You are on page 1of 6

Kasaysayan ng Wikang Pambansa

Malayo-Polinesyo • angkang kinabibilangan ng mga wikang Indonesian (Tagalog,


Visayan, Ilocano, Pampango, Samar-Leyte, Bicol at iba pa sa Pilipinas) at Malay •
sumunod ang laki sa wikang sakop ng angkang Indo-European (pinakamalaki) na
kinabibilangan ng Espanyol at Ingles

Saligang Batas ng Biak na Bato • ang wikang opisyal ng Katipunan ay Tagalog na


naging midyum sa mga pahatid-sulat at dokumento ng kilusan

Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIII, Seksyon 3 • “Ang Pambansang Asemblea


ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang
komong wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.
Hanggat hindi ipinag-utos ng batas, mananatili ang Ingles at Kastila bilang mga
opisyal na wika.”

Batas Komonwelt Blg. 184 • naglalayong bumuo ng samahang pangwikang (Surian


ng Wikang Pambansa o SWP) tutupad sa hinihingi ng konstitusyon, ang naging unang
pinuno nito ay si Jaime C. De Veyra

Batas Komonwelt Blg.333 • nagpatibay sa pagkakaroon ng SWP

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 • matapos ang sampung buwang pag-aaral,


ipinalabas ng SWP ang resolusyong nagsasabing Tagalog ang lubos na nakatugon sa
ginawa nilang pag-aaral, ang Tagalog ay batayan ng wikang pambansa
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 • nabuong ganap ni Lope K. Santos (Ama ng
Balarilang Tagalog) ang talatinigang may pamagat na “A Tagalog-English
Dictionary” at “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”

Kautusang Pangkagawaran Blg.1 • iniutos ng kalihim ng Pampublikong


Instruksyon, Jorge Bocobo na ituro sa lahat ng paaralan ang pambansang wika na base
sa Tagalog, taong panuruan 1940-1941

Order Militar Blg. 13 • ibinaba noong panahon ng pananakop ng Hapon, ginawang


opisyal na mga wika ng Pilipinas ang wikang Hapon at Tagalog

Batas ng Komonwelt Blg. 570 (Hulyo 4, 1946) • Ang wikang pambansa ay


tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay maging isa nang wikang opisyal ng
Pilipinas.

Proklama Blg. 12 (Marso 26, 1954) • Nilagdaan ni Pangulong Ramon Magsaysay


ang pagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika, simula sa Marso 29 hanggang
Abril 4 at Araw ni Balagtas tuwing Abril 2 na kanya ring kaarawan ayon sa mungkahi
ng Surian ng Wikang Pambansa.

Proklama Blg. 186 ( Set. 23, 1955) • Nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang susog
sa Proklama bilang 12 na inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng
Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto bilang
paggalang sa kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon, "Ama ng Wikang
Pambansa“.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (1959) • Sa pamamahala ng Kalihim ng


Edukasyon Jose B. Romero, ipinatupad ang pagtawag sa wikang pambansa na
Pilipino bilang pamalit sa mahabang itinawag ng Batas Komonwelt Blg. 570.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 24 (Nob. 14, 1962) • Ang mga sertipiko at
diploma ng pagtatapos simula sa taong-aralan 1963-1964 ay ipalilimbag na o may
salin sa wikang Pilipino.

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 (Okt. 24, 1967) • Ang lahat ng edipisyo,


gusali at tanggapan ng pamahalaan ay pangalanan sa Pilipino. Ito ay nilagdaan ni
Pangulong Ferdinand Marcos.

Memorandum Sirkular Blg. 172 (Marso 27, 1968) • Ipinag-utos na ang mga
letterhead ng mga tanggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino, kalakip ang
kaukulang teksto sa Ingles. Ipinag-utos din na ang pormularyo sa panunumpa sa
tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan ay sa Pilipino gagawin. Nilagdaan
ito ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas.

Saligang Batas ng 1973 Artikulo XIV, Seksyon 3 • Ang Pambansang Asamblea ay


gagawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat
na wikang pambansa na tatawaging Filipino. Hanggat hindi nagpapatibay ang batas
ng naiiba, ang Ingles at Pilipino ang siyang wikang opisyal

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 (Hulyo 10, 1974) • Itinakda ang mga


panuntunan sa pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilinggwal sa mga paaralan
na nagsimula sa taong panuruan 1974-75. Ang patakarang ito ay nag-uutos ng
magkahiwalay na paggamit ng Pilipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo ng mga
tiyak na asignatura sa primarya, intermedya at sekundarya.

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksyon 6 • “Ang wikang pambansa ng


Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin
pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.”

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 7 • "Ukol sa layunin ng


komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino, at
hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong sa mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga
wikang panturo roon.“

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 8 • “Ang Konstitusyon ito ay


dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang
panrehiyon, Arabic at Kastila.”

Saligang Batas ng 1987, Artikulo XIV, Seksiyon 9 • “Dapat magtatag ang Kongreso
ng isang komisyon ng wikang pambansa ng binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang
rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga
pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili sa Filipino at iba
pang mga wika.”

