You are on page 1of 2

Banghay Aralin sa Filipino III

I. Mga Layunin

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;


a. Natutukoy ang pang-abay sa isang dayalogo
b. Nagagamit ang Pang-abay upang mabuo ang pangungusap
c. Nauuri ang pang-abay

II. Paksang Aralin

Paksa: Pang-abay
Sanggunian: Pinagyamang Pluma wika at Pagbasa 3 para sa Elementarya
Pahina 224-244
Awtor-Koordinasyon: Alma M. Dayag
Kagamitan: mga larawan, pisara at tisa
Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa kulturang Pinoy ay pagiging Pilipino

III. Pamamaraan

A. Pangunahing Gawain
a. Pagbabalik aral
 Tanungin ang nakaraang aralin sa mga mag- aaral.
b. Pagganyak
 Itanong sa mga mag-aaral kung may alam silang bugtong.
 Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng tatlong halimbawa ng bugtong.
c. Bago ang pagbasa
 Ibigay ang kaukulang pamantayan sa pagbasa at pakikinig ng
dayalogo.
d. Pagbasa
 Basahin ang dayalogo na ilalagay sa pisara.
e. Pagkatapos ng pagbasa
 Magtatanong ng mga bagay tungkol sa dayalogong binasa.
f. Paglalahad
 Magtatanong sa mga mag-aaral kung ano ang kanilang mga
napapansin sa m
mga salitang may salungguhit mula sa dayalogong binasa.

 Ibigay ang mga pangungusap na ipapasuri sa mga mag-aaral.


g. Paglalagom/Paglalahat
 Ano ang pang-abay?
 Anu-ano ang mga uri ng pang-abay?

IV. Pagtataya

Isulat sa patlang ang titik PR kung ang pang-abay na may salunguhit ay pang-
abay na pamaraan, PN ito’y pang-abay na pamanahon at PL kung ito ay pang-abay na
panlunan.

V. Takdang Aralin

Magsalaysay ng isang karanasan na hindi mo makakalimutan. Gumamit ng mga


pang-abay sa pangungusap.

You might also like