You are on page 1of 3

UNIBERSIDAD NG MAKATI

HIGHER SCHOOL NG UMAK

PANGKATANG GAWAIN #1

PANGKALAHATANG PANUTO:
• Basahin ang akademikong sulatin na pinamagatang
MODULAR LEARNING MODALITY: KARANASAN NG MGA MAG-
AARAL MULA SA MGA LIBLIB NA LUGAR SA BAYAN NG JUBAN.
Matapos na mabasa ang saliksik, gamitin ang mga susunod
bilang pagsusuri sa inyong gagawing awtput.

PANGKAT ISA (1)- Ilahad ang layunin at introduksiyon ng binasang pag-


aaral. (5 hanggang 10 pangungusap o higit pa)

IKALAWANG PANGKAT (2)- Ilahad ang katangian at obserbasyon sa akda


batay sa paraan o batayan ng datos- paano kinalap ng mga manunulat
ang datos? Ano ang mga paraang ginamit sa pag-aaral? (5 hanggang 10
pangungusap o higit pa)

IKATLONG PANGKAT (3)- Suriin ang organisasyon ng ideya sa binasang


pag-aaral. Lumikha ng lima hanggang 10 pangungusap o higit pa na
komento batay sa pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay ng mga ideya.
Ito ba ay kronolohikal o walang ayos? Ipaliwanag.

IKAAPAT NA PANGKAT (4)- Anong pananaw ang ginamit ng mga


mananaliksik sa pag-aaral? Ito ba ay obhetibo o subhetibo? Sino o ano
ang tinutukoy sa akda? Ang mga tauhan ba mismo o kanilang mga
pananaw at damdamin? Ipaliwanag gamit ang lima hanggang 10
pangungusap o higit pa na kasagutan.

IKALIMANG PANGKAT (5)- Ilahad ang buod ng akda o pag-aaral gamit


ang lima hanggang 10 pangungusap o higit pa. Ano ang pinaka-
binigyang pansin ng mga mananaliksik o isyu o ideya sa pag-aaral?

IKA-ANIM NA PANGKAT (6)- Ano ang impak ng akademikong sulatin na


iyong binasa? Ito ba ay lubos na makatutulong para sa nagsasagawa ng
pananaliksik tungkol sa isang ispesipikong disiplina? Ipaliwanag. (5
hanggang 10 pangungusap o higit pa)

Mahigpit na susundin ng bawat pangkat ang pormat na ito (maaari ding


gamitin ang template na ito para sa naratibong ulat)
• Short bond paper- 8.5” x 11” ang sukat
• Margin: 1.5” Left, 1” (Top, Right at Bottom)
• Double spaced
• Ang file ay ipapasa sa TBL Hub na naka-PDF.
• File naming: SEKSYON_PANGKAT_PETA 1

Deadline ng pagpapasa: Setyembre 16, 2022 (Biyernes) hanggang sa


ganap na ika-11:00 ng gabi.

Para sa ebalwasyon, may batayang rubriks na gagamitin ang guro para


sa awtput na ito. Gayundin, ang guro ay magbibigay sa bawat GC ng
klase ng rubriks o template para sa ebalwasyon ng lider at ebalwasyon ng
miyembro sa kanilang lider. Mangyari lamang na magtalaga ng isang
google drive ang buong klase na i-sesend sa GC at gagawan na lamang
ng folder para sa bawat pangkat. Ang presidente ng klase ang inaasahan
na manguna para gawin ito.

Para sa iba pang mga paglilinaw o katanungan, maaari pong magpadala


ng direktang mensahe sa account na GINOONG MARNEL CAGA.
Maraming salamat po.

You might also like