Kautusang Pangkagawaran Blg.52, (1987) • Isinaad ang pagbabago sa Patakarang


Edukasyong Bilinggwal nang ganito…”Ang patakarang Bilinggwal ay naglalayong
makapagtamo ng kahusayan sa Filipino at Ingles sa antas pambansa, sa pamamagitan
ng pagtuturo ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo sa lahat ng
antas.”

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 (Enero, 1987) • Nilagdaan ng Pangulong


Aquino ang paglikha ng Linangan ng mga Wika sa Pilipinas (LWP) bilang pamalit sa
dating SWP at makatugon sa panibagong iniatas na gawain nitong patuloy na
pagsasaliksik at pagpapaunlad ng wikang pambansa.

Batas Republika Blg. 7104 (Agosto 14, 1991) • Itinatag ang Komisyon sa Wikang
Filipino (KWF), bilang pagsunod sa itinatadhana ng Saligang Batas ng 1987,
Seksiyon 9. Ito rin ay pamalit sa dating SWP at LWP.

Proklamasyon Blg. 1041 (1997) • Ang taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang


Pambansa, Agosto 1-31. Nilagdaan ito ni Pangulong Ramos.
Kagawaran ng Edukasyon- Ordinansa Blg. 74 (2009) • Isinainstitusyon ang gamit
ng Inang Wika sa Elementarya o Multilingual Language Education (MLE). (Nauna
rito, may inilahad nang bersyon ang ikalabing-apat na Kongreso ng Mababang
Kapulungan na House Bill No. 3719- An Act Establishing a Multi-Lingual Education
and Literacy Program and for other Purposes sa pamamagitan ni Hon. Magtanggol T.
Gunigundo.)

Wikang Filipino • Ayon sa ipinalabas na Resolusyon Blg. 1-92 (Mayo 13, 1992) na
sinusugan ng Resolusyon Blg. 1-96 (Agosto,1996) ng Komisyon sa Wikang Filipino,
ang depinisyon ng Filipino ay…

“…ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas- bilang wika ng


komunikasyon ng mga etnikong grupo. Katulad ng iba pang wikang buhay, ang
Filipino ay dumaraan sa proseso ng paglinang sa pamamagitan ng mga paghihiram sa
mga wika ng Pilipinas at mga di-katutubong wika at sa ebolusyon ng iba’t ibang
barayti ng wika para sa iba-ibang sitwasyon, sa mga nagsasalita nito na may iba’t
ibang salitang sosyal, at para sa mga paksa ng talakayan at iskolarling pagpapahayag.”
• Sa panayam na ibinigay ni Komisyuner Ricardo Ma. Duran Nolasco ( ng KWF,
2007) sa Mariano Marcos State University, aniya ang kasalukuyang Filipino ay dating
wika ng Katagalugan na naging wikang pambansa bunga ng kombinasyon ng mga
pangyayaring historikal, ekonomikal at sosyopolitikal kayat naging pambansang
lingua franca ng magkakaibang etnolinggwistikong grupo sa bansa.

Kautusang Pangkagawaran Blg. 81 • nagpapatibay sa alpabeto at patnubay sa


ispeling ng wikang Filipino, kasabay ng tuwirang pagtukoy ng Konstitusyon ng 1987
sa wikang pambansa

Alpabetong Filipino (1987) • Ang pagbaybay ay patitik at bibigkasin ayon sa tawag-


Ingles maliban sa ñ (enye) na tawag-Kastila (ey, bi, si, di, i, ef, dzi, eyts, ay, dzey,
key, el, em, en, enye, endzi, o, pi, kyu, ar, es, ti, yu, vi, dobol yu, eks, way, zi).
Kautusang Pangkagawaran blg. 45, s. 2001 (2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay
sa Ispeling ng Wikang Filipino) • may 28 letra pa rin sa 2001 alfabeto, walang
idinagdag, walang ibinawas at gumaganap bilang pagpapatuloy ng 1987 Patnubay….
Ang binago ay mga tuntunin sa paggamit ng walong dagdag na letra na pinagmulan
ng maraming kalituhan simula nang pormal na ipinasok sa alpabeto ng 1976.
Kautusang Pangkagawaran Blg. 42, s. 2006 • pansamantalang nagpapatigil sa
implementasyon ng 2001 Revisyon sa Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang
Filipino. Itinagubilin pa ang pansamantalang paggamit at pagsangguni sa 1987
Alpabeto at Patnubay sa Ispeling habang ang KWF ay nagsasagawa ng mga
konsultasyon

Mayo, 2008 • ipinalabas ang pinal na burador ng Gabay sa Ortograpiya ng Wikang


Pambansa, nakabatay ito sa 1987 Patnubay…, tinapos na ang pagkalito sa maluwag
na paggamit ng 2001 Revisyon….

"Sariling Wika'y mahalin, yakapin at pagyamanin,


pagkat ito'y tanda ng pagiging isa natin"
- Norman Jr.

You might also like