You are on page 1of 3

/ lv MAIKLING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO III

I.   LAYUNIN:
Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
A. Natutukoy ang mga salitang kilos sa pangungusap;
B. Nakapagsasabi ng pangungusap na may pandiwa; at
C. Nakasusunod sa mga panuto.

II. PAKSANG-ARALIN:
Paksa: Pandiwa
Kagamitan: Mga larawan, Visual Aids
Sanggunian: Curriculum Guide p. 78 AP3EAP-IVa; TG p. 201
Pagpapahalaga: Pagsunod sa panuto

III. PAMAMARAAN:
Panimulang Gawain
Panalangin: Magtatawag ang guro ng isang mag-aaral upang pangunahan ang
panalangin
Pagbati: Babatiin ng guro ang kanyang klase at tatanungin ang kanilang kalagayan
Pagtala sa lumiban: Aalamin ng guro kung may mag-aaral bang lumiban sa klase
Paglatag ng Alituntunin: Sasabihin ng guro ang mga alituntunin
Balik-Aral
Ano ang tinalakay natin kahapon?
Ano ang ibig sabihin ng pangungusap?
A. Pagganyak
Magpakita ng larawan sa mga bata.
Ano ang nasa larawan?
Anu-ano ang ginagawa ng mga bata?
B. Paglalahad
Ibabahagi ng guro ang bagong paksa sa klase.
Babasahin ng Guro ang layunin ng aralin
C. Pagtatalakay sa Aralin
Bigyan kahulugan ang pandiwa.
Pandiwa- bahagi ng pananalita na nagsasad ng kilos ng isang tao, bagay o hayop.
Magbigay ng mga halimbawa
* Naglalakad
* Kumakain
* Lumalangoy

D. Paglalapat
Isulat sa papel ang mga salitang kilos na makikita sa talata.

Ang Masipag na si Ira


Sa Baryo Sitio Caliclic may masipag na mag-aaral na nagngangalang Ira na
kung saan maaga siyang gumigising sa umaga upang magluto ng almusal at
maglinis ng kanilang bahay. Masipag at mabait si Ira na mag-aaral sa katunayan
apat na kilometro ang kanyang nilalakad araw-araw papuntang paaralan. Dagdag
pa nito, si Ira rin ay honor student kung kaya bilib ang kanyang magulang at
kaibigan niya sa kanyang sipag at tiyaga na mag-aaral ng mabuti.

1.
2.
3.
4.
5.

IV. Ebalwasyon
Ang bawat mag-aaral ay magbibigay ng limang halimbawa ng salitang kilos na
ginagawa nila tuwing umaga.

V.Takdang Aralin

Sumulat ng limang pangungusap na may salitang kilos o pandiwa. (50 puntos)

Rubrics: (Bawat pangungusap )


Pamantayan Puntos
Nilalaman 5
Gramatika 3
Pagsunod sa panuto 2
Kabuuan 10

You might also like