You are on page 1of 9

INTERAKTIBONG

TALAKAYAN
1.Ano ang naramdaman ninyo
matapos mapakinggan ang
monologo ni Sisa?
2.Mayroon pa bang babaeng
katulad niya sa kasalukuyan?
3.Ilarawan ang pisikal na anyo
ni Sisa.Masasabi mo bang siya
ay larawan ng maganda at
kabigha-bighaning Pilipina?
Bakit?
4.Kung ikaw si Sisa, ano ang
gagawin mo kung ang iyong
asawa ay malupit, mahilig
magbisyo at walang pag-aaruga
o malasakit sa iyo at sa iyong
mga anak?
5.Para sa iyo gaano kahalaga
ang tungkulin ng ama bilang
isang haligi ng tahanan?
PAGLALAPAT NG ARALIN:
Anong mga damdamin ang
naghari sa iyo habang
pinapakinggan mo ang naging
kapalaran ng tauhan sa nobela?
PAGLALAHAT NG ARALIN:
Bilang isang kabataan, paano
mo maisasabuhay ang mga
katangian ni Sisa?Kakayanin
mo rin bang magsakripisyo para
sa iyong minamahal?Sa
paanong paraan?
Pangyayari mula sa Napakinggang Damdamin tungkol sa Pangyayari
Kapalaran ng Tauhan
1.Takot na takot si Sisa nang makita niya
ang mga guardia civil sa kanilang
munting dampa. Pilit na ipinalalabas sa
kanya ang kanyang dalawang anak na
pinagbibintangang tumakas at nagnakaw
ng pera.
2. Lumuhod si Sisa para magmakaawa na
huwag siyang isama ngunit hindi siya
pinakinggan. Pinagtitinginan at kinukutya
siya ng mga taong nakakita sa kanya.

3. …..Crispin.” nagpagala-gala si Sisa.


Umiiyak ng kakatwa.Minsan ay umaawit
at kinakausap ang lahat ng bagay
TAKDA:
-Magtala ng pagkakaiba ng katangian
ng isang ina noon at sa kasalukuyan
batay sa napanood na dulang
pantelebisyon
-Magdala ng larawan ng iyong ina at
larawan ng isang babaeng
maihahalintulad kay Sisa.

You might also like