You are on page 1of 4

Pangalan: Joanne P.

Roma

Kurso/Taon: BS Accountancy 3rd year

Takdang-Aralin: Pananaliksik

I. Anyo ng Komunikasyon
 Berbal na Komunikasyon
 Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay
naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mga salita. Maaring
pasulat o pasalita.
 Di berbal na Komunikasyon
 Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay
naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw.
 Intrapersonal na Komunikasyon
 Isang kognitibong proseso o nagaganap sa internal na
katauhan. Ang pakikipag-usap sa sarili ay tinatawag na
intrapersonal na komunikasyon.
 Interpersonal na Kominikasyon
 Ito ay nangyayari sa pagitan ng dalawa o higit pang bilang
ng tao o pangkat. Ang uri ng komunikasyong ito ay humuhubog sa
atiing pakikipag-ugnayan o relayon sa ating kapwa at mataas na
bahagdan o komunikasyong nagaganap sa ating lipunan. Sa
ganitong kaganapan ang mga kasangkot sa komuniskasyon ay
nagbibigay ng mensahe.
 Komunikasyong Pampubliko
 Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nangyayari sa pagitan
ng isa at malaking pangkat ng mga tao. Ang pakay nito ay
maglahad o humimok upang gumalaw nang naaayon sa kanyang
paniniwala. Halimbawa ay komersyal at talumpati.
 Komunikasyong Pangmadla
 Ito umutukoy sa proseso ng pagpasa ng isang mensahe sa
isang malaking grupo ng tao sa pamamagitan ng paggamit ng
anumang uri ng midya (maaaring dyaryo, telebisyon, radyo,
pelikula, Internet, atbp.)
II. Proseso ng Komunikasyon.

 Tagapaghatid o Sender
 Tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng
mensahe.
 Mensahe/Enkowd
 Ideya o salitang nabuo na ipapadala sa kausap. Maari itong
berbal at di-berbal na mensahe.
 Transmisyon
 Ginagamit para maipadala ang mensahe sa pamamagitan
ng makabagong instrument, salita, galaw o kilos, ekspresyon ng
mukha.
 Tumatanggap/Dekowd
 Taong pinadalhan ng mensahe. Nagdedekowd ng mensahe
na ipinadala ng kausap.
 Tagatanggap/Kahulugan
 Pagbibigay kahulugan sa mensaheng natanggap.
Pagbibigay ng reaksyon mula rito.
 Tugon/Feedback
 Nagsisilbing tugon sa mensaheng ipinadala ng
tagapaghatid. Gaya ng mensahe, ang tugon ay maari ring berbal at
di-berbal.

III. Elemento ng Komunikasyon

 Tagahatid
 Nagpapadala o pinagmulan ng mensahe
 Bumubuo sa mensahe
 Nagpapasya sa layunin

 Tagatanggap
 Tumatanggap ng mensahe
 Nagiinterpret o nagbibigay kahulugan sa mensaheng
nataggap

 Mensahe
 Ang ipinadalang salita
 Dakawang uri ng mensahe:
a) Mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika
b) Mensaheng relayunal o mensaheng berbal
 Daluyan
 Namamagitan o pinagdadaanan ng mensahe
 Kategorya ng daluyan:
a) Daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin,pandinig,
pang-amoy, panlasa at pandama
b) Daluyang institusyunal – mga kagamitang elektroniko tulad
ng telepono, e-mail, fax, mobile phone

 Tugon
 Ang pagbibigay tugon o pidbak ay isang mahalagang paraan
ng pagkontrol sa mga sagabal sa komunikasyon.
 Tatlong uri:
a) Tuwirang tugon
b) Di-tuwirang tugon
c) Naantalang tugon.

 Ingay
 Elemento ng komunikasyon na nagsisilbing sagabal sa
proseso ng komunikasyon. Hindi lamang ito nakapaloob sa tunog,
kundi sakop din nito ang pisikal/teknikal na sagabal, semantikong
sagabal, pisyolohikal na sagabal, kultural na sagabal at sikolohikal
na sagabal.

IV. Iba’t ibang Anyo ng Komunikasyong Di-berbal

 Proksemika (Proxemics)
 Ang espasyong inilalagay natin sa pagatin ng vating sarili at
ng ibang tao ay maaaring may kahulugan.
 May iba’t ibang uri ng proxemics distance tayong ginagawa
sa iba’t ibang pagkakataon at ang distansyang ito ay maaaring
mangahulugang intimate, personal, social o public.
 Nakapaloob din sa kategoryang ito ang pisikal na kayusan
ng mga bagay-bagay sa isang lugar.

 Oras (Chronemics)
 Ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring
kaakibatan ng mensahe.

 Paghaplos (Haptics)
 Paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe;
hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, haplos at hipo.

 Paralanguage
 Paraan ng pagbikas ng isang sa isang salita.
a) Pagbibigay-diin
b) Bilis ng pagbigkas
c) Paghinto sa loob ng pangungusap
d) Lakas ng boses
e) Tahinting ng tinig

 Katahimikan
 Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o
pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-
organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pag-mik,
inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na
sasabihin pa ng tagapagsalita.
 Ginagamit din itong anto ng pagtanggi o pagkilala sa
kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao.

 Kapaligiran
 Nagsisilbing komunikasyong di-berbal sapagkat ito ay
kailangan ng tao upang maganap ang interaktibo at
komunikatibong Gawain sa buhay.
 Ang pagdarausan o lugar na gagamitin sa anumang pulong,
kumperensya, seminar at iba pa ay tumutukoy sa uri ng kapaligiran.
 Ang kaayusan ng lugarang magsasabi kung pormal o di-
pormal ang magaganap na pulong, kumperensya o seminar.

You might also like