You are on page 1of 13

HEALTH 5

Quarter 4 Week 5
Balik-aral:
Ayusin ang mga salita upang
mabuo ang mga layunin ng
pangunang lunas.
Maiwasan ang paglala ng pinsala
Mabawasan ang kirot na nararamdaman ng biktima
Mapahaba ang buhay ng tao
Panoorin ang isang video clip.
Pagkatapos ay ibigay ang inyong
opinyon tungkol dito.
NEXT
PANGKATANG GAWAIN

Ang bawat pangkat ay lalapit sa mga


istasyon. Babasahin ang panuntunan
ng pangunang lunas na nakasulat dito
at isusulat sa isang papel ang buod
nito.
Sanggunian: Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5,
pah. 204-206
TALAKAYAN

Tumawag ng isang miyembro sa


bawat pangkat upang iulat ang
sagot.
Talakayin ang sagot ng bawat
pangkat.
PAGPAPALALIM

Maglaro ng Roll-the-Dice
1. Magpapatugtog habang ipinapasa ang dice.
2. Kapag huminto ang tugtog, ang batang
may hawak ng dice ang magpapagulong nito.
3. Ang katapat na tanong sa numero ng dice
ay dapat niyang sagutin.

NEXT
PAGLALAHAT

Anu-ano ang mga panuntunan sa


pangunang lunas?

Bakit kailangang sundin ang mga ito?


INTEGRASYON SA IBANG ASIGNATURA

Magbigay ng pangungusap na pautos


tungkol sa mga panuntunan sa paunang
lunas.
PAGLALAPAT
A. Isadula ang sumusunod na sitwasyon.
Pangkat I – May kaklase kayong binabalinguyngoy
(nosebleed) at hindi ninyo alam ang pangunang lunas
dito. Ano ang inyong gagawin?

Pangkat II – Nilalagnat ang isa ninyong kaklase


habang ang isa pa ay biglang nahimatay. Ano ang
inyong gagawin?
PAGLALAPAT
B. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Sabihin
kung TAMA o MALI ang isinasaad ng bawat isa.
1. Unang isaalang- alang ang kaligtasan ng taong
napinsala.
2. Magsagawa muna ng pagsusuri bago maglapat ng
pangunang lunas.
3. Maglapat ng pangunang lunas kahit walang sapat
na kaalaman.
4. Tiyaking ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang
biktima.
5. Hilahin sa ligtas na lugar ang biktima.
PAGTATAYA
Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang
sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasali sa mga
panuntunan sa pangunang lunas?
A. Sumugod agad sa pinangyarihan ng sakuna at
iligtas ang biktima.
B. Magsagawa ng pangunang pagsusuri.
C. Isagawa ang madaliang kilos.
2. Bakit dapat nating sundin ang mga panuntunan sa
pangunang lunas?
A. Upang tayo ay maging sikat.
B. Upang pasalamatan tayo ng biktima.
C. Upang mailigtas natin nang maayos ang biktima.
3. Bakit kailangang suriin ang lugar bago lapitan ang
biktima?
A. Upang makita nang malapitan ang biktima.
B. Upang malaman kung ligtas ang lugar sa
pagbibigay ng pangunang lunas.
C. Upang malaman kung may kayamanan sa lugar na
maaaring pakinabangan.
4. Ano ang maaaring mangyari kung hindi pag-
iisipan ang pagbibigay ng pangunang lunas sa mga
biktima ng sakuna o aksidente?
A. Maiiligtas natin ang biktima.
B. Mabibigyan tayo ng award.
C. Lalaki ang pinsala ng biktima.
5. May kaklase kang nahimatay sa loob ng silid-
aralan at wala kang kaalaman sa pagbibigay ng
pangunang lunas. Anong gagawin mo?
A. Hihingi ako ng tulong sa mas nakatatanda sa
akin.
B. Papaypayan ko siya nang papaypayan hanggang
magising.
C. Iiwanan ko na lang siya sa loob ng aming silid
aralan.

You might also like