You are on page 1of 5

A.

Pamagat: Paggamit ng Social Media bilang Kasangkapan ng Patalastas para sa isang


Pangyayari o “Event”

Nagsagawa ng pangangalap ng mga datos ang mananaliksik sa pamamagitan ng


pagsasagawa ng online sarbey na naisakatuparan sa pamamagitan ng paggamit ng Google
Forms. Mayroong dalawampung respondente para sa pag-aaral na ito. Layunin ng pag-aaral ang
makapangalap ng mga datos ng sosyo-ekonomikong propayl, matukoy ang pagiging epektibo ng
social media bilang kasangkapan ng patalastas para sa isang pangyayari o “event”, matukoy ang
kalakasan at kahinaan ng social media bilang kasangkapan ng patalastas para sa isang
pangyayari o “event” sa pamamagitan ng pananaw ng mga respondente at resulta ng sarbey, at
makapagmungkahi ng mga plano na maaaring makatulong sa pagpapalawig sa mga
kasangkapan ng patalastas.

Paglalahad ng mga Sulliranin


Nais ng mga mananaliksik na malaman ang sagot sa mga sumusunod na katanungan
hinggil sa paggamit ng social media bilang kasangkapan ng patalastas {advertising tool} para sa
isang pangyayari o event na kanilang binuo {Birthday, Debut, Wedding, Victory Party atbp.} Ang
mga sumusunod na tiyak na katanungan ay nais sagutin ng pag-aaral na ito:

1.Sosyong Ekonomikong Propayl ng mga Tagatugon:

Figure 1: Sosyo-ekonomikong Propayl ng mga Tagatugon


10 15 20
8 15
10
6
10
4
5
2 5

0 0 0
1.1: Edad 1.2: Lebel sa Pag-aaral (Kolehiyo) 1.3: Paaralan
18 19 20 21 22 1st Yr 2nd Yr 3rd Yr 4th Yr MINSU BSU

12 15
10
8 10
6
4 5
2
0 0
1.4: Kasarian 1.5: Tirahan
Puerto Galera San Teodoro Baco Calapan City Naujan Socorro
Lalaki Babae

Naipakikita sa Figure 1 ang sosyo-ekonomikong propayl ng mga tagatugon. Nasa edad


labingwalo (18) hanggang dalawampu’t dalawa (22) ang mga respondente na pumapaloob sa
pag-aaral. Dalawa (2) ang labingwalong taong gulang. Siyam (9) naman ang nasa edad
labingsiyam. Samantalang lima (5) naman ang nasa edad dalawampu. Tatlo (3) ang nasa edad
dalawampu’t isa, at isa (1) lamang para sa edad dalawampu’t dalawa. Lahat naman ng mga ito
ay nasa antas na tersiyarya o kolehiyo sa pag-aaral na nakapaloob sa iba’t-ibang termino, at isa
sa mga mag-aaral na ito ang nag-aaral sa Batangas State University, at mga natitirang
respondente ay nag-aaral sa Mindoro State University. Sa kasarian, labing-isa (11) ang
kababaihan, samantalang siyam (9) naman ang kalalakihan. Nagmula ang mga tagatugon sa
iba’t-ibang bahagi ng lalawigan ng Oriental Mindoro gaya ng Puerto Galera (2), San Teodoro (3),
Baco (1), Calapan City (12), Naujan (1), at Socorro (1).
2. Gaano kaepektibo para sa mga respondante ng pag-aaral ang paggamit ng mga
sumusunod na social media bilang kasangkapan ng patalastas para sa inorganisang
pangyayari o event?
Figure 2: Epektibiti ng Social Media bilang
Kasangkapan ng Patalastas para sa Pangyayari o Event
10
8
6
4 Figure 1: Epektibiti ng Paggamit ng Social Media
bilang Sangkap ng Patalastas para sa mga Event o Pangyayari
2
0
Facebook Instagram Twitter
5 4 3 2 1

