You are on page 1of 7

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN GRADE IV

I. layunun:
Natutukoy ang tatlong sangay ng pamahalaan at naipapaliwanag ang kapangyarihan at
tungkulin ng bawat sangay.

II. Sanggunian at kagamitan:


A. Paksa: Magkakaugnay na Kapangyarihan ng Tatlong Sangay ng Pamahalaan
B. Kagamitan: manila paper, tsart, pentelp pen
C. Sanggunian: AP4PAB-IIIa-b-2
III. Pamamaraan

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


A. PANIMULA

Magandang hapon mga bata kumusta kayo?


Mabuti! Okay lang po
Ngayon tumayo ang lahat para sa panalangin.
Ralph pamunuan ang panalangin.
Bago mag s-iupo ang lahat pulutin muna ang mga
basura sa ilalim ng iyong mga lamesa.

Ngayon naman sabihin ang present kung nandito


kayo sa silid aralan.

Balik Aral:
Ano ang huling tinalakay natin? Tungkol saan?

B. PAGGANYAK
Tungkol po sa balangkas at tungkulin ng
Bago ako magsimula sa ating aralin, sagutan pamahalaan
muna natin ang HANAP-SALITA
Panuto: Hanapin at bilugan ang salita na
mayroong kaugnayan sa pamahalaan.

H D W L S G T E T T
U E H E K U T I B O
K S R H C T R P G Y
L F W I B O I L C P
O C E S E N A D O O
K S E L H P O O O L
N A R A L L P S A I
M H H T K J E T A O
H U D I K A T U R A
N K Y B O K A E T N
M O U O O L N O E R
G M J L I A A S D T
Lehislatibo, hudikatura, senado,
Ano ang mga nakikita niyo na my kaugnayan ha
pamahalaan? Ehekutibo, hukom
Yun lang? meron pa.
Magaling!

C. PAGTATALAKAY
Ngayon naman ay tatanungin ko kayo kung may Tungkol po sa tatlong sangay ng
ideya na ba kayo kung ano ang tatalakayin natin? pamahalaan

Tama!

Ang tatalakayin natin ngayon ay tungkol sa


kapangyarihan at tungkulin ng tatlong sangay
ng pamahalaan.
Ito po ay ehekutibo, lehislatibo, hudikatura
Ano ang tatlong sangay ng pamahalaan?

Tama!

Kapangyarihan at Tungkulin ng Tatlong


Sangay ng Pamahalaan

Una ay ang Tagapagpaganap o Ehekutibo


Ang sangay na ito ay tumitiyak na ang mga
batas na ginagawa ng kongreso ay
naipapatupad upang mapangalagaan ang
kapakanan ng mga mamamayan ng bansa.
Ang sangay na ito ay pinamumunuan ng
pangulo katuwang ni ang pangalawang
pangulo at ang gabinete na binubuo ng mga
kalihim ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan. Bong Bong Marcos po.
Inday Sara Duterte po ma’am.
Sino ang kasalukuyang pangulo ng ating bansa?
Ehh ang pangalawang pangulo?

Sa kasalukuyan ang pangulo ng ating bansa ay


si President Ferdinand Romualdez Marcos Jr.

At ang pangalawang pangulo naman ay si Vice


President Sara Zimmerman Duterte-Corpio.
Narito naman ang ilan sa mga halimbawa ng
myembro ng gabinete sila yung kalihim o
secretary ng mga ahensya ng pamahalaan sa
kagawaran ng Edukasyon o Department of
Education (DepEd) na pinamumunuan ni Vice
President Sara Duretre. Sa kagawaran ng
Kalusugan o Department of Health (DOH) ay
pinamumunuan ni secretary Maria Rosario
Vergeire. Ang pangunahing ahensya ng DOLE, PAGASA, AFP, DOJ at iba pa.
pamahalaan na sumasagupa sa banta ng
pandemya.

Ano pa ang iyong alam na mga ahensIya?

Upang ganap na maintindihan ang tungkulin


nag tagapagpaganap ay tinitiyak ng sangay na
ito na ipapatupad ang mga batas at mga
programa para sa kapakanan ng mga
mamamayan ng bansa, sa madaling sabi o salita
ang sangay na ito ang tagapagpatupad ng mga
batas at programa sa Pilipinas.

Ang pangulo ng Pilipinas bilang pinunu ng


sangay Tagapagpatupad siya rin ang komander
ng sandatahang lakas ng bansa kaya maaaring
iatas ng pangulo ang pagsupil sa anumang
karahasan , pananalakay o paghihimagsig at
isailalim ang bansa sa batas militar kung
kinakailangan.

Taglay rin ng pangulo ang Veto Power o ang


kapangyarihan ng pangulo na tanggihan ang
isang panukalang batas na ipinasa ng kongreso.
(kung sa tingin niya ang naturang batas ay hindi
nakabubuti sa sambayanang Pilipino ang
pangulo rin ang nagtatalaga ng iba’t ibang
kalihim na mamumuno sa iba’t ibang ahensya
ng pamahalaan siya rin ang pumipili ng punong
mahestrado o Chief Justice ng Korte Suprema
gayundin sa mababang hukuman).

