You are on page 1of 4

BALITANG PANDAIGDIG

4,000 BUMUO NG LARGEST HUMAN MAPLE LEAF

Nakuha ng isang bayan sa Ontario, Canada ang isang Guinness World Record nang mapagtipon nito ang nasa
3,942 katao upang bumuo ng hugis ng pinakamalaking human maple leaf, ulat ng United Press International.

Ayon sa Trenton, ang bayan ng organisa ng event, kinumpirma ng nakasaksing Guinness representative ang
matagumpay na pagkatal ng record.

Ayon sa mga organizers hangad sana nila na mahigitan ang record na 5,000, ngunit nasa 3,942 katao lamang
ang nakilahok, sapat para mahigitan ang 1,589 katao na naitala noog 2017 sa Grouse Mountain, British
Columbia.

Layon naman ng event na makalikom ng pondo para sa Sodider On, isang programa na tumutulong sa mga
beterano at mga aktibong militar na makilahok sa mga sports bilang bahagi ng therapy para sa mga may
physical injuries at mental illness.
BALITANG PAMPALAKASAN

BALIKAN: ATENEO, WAGI KONTRA LA SALLE, KAMPEON SA UAAP MEN'S BASKETBALL

Nanaig ang Ateneo Blue Eagles kontra karibal na De La Salle Green Archers para masungkit ang kampeonato
sa UAAP Season 80 men's basketball tournament nitong Linggo.

Isang mainit na fourth quarter run ang pinakawalan ng Ateneo para tuluyang iwan ang La Salle, 88-86, at
maagaw sa kanila ang korona.

Umpisa pa lang ng laban, agad ipinakita ng Blue Eagles ang determinasyon. Lumamang pa sila ng 10 sa
pagtatapos ng unang quarter, 24-14.

Pagdating ng ikalawang quarter, pinilt ng La Salle na bumalik sa laban sa pamamagitan ng shooting at inside
plays nina Ricci Rivero at season Most Valuable Player Ben Mbala.

Nagtapos ang unang half sa iskor na 45-38, lamang ang Ateneo.

Nagpakitang gilas ang Green Archers sa third quarter. Tumindi ang dipensa para maitabla ang iskor sa 66.

Ito ang unang kampeonato ng Ateneo makalipas ang limang taon, nang tuldukan ng La Salle ang kanilang five-
peat domination.

Nagtala ng gate attendance na 22,000 sa Araneta Coliseum kung saan idinaos ang laro.

-- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News


BALITANG PANG-EDUKASYON
'LIKES' BILANG BATAYAN NG GRADO SA STUDENT PROJECTS IKINABAHALA

Ikinabahala ng isang eksperto ang pagbibigay ng mga guro sa mga estudyante ng mga proyekto na social media
likes ang batayan ng grade.

Sa pagtalakay ng programang "Sakto" ng DZMM sa wastong paggamit ng mga bata ng social media, sinabi ng
child development specialist na si Clarissa Ligon na isa sa mga dahilan kung bakit nagkakaroon ng social media
account ang mga bata ay dahil sa mga proyektong ibinibigay sa mga ito sa paaralan.

"Mayroon din kasi tayong nakikitang project sa school na kung saan ipo-post 'yong project... tapos 'pag marami
'yong likes, mas mataas 'yong grade," ani Ligon.

"Siyempre ikaw naman bilang estudyante, kailangan gawin mo siya tapos 'yong parent, isu-support. Kaya
mayroon tayong mga bata na nagkakaroon ng account sa social media," aniya.

Nagpahayag ng pagkabahala si Ligon ukol sa maaaring ituro ng ganoong klaseng grading system sa mga bata.

"'Pag hindi marami ang likes, hindi maganda ang gawa," ani Ligon.

Nagiging batayan tuloy ng validation ng bata ang social media "likes" at minsa'y nagiging sanhi pa ng
depresyon, ayon sa host ng programa na si Kim Atienza, bagay na sinang-ayunan ni Ligon.

"'Yan daw ang nagiging cause ng depression. Kapag kaunti ang likes, they feel invalidated," ani Atienza.

"'Yan ang side na 'di maganda sa social media," dagdag ni Ligon.

Tinalakay sa programa ang paggamit ng mga bata sa social media matapos ihain sa Kamara ang
isang panukalang layong ipagbawal ang mga may edad 13 pababa sa paggamit ng social media platform gaya
ng Facebook at Twitter.
BALITANG PAMBANSA
KRAV MAGA BILANG SELF-DEFENSE LABAN SA MGA MASASAMANG-LOOB

Nagkalat ang masasamang-loob na handang gumamit ng dahas para manamantala ng iba.