Masusuri sa Figure 2 ang kabuuang pananaw ng mga tagasagot ukol sa epektibiti ng


social media bilang kasangkapan ng patalastas para sa pangyayari o event. Kabilang sa mga
social media platforms na ito ay ang Facebook, Instagram, at Twitter. Para sa Facebook, anim
(6) ang nagsabing ito ay napakaepektibo, samantalang walo (8) naman ang nagsabing
epektibong-epektibo ito. Lima (5) ang nagsabing epektibo lamang ito, at isa (1) naman ang
nagsabing hindi ito gaanong epektibo. Para naman sa Instagram, tatlo (3) ang nagsabing ito ay
napakaepektibo, samantalang apat (4) naman ang nagsabing epektibong-epektibo ito sa
nasabing gamit. Walo (8) naman ang nagpahayag na epektibo ito, at lima (5) naman ang
nagsabing hindi ito gaanong epektibo. Panghuli, dalawa (2) ang nagsabing napakaepektibo ng
Twitter bilang kasangkapan ng patalastas para sa isang event, samantalang tatlo (3) naman ang
nagsabing ito ay epektibong-epektibo. Walo (8) naman ang nakakitang ito ay epektibo, at pito (7)
naman ang nagsabing hindi ito gaanong epektibo para sa kanila.
Upang malaman ang kabuuang pulso ng mga respondente, kinuha ng mananaliksik
ang pangkalahatang average. Ang Facebook ay may pangkalahatang average na 3.95 o 4 na
ang katumbas ay epektibong-epektibo. Samantala, 3.25 o 3 naman ang pangkalahatang average
ng Instagram na ang katumbas ay epektibo. Nakakuha rin ang Twitter ng pangkalahatang
average na 3 o epektibo. At kung kukunin naman ang pangkalahatang average mula sa mga ito,
ang iba’t-ibang social media platforms kagaya ng Facebook, Twitter, at Instagram ay mayroong
3.4 o katumbas na epektibong kasangkapan ng patalastas para sa isang pangyayari o event.
Upang matukoy ang kaugnayan ng sosyo-ekonomikong propayl sa pananaw ng mga
tagasagot ukol sa epektibiti ng social media bilang kasangkapan ng patalastas para sa
pangyayari o event, minabuting suriin ng mananaliksik ang espesipikong kaugnayan nito sa
aspeto ng edad, lebel sa pag-aaral, paaralan, kasarian, at tirahan. Subalit, base sa obserbasyon
mula sa resulta, magkakalapit lamang ang mga edad ng mga respondente na pumapaloob mula
labingwalong taong gulang hanggang dalawampu’t dalawang taong gulang at ito ay pumapaloob
sa early adulthood age (18 years old to 30 years old). Gaya nito, lahat ng respondente ay
kasalukuyang nasa antas ng kolehiyo at isa lamang ang nahiwalay ang paaralan. Dahil itong mga
aspeto sa propayl na nabanggit ay pawang magkakapareho lamang para sa lahat ng
respondente, minabuti ng mananaliksik na magtuon ng pansin sa kasarian at tirahan ng mga
tagatugon kung saan naging magkakaiba ang sosyo-ekonomikong propayl ng mga tagatugon
sapagkat maaaring may kinalaman ang kasarian at tirahan sa pananaw ng mga tagatugon ukol
sa epektibiti ng social media bilang kasangkapan ng patalastas para sa pangyayari o event.
Table 1: Epektibiti ng Social Media bilang Kasangkapan ng
Patalastas para sa Pangyayari o Event Base sa Tirahan at Kasarian
Sosyo-ekonomikong
Facebook Instagram Twitter Gen. Ave. Katumbas
Propayl
Babae 4 3 3 3 epektibo
Kasarian
Lalaki 4 4 3 4 epektibong-epektibo
Puerto
3 3 3 3 epektibo
Galera
San Teodoro 4 2 3 3 epektibo
Tirahan Baco 3 3 3 3 epektibo
Calapan City 4 4 3 4 epektibong-epektibo
Naujan 4 3 2 3 epektibo
Socorro 3 3 2 3 epektibo

