You are on page 1of 1

TAGUBILIN para sa Huwarang Modyul sa Filipino

1. Ang tagubiling ito ay para lamang sa loob ng pangkat ng Filipino hindi nito sakop ang sa iba.
2. Ang ibinahaging halimbawa ng modyul ay dumaan sa karaniwang proseso mula sa
manunulat ipinasa sa editor, illustrator, lay-out artist at sa inyong lingkod, binalik at muling
ibinalik; mabuti na lamang at may “na –bully” maraming salamat Iriga at Albay. Kaya naman
ipinapakiusap sa inyo na hindi dadaan sa prosesong iyon ang ginagawang modyul ng bawat
dibisyon dahil na nga po sa kasalukuyang sitwasyon mahirap maisagawa at matagal ang
ganoon. Ang proseso ay sa pagitan na lamang ng dibisyon at rehiyon. Ang pag-edit at
pagsusuri ay sa inyong dibisyon lamang hindi na susuriin pa ng iba.
3. Sa tulong ng Iriga ibinabahagi sa inyo ang mungkahing format template subalit isang disenyo
lamang para sa elementarya, isa sa jhs at isa sa shs. I-edit na lamang ang datos na aangkop sa
baitang. Binibigyang laya ang dibisyon kung nais na gamitin o palitan lalo na kung mayroon
makakagawa ng ilustrasyon at lay-out na mas angkop sa nilalaman at baitang ng modyul.
4. Kung magpapalit, pakatandaan po na sa cover page ang maaari lamang palitan ay ang cover
art, mananatili ang format at copyright page. Kung ano lang po ang hinihingi sa mga bumuo ng
modyul yun lamang ang pangalan na ilalagay pwera na lamang kung si SDS ang nag-edit
pangalan niya ang sa editor (joke lang po) kung sino lang po ang tunay na gumawa ang
ilalagay, hindi rin po kailangang lagyan ng titulo ang pangalan (Dr. Atty. Ph.D. EdD etc.).
5. Ang mga pangunahing pahina mananatili, maaari lamang palitan ang ibang salita na aangkop
sa isinasaad ng nilalaman at baitang ng modyul.
6. Ang format ng mga bahagi at pagkasunod-sunod ay mananatili, maaari lamang palitan ang
mga icon na aangkop sa baitang. (Ang ilustrasyon ni teacher maaaring palitan ng kawangis ni
EPS) Kung walang makagagawa sa inyong dibisyon panatilihin na lamang ang ibinigay na
template.
7. Mainam na gumamit lamang ng mga simple, maikli at tiyak na mga salita na angkop sa bawat
baitang. Iwasan ang mga adlib na ‘di kailangan sa daloy ng modyul. Sa iba pang mga
katanungan o pag-aalinlangan, mangyaring sundin ang nakasaad sa kalakip ng addendum para
sa ispesipikasyon ng sukat ng papel, bilang ng pahina, font,, atbp sa bawat baitang.
8. Tiyakin ng Tagamasid na dumaan sa masusi at matamang pag-edit at pagsusuri ng
nilalaman ang modyul bago ipasa sa inyong lingkod. Inaasahan na ang ipapasa ay pinal na
sipi. Word docs/file muna para kun sakaling may typo error o minimal na mali lumampas sa
inyong mata ay maiwawasto na dito at hindi na kailangan pang ibalik sa inyo.
9. Ang iba pang dati nang nasa memo at napag-usapan/napagkasunduan ay mananatili. Kung
mayroon man na iba pang alalahanin tulad ng huling araw/oras (I did not use deadline ‘coz I
don’t want your line to be dead I want all of you to be alive and kicking beautifully and
handsomely – he he he) ng pagpasa ay maaari naman pong mapag-usapan.
Marami pong salamat Manatiling maganda, malusog at ligtas!

@olaylaguda

You might also like