Sakaling maharap sa mga situwasyong gaya ng holdap, panggagahasa o pagdukot, paano maipagtatanggol ng
isang tao ang kaniyang sarili?
Tinalakay sa programang "Sakto" ng DZMM ang Krav Maga, na umano ay pinakamainam na fighting system
na maaaring magamit ng tao laban sa masasamang-loob.
"Ito 'yong talagang ginawa siya para sa mga realistic situation at saka sa lahat ng klase ng threats at attacks," ani
Dindo de Jesus, regional director ng International Krav Maga Federation sa Asya.
Madali umanong matutunan ang Krav Maga dahil hindi gaya ng ibang martial arts, wala itong gaanong porma o
hindi masyadong pinapahalagahan ang technique.
"'Yong nilalagay namin sa student, mindset nila na gamitin na nila lahat, gawin na nila lahat, of course may mga
situation na may mga technique, para mag-survive," ani De Jesus.
Pangunahing itinuturo umano sa Krav Maga ay ang pag-atake sa mga "vulnerable" o mahinang bahagi ng
katawan gaya ng groin o singit, mata, lalamunan, tuhod, likod ng batok, at gulugod.
Kapag nangyakap, halimbawa, ang isang assailant o masamang-loob, puwede itong sundutin sa mata, na
magiging dahilan para bumitiw ito sa yakap, ani De Jesus.
Kapag bumitiw na umano ang assailant ay puwede na itong i-groin kick o bayagan.
Sakali namang panggagahasa ang situwasyon, ipinayo ni De Jesus ang pagsuntok sa lalamunan ng assailant.
Dahil pokus ng Krav Maga ang pag-target sa mga mahinang bahagi ng katawan, hindi gaanong kailangan ng
pagsasanay rito.
Iginiit din ni De Jesus na hindi sa lahat ng pagkakataon ay dapat makipag-away sa isang masamang-loob.
"Kung may chance kang tumakbo or napag-usapan niyong ayaw mong makipag-away o kung hinoholdap ka
lang, bigay mo na lang," ani De Jesus.
Gamitin lang ang Krav Maga sa mga situwasyong kailangan talagang lumaban gaya ng home invasion,
kidnapping o pagdukot, at panggagahasa, sabi ni De Jesus.
Bukod sa pisikal na pakikipag-away, puwede rin umanong protektahan ang sarili gamit ang objects.
Halimbawa, ayon kay De Jesus, ay may taong naga-amok at may dalang patalim, puwedeng gumamit ng bag
bilang panangga.

You might also like

  • Patintero
    Patintero
    Document5 pages
    Patintero
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet
  • Patintero
    Patintero
    Document5 pages
    Patintero
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet
  • GLOBALISASYON5
    GLOBALISASYON5
    Document5 pages
    GLOBALISASYON5
    Bernadeth A. Ursua
    0% (1)
  • Pananakop NG Mga Hapon
    Pananakop NG Mga Hapon
    Document4 pages
    Pananakop NG Mga Hapon
    Bernadeth A. Ursua
    100% (2)
  • POLUSYON
    POLUSYON
    Document5 pages
    POLUSYON
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet
  • Ang Niyog
    Ang Niyog
    Document2 pages
    Ang Niyog
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet
  • Buod NG El Presidente
    Buod NG El Presidente
    Document3 pages
    Buod NG El Presidente
    Bernadeth A. Ursua
    86% (21)
  • Sa Lupa
    Sa Lupa
    Document5 pages
    Sa Lupa
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet
  • Tanka
    Tanka
    Document2 pages
    Tanka
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet
  • Ang Talinghaga Tungkol Sa
    Ang Talinghaga Tungkol Sa
    Document4 pages
    Ang Talinghaga Tungkol Sa
    Bernadeth A. Ursua
    100% (1)
  • COLOSSEUM
    COLOSSEUM
    Document2 pages
    COLOSSEUM
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet
  • Tata Selo 1
    Tata Selo 1
    Document3 pages
    Tata Selo 1
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet
  • Diyos at Diyosa NG Roma
    Diyos at Diyosa NG Roma
    Document1 page
    Diyos at Diyosa NG Roma
    Bernadeth A. Ursua
    100% (1)
  • Colosseum
    Colosseum
    Document2 pages
    Colosseum
    Bernadeth A. Ursua
    100% (1)
  • Colosseum
    Colosseum
    Document2 pages
    Colosseum
    Bernadeth A. Ursua
    0% (1)
  • ARARO
    ARARO
    Document1 page
    ARARO
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet
  • Impeng Negro
    Impeng Negro
    Document3 pages
    Impeng Negro
    Bernadeth A. Ursua
    100% (1)
  • Andres Bonifacio
    Andres Bonifacio
    Document15 pages
    Andres Bonifacio
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet
  • Filipino
    Filipino
    Document11 pages
    Filipino
    Bernadeth A. Ursua
    No ratings yet