You are on page 1of 3

Ruby Mae Andres December 13, 2023

Task 2: Midterm Exam Prof. Reynita U. Macaraeg

I. Layunin

A. Nasasagot ang mga katanungan mula sa tulang binasa.


B. Nailalalarawan ang mga pangngalan gamit ang mga pang-uri.
C. Nakasusulat ng mga pangungusap gamit ang mga salitang naglalarawan.

II. Nilalaman
A. Pagsagot ang mga katanungan mula sa tulang binasa.
B. Paglalarawan ang mga pangngalan gamit ang mga pang-uri.
C. Pagsusulat ng mga pangungusap gamit ang mga salitang naglalarawan.

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
• Pagpapabasa ng mga salitang naglalarawan.
1. maganda
2. pula
3. malaki
4. mataba
5. masipag
• Paghahawan ng balakid.
Magpapakita ng mga larawan na may kaugnayan sa mga salitang naglalarawan
sa itaas. Ipagagamit ang mga salitang ito sa pangungusap base sa larawan
upang maibigay ang kahulugan ng salita.

• Magpakita ng larawan ng isang batang lalaki.


Ganyakin ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagpapalarawan sa batang
nasa larawan.
• Sabihin na ang kanilang bagong aralin ay may kinalaman sa isang batang bibo.
B. Paglalahad
• Banggitin ang mga inaasahan sa mga mag-aaral.
• Basahin ang tula/ Ipabasa ang tula/ Iparinig ang tula gamit ang self-made video
ng guro. Ngunit bago magpabasa o magparinig ng tula ay magbigay ng tanong
pagganyak.
1. Sino ang batang bibo?
2. Ano ang mga katangian ni Biboy na nagpapatunay na siya ay bibo?
3. Anong salita ang kasingtunog ng mabait?
4. Paano mo napatunayan na si Biboy ay mabait?
5. Sa ikatlong saknong ng tula, ano ang katangian ni Biboy na binanggit ng
may-akda?
6. Bakit siya matatawag na palakaibigan?
7. Ikaw ba ay may kaibigan?
8. Paano mo ipinakikita ang pagmamahal mo sa iyong kaibigan?
9. Ano namang katangian ni Biboy ang nabanggit sa ikaapat na saknong?
10. Patunayan na si Biboy ay masipag.
• Ipabasa ang tula sa mga mag-aaral.

C. Pagtatalakay
• Talakayin ang nilalaman ng tula.
• Sagutan ang mga comprehension questions.
• Tanungin ang mga mag-aaral kung anu- ano ang katangian ng bata sa tula.
• Gumamit ng organayser ng paglalarawan sa batang bibo.
• Pabigayin ang mga mag-aaral ng mga pangungusap tungkol sa bata sa tula.
• Pangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat.
• Bigyan sila ng tig-iisang larawan na ilalarawan. (Mag sisimula sa salita na
gagamitin nila sa pagbubuo ng pangungusap na isusulat sa kanilang
organayser/ show me board.

D. Paglalahat
• Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang kanilang natutuhan sa aralin.
• Ano ang pang-uri? Anu-ano ang inilalarawan ng pang-uri?

E. Paglalapat
• Tanung ang mga bata kung kailan nila nagagamit, ginagamit, o magagamit
natutuhan mo sa aralin?
• “Bukod sa iyong kaibigan, kaya mo rin bang ilarawan ang iyong guro?”

IV. Pagtataya:
• Lagyan ng limang salitang naglalarawan sa palibot ng larawan ng mangga.
• Bumuo ng limang pangungusap sa ibaba ng papel gamit ang mga salitang
naglalarawan na isinulat sa palibot ng mangga.

V. Takda:
• Sumulat ng pangungusap na inilalarawan ang iyong kapatid.

You might also like