You are on page 1of 1

1ST PERSON: Oh, Birheng kaibig-ibig Ina naming nasa-langit, liwanagan yaring isip nang sa

layo’y di malihis. Inang matangkakal ako’y iyong patnubayan, nang mawasto sa pagbanghay
nitong kakathaing buhay. At sa tanang nariritong naglilimping maginoo kahilinga’y dinggin
ninyo buhay na aawitin ko.

NARATOR: Noong mga unang araw sang ayon sa kasaysayan, sa Berbanyang kaharian ay may
Haring hinangaan. Ang pangalan nito’y Don Fernando, sa iba mang reino’y tinitingnang
maginoo. Kabiyak ng puso niya ay si Donya Valeriana, ganda’y walang pangalawa’t sa bait ay
uliran pa. Sila ay may tatlong anak na sina Don Pedro na panganay may tindig na pagkainam,
Don Diegong malumanay at Don Juan na siyang bunso na ang puso’y sutlang kahit na
mapugto ay puso ring may pagsyuo.

You might also like