Matatandaang mayroong labing-isang (11) kababaihan mula sa mga respondente ng


pag-aaral. Masusuri sa Table ang panig ng mga kababaihan sa iba’t-ibang social media platforms
bilang kasangkapan para sa pangyayari o event. Kinuha ng mananaliksik ang pangkalahatang
average ng mga datos. 4 ang para sa Facebook, 3 para sa Instagram, at 3 naman para sa Twitter.
Samakatuwid, mayroong 3 (epektibo) na kabuuang average ang mga social media na nabanggit
base sa pananaw ng mga kababaihan ukol sa epektibiti ng social media bilang kasangkapan ng
patalastas para sa pangyayari o event.
Samantala, masusuri rin sa parehas na table ang panig ng mga kalalakihang may
kabuuang bilang na siyam (9) sa pag-aaral. Kinuha rin ng mananaliksik ang pangkalahatang
average ng mga datos. 4 para sa Facebook, 4 para sa Instagram, at 3 naman para sa Twitter.
Samakatuwid, mayroong 4 (epektibong-epektibo) na kabuuang average ang mga social media
na nabanggit base sa pananaw ng mga kalalakihan ukol sa epektibiti ng social media bilang
kasangkapan ng patalastas para sa pangyayari o event.
Masusuri rin sa Table 1 ang iba’t-ibang pinagmulan ng mga tagasagot at ang kanilang
pananaw sa sarbey. Ang mga tirahan ng mga respondente ay nakapaloob lamang sa lalawigan
ng Oriental Mindoro. Base sa pangkalahatang average, epektibo ang mga social media na
kabilang sa sarbey bilang kasangkapan sa patalastas para sa isang event o pangyayari para sa
mga tagasagot na nagmula sa Puerto Galera, Baco, San Teodoro, Naujan at Socorro. Samantala,
epektibong-epektibo naman ito para sa mga respondente na nagmula sa lungsod ng Calapan.
3. Ano-anong mga kalakasan at kahinaan ng social media bilang kasangkapan ng
patalastas para sa pangyayari o event?
Nagpahayag naman ng iba’t-ibang saloobin ang mga respondente patungkol sa
kalakasan at kahinaan ng social media bilang kasangkapan ng patalastas para sa mga event.
Una, sinasabing mainam ang social media dahil sa bilis at kadalian ng gamit nito lalong higit sa
pagpapahayag ng impormasyon. Pangalawa, mainam ang social media dahil rin sa nabanggit na
kalawakan sa aspeto ng audience o mga nasasakupan ng impormasyon dahil na rin sa
napapanahon ito sa iba’t-ibang edad, kasarian, at tirahan. Kung ninanais ng mga magsasagawa
ng pagdiriwang na makapag-imbita ng mas maraming dadalo, mainam itong gamitin.
Nagpahayag rin ng ilang mga punto ang mga tagasagot sa kahinaan ng social media bilang
kasangkapan sa patalastas. Una rito ang kahinaan ng unang nabanggit na kalakasan kung saan
ang bilis at kadalian rin ang maaaring maging dahilan kung bakit mahirap pigilan ang mga
impormasyong ipinapahayag sa social media lalong higit kung hindi pa sigurado ang mga detalye.
Maaaring makapagdulot ito ng miskomunikasyon sa hindi masukat na madla. Pangalawa, ang
mabilis na paglaganap ng maling impormasyon ang napapanahong kalaban ng mga gumagamit
ng social media. Ito ay maaaring magsilbing hadlang sa matagumpay na pagtatawid ng
impormasyon sapagkat hindi kontrol ng nag-oorganisa ang kamalayan at opinyon ng mga
gumagamit ng social media. Maaari rin na magsilbing pangamba para sa kaligtasan ng mga
dadalo sa isang pagdiriwang dahil sa kalawakan ng sakop ng impormasyon. Maaaring makita ito
ng mga taong maaaring maging kasangkapan upang gumawa ng mga aksyong maaaring maging
banta sa seguridad at kaligtasan ng mga dadalo. Pangatlo, nabanggit rin ang ‘accessibility’ bilang
kahinaan ng social media sa nabanggit na gamit nito. Maaaring hindi lahat ay may kapasidad na
