan.
_______7. Pagtawid sa pagitan ng mga sasakyang nakahinto sa gitna ng daan.
_______8. Palagiang pagsusuot ng sinturong pangkaligtasan upang makaiwas sa aksidente.
_______9. Paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
_______10. Pinipiling tumawid sa takdang tawiran o sa overpass.

III. Basahin at unawaing mabuti ang mga sitwasyon. Paano mo magagamit ang iyong
pagkamalikhain upang mabigyan ito ng solusyon? Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____11. Papasok ka na sa paaralan ng may dumaang kotse at natalsikan nito ng putik ang suot mong damit. Malapit ng
tumunog ang bell hudyat sa pagpasok.
A. Uuwi na lang at liliban sa klase
B. Uuwi muna at magpapalit ng uniporme. Ipaliliwanag sa guro kung bakit ako nahuli.
C. Babatuhin ko ang dumaang kotse.

_____12. Linggo at magsisimba kayo, wala kang magagamit na sapatos dahil nasira ang suwelas nito.
A. Iiyak ako para maawa sa akin ang aking nanay.
B. Manghihiram muna ako sa kapatid ko o sa aking pinsan.
C. Hindi na lamang ako magsisimba.

_____13. Sa pagmamadali mo ay naihulog mo ang proyektong ipapasa mo sa iyong guro. Labis itong narumihan.
A. Ipapaliwanag ko sa guro ko ang nangyari at gagawa na lamang ako ng panibago
B. Uuwi ng bahay at babaguhin ko ang aking gawa.
C. Kukunin ko ng palihim ang gawa ng kamag-aral ko.

_____14. Gabi na at ihahanda muna ang iyong mga kailangan para sa iyong iuulat kinabukasan nguni’t nagamit na pala
ng ate mo ang Manila Paper na itinabi mo.
A. Bibili na lang ako ng Manila Paper sa palengke.
B. Gagamitin ko ang lumang Manila Paper na maaari pang sulatan.
C. Hindi na lang ako mag-uulat sa klase.

_____15. Araw ng Sabado at ikaw ang nakaiskedyul na maglilinis ng bahay ninyo. Pinupunasan mo ang plorera nang
dumulas ito sa iyong mga kamay at nabasag.
A. Sabihin sa nanay na nabasag ito ng bunso mong kapatid.
B. Itatago sa likod-bahay ng hindi mapansin ni nanay.
C. Sabihin sa Nanay ang totoong nangyari at humingi na lamang ngpaumanhin.
IV. Panuto: Ipaliwanag ang pangunahing mensahe ng kasabihang ito. (16-20) (5 puntos)

“Walang sinuman ang pinakahigit na nakatataas sa batas”

You might also like