You are on page 1of 2

Banghay-Aralin sa Filipino

Para sa Grade 10
I.Layunin

1. Nauusisa ng mag-aaral ang tungkol sa anekdota.

2. Nakapaglikha ng sarili nilang anekdota batay sa paksang tinalakay.

3. Nalilinang ang pagpapahalaga sa anekdota bilang isang akdang pampanitikan.

PaksangAralin Paksa : Akasya o Kalabasa (Anekdota) Ni: Consolacion P. Conde

Sanggunian: Panitikang Pandaigdig 10

Kagamitan: Laptop, Mga Kagamitang pampagtuturo

1. III. Pamamaraan
2.
3. A. Paghahanda
4. a. Panimulang Gawain
5.  Panalangin
6.  Pagbati
7.  Pagtala ng Liban
8. b. Balik-aral Bago tayo dadako sa ating bagong talakayan ngayong hapon, ano nga ulit ang
tinalakay natin kahapon?
9.
10. c. Pagganyak
11. Sa hapong ito ay may ipapakita akong mga larawan. Suriin ninyo kung anong larawan ang
inyong nakita.

B.Paglalahad
a. Pagbasa ng kwento
Ngayon ay basahin ninyo ang isang kwento na pinamagatang Akasya o Kalabasa ni
Consolacion P. Conde.
Kung sino yaong gustong bumasa pkitaas lamang ng inyong mga kamay.

2. b. Pagtalakay sa Binasa
Tatalakayin ang binasang kwento sa pamamagitan ng pagtatanong.
1. Naunawaan ba ninyo ang inyong binasa?
2. Anong katangian mayroon ang akda?
3. Sino ang makapagpapaliwanag sa pangyayari sa kwento gamit ang diskursong pagsasalaysay?
4. Anong uri ng kwento ang inyong binasa?
c. Pagpapakahulugan sa Anekdota Bibigyang kahulugan ang anekdota.

d. Paglalapat
1. Anong aral ang napulot o nakuha ninyo sa binasang kwento?
2. May karanasan ba kayo sa buhay na isang nakawiwiling pangyayari?
3. Naging hamon ba ang karanasang ito sa inyo upang maging isang matatag na tao? e.

Pagsasanay Sa puntong ito ay sumulat kayo ng isang karanasan na hawig sa binasang anekdota.
Maaaring tungkol sa sarili o kakilala. Isulat ito sa isang buong papel. Pagkatapos ay pipili ako ng
iilan upang ibahagi ang mga isinulat ninyong karanasan.
IV. Pagtataya Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang saggot sa kalahating papel.
1. Bakit pinamagatang akasya o kalabasa ang kwento?
2. Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang anekdota?
3. Bakit naging akdang pampanitikan ang anekdota?
4. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang kauri nito? V. Takdang Aralin Panuto: Basahin ang
Mullah Nassreddin sa pahina 255.

You might also like