You are on page 1of 2

BANGHAY ARALIN SA Filipino VI

BY: RICKY T. PAGALILAUAN

I. Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang napakinggan.


Nagagamit sa pangungusap ang mga pang-angkop na –ng, -na-, at –G.
Nasasabi kung kailan ginagamit ang mga pang-angkop.

II. Mga Pang-angkop

F6WG-IIIi-10 (Pang-angkop)
Landas sa Wika 6, pp. 187-190
Kagamitan: plaskard, tsart, larawan, aktibity kard, LCD
Springboard: tula
Stratehiya: Chunking Method, Read-A-Thon, Semantic Web, Pangkatang Gawain
Pagpapahalaga: Pagmamahal sa matanda

III. A. Panimulang Gawain


1. Tsek attendance
2. Balik-aralan:
- ibigay ang mga katinig
- ibigay ang mga patinig
3. Pangganyak:
Sino sa inyo ang may Lolo?
Ano ang katangian niya?
4. Pag-alis ng sagabal:
dukha, mapanglaw, bakuran
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. ibigay ang pamantayan sa pakikinig
b. Ngayong hapon ay may pakikinggan kayong tula tungkol sa matandang masipag.
c. Pagbuo ng Pangganyak na tanong
Ano ang gusto ninyong malaman sa tula?
d. Iparinig ang tula- (see ppt.)
“Matandang Masipag”
(chungking mehod)- larawan
Lahad ang tsart ng tula
(pagbasa Read-A-Thon)
2. Talakayan
a. Pagsagot ng Pangganyak na tanong
b. Pagsagot pa ng ibang tanong
- Tungkol Saan ang tula?
- Saan nakatira ang matandang masipag?
Anong katangian mayroon ang matanda?
(Semantic Web)

Katangian ng matanda

c. Basahin ang sumusunod na dalawang salita.


Pansinin ang mga titik na may salungguhit.
I. matandang mahirap
malayong gubat

II. masipag na matanda


manok na inahin

III. bakurang malawak


gawaing kapaki-pakinabang
Anong kataga ang may salungguhit?
Ang mga katagang –ng, -na-, at –g ay mga pang-angkop.
Aling pang-angkop ang nakadugtong?
Aling pang-angkop ang nakahiwalay?

Anong pang-angkop ang ginamit sa unang pangkat na parirala?


Anong titik ang sinusundan nito?
Anong masasabi ninyo sa gamit ng pang-angkop na –ng?

Anong pang-angkop ang ginamit sa ikalawang pangkat na parirala?


Anong titik ang sinusundan nito?
Anong masasabi ninyo sa gamit ng pang-angkop na –na-?

Anong pang-angkop ang ginamit sa ikatlong pangkat na parirala?


Anong titik ang sinusundan nito?
Anong masasabi ninyo sa gamit ng pang-angkop na –g?
3. Paglalapat
(plaskard ng mga parirala)
Show-me-board –ng, na, g
Itaas ang tamang pang-angkopna nakasulat sa inyong show-me-board para sa sagot ng pariralang
ipapakita ko. (pagpapaliwanag ng sagot)
4. Paglalahat
Ano ang tawag sa mga katagang nag-uugnay sa dalawang salita?
Ano ang pang-angkop?
Kailan ginagamit ang ng? na? g?
C. Pagpapayamang Gawain
Pangkatang Gawain
-(Aktibity Kard)
Gamitin sa pangungusap ang mga parirala at lagyan ng kaukulang pang-angkop.

1. masipag __ mag-aaral
2. pagkain __ pampalusog
3. dalawa__ anak

Sa pag-uulat ipaliwanag ang sagot.


-Pag-uulat ng bawat pangkat
IV. Gamitin sa pangungusap ang mga parirala at lagyan ng kaukulang pang-angkop.
1. bata__ magalang
2. mataas__ puno
3. bayan__ minamahal
V. Sumulat ng tig 2 pangungusap gamit ang bawat pang-angkop.

You might also like