maka-akses sa internet o mga gadyet upang makakuha ng impormasyon galing sa social media.
Ang mga nabanggit na kalakasan at kahinaan ang nagsilbing sukatan ng mga tagasagot upang
makapagbigay ng grado sa sarbey.
Sa pamamagitan rin ng mga datos mula sa sarbey, maaari ring makapagbigay ng
kalakasan at kahinaan ang mananaliksik pagdating sa epektibiti ng social media bilang
kasangkapan ng patalastas para sa isang pagdiriwang. Kabilang dito ang mga sumusunod: (1)
Maaaring tampok sa mga kabataan ang social media lalong higit sa birtwal na interaksyon sa
kapwa kabataan subalit hindi ito sapat na sukatan upang masabing mabisa ang social media
bilang kasangkapan ng mga patalastas para sa mga pagdiriwang sapagkat maraming mga
kabataan rin sa kasalukuyan ang naglaaan ng kanilang oras upang masala nang maayos ang
mga impormasyon mula sa internet gaya ng mga kabataang nasa kolehiyo na nag-iingat sa mga
ito. Malaki ang pagpapahalaga ng mga tagasagot sa impormasyon kung kaya’t dapat na maging
masusi ang mag-oorganisa sa pagpapahatid ng impormasyon sa nasasakupan. (2) Marami pa
ring mga kabataan ang umaasa sa tradisyunal na paraan ng patalastas gaya ng pag-aanunsyo,
mga fliers, at pagbabahay-bahay upang masigurong tiyak ang impormasyong nakukuha. (3)
Mayroong pagkakaiba-iba ng pananaw base sa tirahan o lokasyon. Maaari itong makita sa
kabuuang average na nakatala sa Table 1. Maaaring maikumpara na mas mataas ang mga
puntos na ibinibigay ng mga taga lungsod kumpara sa mga nasa ibang parte ng lalawigan.
Maaaring may mga salik na nakaaapekto sa resultang ito gaya ng koneksyon at aksesibiliti.
Samantala, base rin sa mga datos, maaaring masabi na mas epektibo para sa mga kalalakihan
ang ganitong paraan ng patalastas kumpara sa mga kababaihan na makikita rin sa Table 1.
4. Batay sa resulta ng pangyayari anong mungkahing plano ang maibibigay?
Mula sa nahinuhang kaisipan mula sa mga resulta ng simpleng pag-aaral, nakabuo
ang mananaliksik ng mga mungkahi para sa mga nais gamitin ang social media bilang
kasangkapan ng patalastas para sa idaraos na pagdiriwang. Una, masasabing malaki ang
potensyal ng social media bilang kasangkapan ng patalastas kung magiging kritikal sa pagpigil
ng maling impormasyon at kung magiging detalyado at bukas sa mga katanungan para sa publiko
ang mga taong may kinalaman sa pagdiriwang. Impormasyon ang pinakasentro ng patalastas,
kung kaya’t dapat na matibay at hindi madaling masira ng maling impormasyon ang mga detalye
na ipahahatid sa pamamagitan ng ganitong paraan. Mahalaga na pag-aralang mabuti ang
pagbibigay ng impormasyon sapagkat hindi biro ang dinamikong katangian ng social media sa
kasalukuyan. Maaaring ibase sa target na sosyo-ekonomikong propayl ng mga dadalo at target
na bilang ng mga dadalo ang pag-aaral upang mabalanse kung magiging epektibo ba ang social
media para sa kanila. Pangalawa, magandang ideya rin ang humanap ng mga iba pang
alternatibo upang makapanghikayat ng mga dadalo sa isang pagdiriwang kagaya ng mga maka-
tradisyunal na paraan. Halimbawa rito ay ang pag-aanunsyo, pagbabahay-bahay, at pamimigay
ng mga fliers. Samakatuwid, mahalagang matimbang nang mabuti ang mga salik na dapat
bigyang pansin bago gumawa ng hakbang sapagkat hindi biro sa kasalukuyan ang magpadaloy
ng impormasyon, lalo na sa social media. Malaki ang potensyal nito, kung kaya’t malaki rin ang
kaakibat na pangambang maaaring makuha kung hindi ito pag-aaralang mabuti.

Inihanda ni:
Laurence A. De Chavez

You might also like