Ang sunod naman ay ang Sangay


Tagapagbatas o Lehislatibo

Ito yung sangay na gumagawa ng mga batas sa


bansa.

May dalawang kapulungan ang sangay na


tagapagbatas ang mataas na kapulungan at
ang mababang kapulungan.
Si Senator Vincente Sotto III
Ang mataas na kapulungan o senado ay
binubuo ng mga senator ng Philipinas ito ay
pinamumunuan ng president ng senado.

Sino ang kasalukuyang presidenti ng senado


kilala niyo ba?

Tama!

Ang mababang kapulungan naman o ang


kapulungan ng kunatawan ay binubuo ng mga
kongresista o kinatawan sa iba’t ibang distrito
sa pPilipinas at ito ay pinamumunuan ng House
Speaker. Bukod sa paggawa ng batas
nakasalalay din sa kongreso ang mga
imbistigasyon at pananaliksik para makatulong
sa mga kanilang gagawing batas at ang maging
ang pambansang badyet ay dumadaan din
muna sa pagsusuri ng sangay tagapagbatas.

Ang Sangay Tagapagbatas ay may special din


kapangyarihan.
Sa mataas na kapulungan ito ay ang
pagpapatibay ng mga kasunduan ng Pilipinas sa
ibang bansa ay isang kapangyarihan ng senado. Opo!

Sa mababang kapulungan naman ay ang


pagsasampa naman ng kasong impeachment o Sila po ang gumagawa ng mga batas sa
pagkakatanggal sa pwesto sa mataas na opisyal bansang Pilipinas.
ay kapangyarihan naman ng kapulungan ng
kinatawan.

Naintindihan naba an sangay tagapagbatas?

Kung na intindihan ano ang sangay


tagapagbatas?

Okay magaling!

Ang pangatlong sangay ay ang Sangay


Tagapaghukom

Ang sangay na ito ay nagbibigay ng


interpretasyon sa mga batas.
Ang kapangyarihang panghukuman ay nasa
ilalim ng kataas taasang hukuman o ang Korte
Suprema at mababang hukuman.
Ang sangay na ito ay binubuo ng mga
mahistrado at pinamumunuan ng punong
mahistrado o Chief Justice Opo! Si Alexander Gesmundo.

Sa Korte Suprema dumudulog ang sino mang


tao ang hindi sumasangayon sa anumang
desisyon ng mababang hukuman maging ang
dalawang sangay ng pamahalaan kung may
tanong sa mga legalidad ng batas.

Kilala niyo ba ang kasalukuyang Chief Justice ng


bansa?

Tama!
Ito po ay ang sangay tagapagpaganap o
Ang pangunahing papel ng sangay na ito ay ehekutibo, sangay tagapagbatas o
Nagbibigay ng interpretasyon sa mga batas at lehislatibo, at sangay tagapaghukom o
isulung ang walang kinikilingan at mabilis na hudikatura
pag-papatupad ng katarungan sa kahit sino
mang mamamayan ng bansa.
Opo!
D. PAGLALAHAT Wala na po!

Ano ang tatlong sangay ng pamahalaan?

Magaling!

Naintindihan niyo naba ang tatlong sangay?


Wala nabang mga katanungan? Kung wala na
mag

E. PAGLALAPAT

Ngayon hahatiin ko kayo sa tatlong grupo.


Panuto:
Palawakin ang iyong natutunan sa susunod na
gawain. Itala sa bawat kahon ang
kapangyarihang taglay ng bawat sangay ng
pamahalaan. Kasunod nito, isulat kung sino ang Opo!
kasalukuyang pinuno ng bawat sangay ng
pamahalaan.

Pangkat 1: Sangay na Tagapagbatas


Pangkat 2: Sangay na Tagapagpaganap

Pagkat 3: Sangay na Tagapaghukom

Naitindihan?

Sige mag simula na.

F. PAGTATAYA

1. Ito ang sangay ng pamahalaan na gumagawa


ng mga batas.
2. Sangay ng pamahalaan na nagbibigay
interpretasyon sa mga batas at nagsusulong ng
walang kinikilingan at mabilis na katarungan sa
kahit sinong mamamayan.
3. Sangay ng pamahalaan na nagpapatupad ng
mga batas at programa sa kapakanan ng mga
mamamayan.
4-5. Ano ang dalawang kapulungan ng sangay na
tagapagbatas o lehislatibo?

G. TAKDANG ARALIN

TALI-MAZING. Gawan mo ng tali ang lobo at


idugtong sa tamang paglalarawan ayon sa
nakasulat na salita sa loob nito. Isulat sa
kwaderno.
Inihanda ni: Sheila Mae F. Sapilan
Beed 2-a

You might also like