You are on page 1of 3

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education

Bahagi ng Isang Sanaysay

A. Panimula
Ang pinakamahalagang bahagi sapagkat ito ang pumupukaw sa atensyon ng
mambabasa
Ito ang nagsisilbing introduksyon ay pambungad na talata
Ito ay pantawag- pansin sa mga mambabasa at maaaring ihalintulad sa isang
appetizer na naglalayong patikimin ang kanyang mambabasa sa paksa at layunin ng
buong komposisyong bubuuin
Layunin nitong himukin ang mambabasa na maging interesado sa patuloy na
pagbasa sa komposisyon

Narito ang ilang halimbawa kung paano sisimulan ang komposisyon:


1. Patanong

Nakasampa ka na ba sa rampa? O para ma tiyak, rumampa ka naba?


Nakapanood ka na ba ng tumutulay sa catwalk? Tagasunod ka ab ng fashionista sa
MTV sa Miami, Paris, at Rio sa Brazil, o hanggang Fashion Channel ka lang para
panoorin ang mga posting modelong halos wala ng damit? Ang mga ito ang daigdig
ng mga fashionista. ( Halaw sa “ Fashionista” ni Jimmuel Naval)

2. Salawikain o sipi
“ Aanhin pa ang damo
Kung patay na ang kabayo?”

Tamang-tama ang kasabihang ito sa maraming tao ngayon. Kung kailan huli at
saka naman ang nagkakandarapang magkaloob ng tulong ang isang tao.

3. Kuwento
Isang umagang nakasakay ako sa pampasaherong FX papuntang NCCA,
narinig ko ang masayang pag-uusap ng dalawang kabataan sa bandang likuran.
Inakala kong may kasakay akong mga turistang Amerikano subalit paglingon ko, mga
yuppie pala na pauwi na marahil galing sa trabaho. Isang kataga lang ang unang pumasok
sa isip ko noon-call center. At tunay nga, mula sa kanilang pag-uusap, nahiniha kong
nagtatarabaho ang dalawa sa isang call center, ang aking iminumunkahi na maging
salita n g taon. (Halaw sa “ Call Center” ni Silvestre Pascua III)

B. Katawan
Tinatalakay ang mga ideya tungkol sa paksa
Layon naman ng gitnang mga talata o katawan na talakayin pang mabuti ang
paksa ng buong komposisyon. Ssa bahaging ito inilalahad ang mga detalye at
ideya na nais ipabatid sa mambabasa.

A. Castro Ave., Brgy 5, San Pedro, Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines
 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

C. Wakas
Inilalahaad ang kongklusyon sa paksang tinatalakay at nagsasara sa talakayang
naganap sa katawan ng sanaysay
Ang panghuli o wakas na talata ay naglalaman ng kongklusyon o dili kaya’y suma
ng mga binangit sa buong komposisyson.
Maari ding maglalaman ito ng rekomendsyon ukol sa paksang tinalakay.

Narito ang ilang halimbawa para wakasan ang isang sulatin:

1. Buod
Sa daigdig ng advertising, kapag higit na pinag-uusapan ang produkto, lalo itong
nagiging mabili. Kahit na nagging matagumpay ang kampanya ng kilusang
kababaihan, lumalabas na nagiging matagumpay anng kompanya ng alak dahil lalong
dumami ang benta ng kanilang produktong alak. Tunay na sa daigdig ng advertising
na ginagamit ang malalaking billboard, publikasyon, radio, at telebisyon ay malakas
ang kapangyarihan ng paghihikayat sa madla ( Halaw sa “KInse Anyos” ni Teo
Antonio)

2. Pag-iwan ng isa o mga tanong


Ano ang dapat itawag sa mga opisyal at sundalong Amerikanong nagpapahirap ng
mga bihag sa kulungan sa Al Ghraib Iraq? Ano rin ang dapat itawag sa mga opisyal sa
kulungan ng Guantanamo Bay na sang-ayon sa mga dating bilanggong Briton ay
sistematiko raw na nagto-torture sa mga bilanggong tulad nila?

Ano nga ba talaga ang terorismo? Sino nga ba talaga ang mga terorista?
Kung naimbento na sa Filipinas noong unang pananhon ang salitang terorista, hindi
bandido o magnanakaw ng kalabaw ang itatawag kay Macario Sakay at sa mga
Katipunerong patuloy na lumalaban sa mga dayuhang mananakop.

Tatawagin silang terosritas! ( Halaw sa “Terosrista at Terorismo”ni Leuterio NicolaS)

3. Pagbibigay-hula sa magaganap sa hinaharap


Hindi na rin malayong mangyaring ang dalagang Filipina ay magsusuot ng hanbok
(pinaikling han-guk pokshik, tradisyonal na kasutang Korean) sa Santacruzan man o
sa timplalak-kagandahan. Kokoronahan siya’t aalayan ng pumpon ng moogunghwa
(pambansnang bulaklak ng Korea) at siya ay mabining kakaway at magwiwika ng:
Mahal ko kayo!” At mapapahanga tayo at sabay-sabay na magwiwika ng: “Gandara!”
( Halaw sa “Gandara” ni Winton Lou Ynion)

A. Castro Ave., Brgy 5, San Pedro, Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines
 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education

A. Castro Ave., Brgy 5, San Pedro, Laoag City, 2900 Ilocos Norte, Philippines
 cte@mmsu.edu.ph  (077) 600-2014 www.mmsu.edu.ph

You might also like